CHAPTER THREE

30 1 0
                                    

Nabigla si Candia nang datnan ang isang lalaki sa sala nila. Wala itong suot na pang-itaas. Ang kulay asul na kumot ang nakatakip sa dibdib nito pababa sa tuhod.

Kinusot niya ang mga mata para siguraduhing hindi siya namamalik-mata. Naroon pa rin ang lalaki. Takot na pumunta siya sa labas. Naroon ang kotse ni Rachel. Bumalik siya sa loob ng bahay. Sigurado siyang si Rachel ang may dala ng lalaking 'yon sa bahay nila.

Napansin niya ang benda nito sa noo at kamay. Mukhang ginamot ito ni Rachel. Nakahinga siya ng maluwag. Kailanman ay hindi niya pinagdudahan si Rachel. Lahat ng ginagawa nito, kahit hindi niya alam ay pinagkakatiwalaan niya. Alam niya kasing si Rachel lang ang may malakasit sa kanya. Ang laging umiintindi sa kanya. Kung dinala ito ni Rachel sa bahay nila ay hindi masamang tao ang lalaki. Hindi siya hahayaan ni Rachel na mapahamak.

Napaatras siya nang umungol ang nakahigang lalaki. Lumingon ito sa kanya. Sa 'di maipaliwanag na dahilan ay napatakbo siya sa kusina. Sumilip siya sa pader at nakitang nahihirapang tumayo ang lalaki.

"S-sino ka?" she stuttered.

Noon pa mang bata siya ay ganoon na siyang magsalita. Palagi siyang nauutal kaya tinutukso siya ng ibang tao. Nag-resulta iyon para mawalan siya ng tiwala sa sarili. Lagi siyang nagtatago sa kwarto at inaabala ang sarili sa pagpipinta. Iyon ang ginagawa niya hanggang ngayon sa tuwing nag-iisa siya.

"I'm Edward..." napangiwi ang binata nang humakbang ito papalapit sa kanya. Napahawak ito sa benda nito sa noo. "Salamat sa pagtulong sa'kin kagabi. What's your name?"

Muli siyang sumilip sa pader. Mukhang napagkamalan siya ni Edward na siya ang tumulong dito. Matangkad ang binata at katamtaman lang ang laki ng katawan nito. Ang boses rin nito, mukhang mabait.

"Umuwi ka na sa inyo." pagtataboy niya rito.

Tumawa ng mahina ang lalaki. "Hindi mo ba lulubus-lubusin ang pagtulong sa'kin? Nagugutom na ako. Puwede ba akong makikain bago mo ako palayasin?"

Bigla siyang nahawa sa pagtawa ni Edward. Ang sarap pala sa pakriamdam na makarinig ng ganoong klaseng pagtawa mula sa iabng tao. Lumabas siya sa pinagtataguang pader.

"Pasesnya na. Ako si Candia..." nakayukong wika niya.

Nilahad nito ang kamay sa kanya. "Maraming salamat ulit. You have a nice name."

Nahihiyang tinanggap niya ang pakikipagkamay ni Edward. "A-ano'ng gusto mong kainin?" muli siyang napayuko nang nautal siya.

"Kahit na ano."

Nanlalamig ang kanyang mga kamay nang bawiin iyon. Nasundan siya ng tingin ni Edward nang talikuran niya ito at tinungo ang refrigerator.

"Bago ka lang ba rito sa La Muerta? Ngayon lang kasi kita nakita." anito pagkatapos umupo.

"O-Oo, bago lang. Ikaw? Bakit may mga sugat ka?"

"Ito ba?" inangat nito ang mga kamay. "Napag-tripan ako ng mga lalaki sa purok ninyo. Natalo ako sa pustahan namin tapos noong wala na akong ibabayad binugbog nila ako."

Pagkatapos niyang isalang ang rice cooker ay hinugasan niya ang mga gulay na kinuha mula sa ref.

"Kawawa ka naman pala..."

Ngumiti ito. "Hindi pa rin, at least nabugbog man ako kagabi, nagising naman ako at nakilala ang magandang babaeng tumulong sa'kin."

Namula ang pisngi niya at hindi makapagsalita sa sinabi nito. First time niyang makarinig ng ganoong compliment mula sa ibang tao. Maganda pala sa pakiramdam. Ano kayang sasabihin ni Rachel kapag nalaman nitong pinagluto niya ang bisita nito?


DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon