CHAPTER SEVEN

12 0 0
                                    

Naguguluhan si Candia kung paano siya biglang nakarating sa maingay at magulong gusaling iyon. Masakit din ang ulo niya. Nakadagdag pa ang pait ng panlasa niya. Parang may ininom siyang hindi kayang tanggapin ng sikmura niya.

"A-Ano 'to?" aniyang inangat ang basong may lamang pulang likido.

"Wine." preskong sagot ng lalaking kaharap niya.

Nang tumayo siya ay umikot ang paningin niya. Mabilis na nahawakan ng isang kamay ang braso niya bago siya matumba. Si Edward.

"Okay ka lang?"

Hindi siya makasagot. Masama ang pakiramdam niya. Pilit niyang inaalala kung bakit siya narito. Malamang ay sinama siya ni Rachel. Ito lang naman ang minsan ay nagdedesisyon para sa kanilang dalawa.

"Kilala mo siya?"

"Oo, don't try to fool her bro. Dayo lang si Candia rito sa La Muerte. She's a decent woman." sagot ni Edward sa lalaki.

"Ito naman." napakamot ito sa ulo. "Candia ang pangalan niya? I thought she told me her name is-"

"Mukhang lasing 'ata siya. Ihahatid ko lang sa labas. Pakisabi kina Jacob at Jorge babalik ako mamaya."

Wala na siyang lakas na sumagot sa dalawang lalaki. Nanghihina ang mga tuhod niya at bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.

"Sige. Balik ka 'agad."

Naramdaman niyang inalalayan siya ni Edward na makalabas sa gusaling iyon. Halos hindi siya makahinga sa pinaghalong usok at kakaibang amoy na hindi niya matukoy. Nang makalabas sila'y bumati sa kanya ang preskong hangin.

"May sasakyan ka ba?"

Umiling siya. Hindi niya matandaan kung nagdala ba ng sasakyan si Rachel. Sa dami ng sasakyan na naka-park sa labas at sa sama ng pakiramdam niya'y hindi na niya matukoy kung isa sa mga iyon ang sasakyan nito.

Hinubad ni Edward ang suot nitong jacket at pinatong iyon sa balikat niya. Nakasuot siya ng maong na shorts at bulaklaking spaghetti top. Malayong malayo sa sinusuot niya.

"Ihahatid na kita sa inyo."

Wala sa sariling tumango siya. Nag-abang silang dalawa ng binata ng trike sa gilid ng kalsada.

Nakatulog si Candia sa balikat niya habang bumibiyahe sila pauwi bahay nito. Nagpasya siyang samahan ang dalaga imbes na pauwiin itong mag-isa sakay ng trike. Nag-aalala siyang baka mas may mangyaring masama rito lalo pa't lasing ang dalaga.

Nagbago ang isip niayng manghiram ng sasakyan kay Jorge. Baka kasi pigilan siya nitong ihatid si Candia. Wala man siyang ideya kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa bar, he's glad na nakita niya ito roon. Siguro ay mali ang first impression niya rito. Ang akala niya kasi'y conservative ito, iyong tipong sa bahay lang lagi at walang hilig sa night life. But who is he to judge her? Mas masahol pa nga ang mga nagawa niya kumpara sa pagpunta ni Candia sa disco bar.

Lihim siyang napangiti nang maalala ang reaksyon ni Andrei nang sabihin niya ritong huwag lolokohin si Candia. He was there at the perfect time. Mukhang vulnerable pa naman si Candia sa pang-uuto ni Andrei. Hindi siya sigurado kung naparami ang inom ng dalaga pero lasing na lasing ito. Baka nga sinadya pa iyon ni Andrei para tuluyang maakit sa Candia rito.

Why you're so concerned to Candia?

Lumundag-lundag ang trike na sinasakyan nila dahil sa mga batong nakausli sa kalsada. Sa pag-aalalang mauntog ang ulo ni Candia ay inakbayan niya ito at mas inilapit sa kanya. Concerned siya rito dahil ayaw niyang maging biktima ito ni Andrei. Sa tingin niya'y hindi deserving si Candia na paglaruan. Pangalawa, noong minsang kinailangan niya ng tulong ay tinulungan siya nito. May utang na loob siya kay Candia kaya tama lang naman sigurong bayaran niya iyon.

May kapatid siyang babae at kahit naranasan niyang maging basagulero ay malambot ang puso niya sa mga kabaro ni Candia. Sino ba naman ang makakatiis na huwag tulungan ang lasing na babae? Isa pa'y maraming loko sa La Muerte. Baka pagtrip-an pa ito, gahasain o kaya'y nakawan. He's just being a gentlemen.

Lumiko ang trike sa may puno ng akasya. Dire-diretso ito gaya ng direksyong binigay niya kanina. Muli siyang napatingin sa natutulog na si Candia. May katanungan na biglang pumasok sa isip niya. Ano kaya ang ginagawa ni Candia sa lugar nila? Sa dami ng magaganda at safe na lugar sa Pilipinas, bakit napili nito ang La Muerte? That's not his business anymore.

"Teka, dito na lang."

Huminto ang trike sa harap ng kulay pulang gate. Maingat na bumaba siya sa trike at binuhat si Candia palabas. Nahihirapang kumuha siya ng pambayad sa bulsa ng maong niyang pantalon. Himalang hindi naka-lock ang gate. Binuksan niya iyon ng walang kahirap-hirap pagkatapos ay dumaan doon.

Naka-lock ang pinto ng bahay nang pihitin niya iyon. Wala ang kotse sa garahe. Malabo namang iwanan ni Candia ang susi ng bahay nito. Hinila ng paa niya ang plastic stool at umupo roon. Baka nasa bulsa ng shorts ni Candia ang susi. Nakapatong sa hita niya puwetan ng dalaga habang nakaalalay ang isa niyang kamay sa likod nito.

Nagdadalawang-isip siyang kapain ang bulsa ni Candia nang hindi nagpapaalam dito. Pero wala siyang choice. Kung hindi niya mahahanap ang susi, lalamukin silang dalawa roon sa buong magdamag.

Walang malisyang tinungo ng kamay niya ang bulsa ng shorts ni Candia. Wala roon ang susi. Sa kabilang bulsa niya naman pinasok ang kamay. May nakapa siyang metal doon. Maingat na kinuha niya ang susi. Binuksan niya ang pintuan at pinaandar ang ilaw ng bahay.

Hinahanap ng mga mata niya ang kwarto. Nakita niya ang kulay pink na pinto bago ang kusina. Binuksan niya iyon pinindot ang switch na nakapa sa pader. May pang-isahang kama roon. Maayos ang buong kwarto at malinis din. Nilapag niya si Candia sa kama. Nilagay niya rin ang susi sa ibabaw ng bedside table. Aalis na sana siya nang mahagip ng mga mata niya ang easel. Nakapatong roon ang hindi pa natatapos na painting ng isang babae.

Napatingin siya kay Candia. Pintor pala ito. Hindi lang basta pintor, magaling na pintor. Kitang-kita iyon sa detalye ng pininta nitong babae kahit hindi pa iyon tapos.

Pasado alas nuebe na ng tumingin siya sa suot na wrist watch. Kailangan na niyang umalis.

"Bye Candia..." anas niya bago lumabas sa kwarto nito.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon