"F-Friends." pag-uulit ni Candia sa sinabi niya.
Ngayon lang 'ata siya nasiyahan nang sobra sa pagkakaroon ng bagong kaibigan. Masaya rin siya na hindi nagdalawang-isip si Candia na tanggapin ang alok niyang pakikipagkaibigan dito. Misteryoso ang dating ng dalaga pero alam niyang mabuting tao ito.
"So paano? Kailangan mo ng umuwi." lumabas sila sa diner at dumiretso sa parking area.
Hawak ni Candia ang binili niyang dalawang cheese burger. Paborito raw kasi iyon ng dalaga.
"H-Hindi pala ako puwedeng magmaneho ngayon."
"Bakit?"
"A-Ah kasi.. Hindi ko mahanap ang susi ng kotse. Nahulog 'ata kanina sa toilet bowl."
"Ihahatid na lang kita. Okay lang naman siguro sa'yong sumakay sa motor?" tinuro niya ang itim na harley.
Alanganing tumango si Candia. Iniwan ni Kleo ang pink helmet nito. Himalang hindi iyon ninakaw. Talamak kasi sa La Muerte ang pagnanakaw ng mga gamit kapag nalingat ang may-ari.
Pinasuot niya kay Candia ang helmet. Sumakay na siya sa motor.
"Hop in."
"Bagalan mo lang ang pagpapatakbo, ha? Baka mabangga tayo." nag-aalalang sumakay ito sa motor niya.
Kinuha niya ang dala nitong sando bag at sinabit iyon sa manibela para hindi mahirapan ang dalaga. Pinaandar niya ang motor. Banayad ang pagpapatakbo niya.
"First time mo bang sumakay sa motor?" sinipat niya ito sa side mirror.
Ang mga kamay ng dalaga ay nakapatong sa mga hita nito pero ramdam niya ang pagkakadikit ng mga iyon sa pang-upo niya. Pinatay niya 'agad ang malisyosong ideyang sumulpot sa isip niya.
"Pangatlong beses na."
"Kung magpapagawa ka ng susi ng kotse mo ay sasamahan kita bukas. May kakilala akong gumagawa ng susi."
"S-Sige, salamat."
"Baka kailangan mo rin ng masasakyan bukas, puwede kitang sunduin at ihatid sa trabaho."
Nagkatinginan sila ni Candia sa side mirror. Una itong nagbawi ng tingin.
"Huwag na, nakakahiya. May mga trike namang dumadaan sa'min."
Hindi na siya nag-insist. Baka matakot si Candia sa kanya. Nakakapanibago ang tumatakbo sa utak niya nitong nakaraan. Specifically mula noong araw na na-realize niyang gusto niya itong maging kaibigan. Masaya naman siya sa mga kaibigan niya pero iba pa rin talaga ang dating sa kanya ni Candia. She's very intriguing at the same time very lovable. Malambing itong magsalita at de numero ang bawat galaw.
"Ano'ng ginagawa mo roon sa disco bar?"
"D-Disco bar?" pag-uulit nito.
"Oo, 'yung gabing hinatid kita sa bahay mo. Lasing ka 'ata no'n kaya hindi mo maalala."
"Ah, oo. Oo nga 'yung sa disco bar. May hinahanap lang akong kaibigan doon."
Dinaanan nila ang kanto kung nasaan ang bahay niya. Kanina pa siguro nakauwi si Kleo. Usapan din nila ng kapatid na papuntahin si Jorge sa diner para magkaroon sila ni Candia ng time. Inabisuhan niya naman ang mommy niya na ihahatid si Kleo ni Jorge. Mahirap ng magtaka ito at magalit kay Kleo.
"Kilala mo si Andrei?"
Matagal bago nakasagot si Candia. "A-Andrei?"
"That guy who was with you sa disco bar. 'Yung kasama mong umiinom?"
Lumukot ang mukha ng dalaga. "Ah, hindi. Hindi ko siya kilala. Pasensya na hindi ko maalala."
Tumango siya. "Mag-ingat ka sa isang 'yon. Kahit kaibigan ko siya, kaibigan din naman kita. Baka mabiktima ka ni Andrei." babala niya kay Candia.
"Nag-aalala ka ba sa'kin?"
"Oo. Wala naman sigurong mama kung mag-alala ako sa'yo 'di ba?" diretsahang wika niya. "Magkaibigan naman tayo."
"Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng tunay na kaibigan bukod sa... Ang ibig kong sabihin ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na lalaki. Maganda pala sa pakiramdam na may ibang taong nag-aalala para sa'yo."
Naramdaman niya 'agad ang bigat sa bawat salitang lumabas sa bibig nito. Mukhang hindi maganda ang karanasan ni Candia sa pagdating sa pakikipagkaibigan. Mas lalo niyang na-appreciate na binigyan siya nito ng chance na maging kaibigan nito.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerTatlong babae na iibig sa iisang lalaki. Whose love will prevail? Ano'ng kayang gawin ng bawat isa para lumigaya? Who among them have the darkest secret? Si Candia. Walang karanasan pagdating sa pag-ibig. Nang makilala ang lalaking nagpatibok ng pu...