Kahit masama ang pakiramdam ni Rachel ay pinilit niyang pumasok sa trabaho. Actually nang nagising siya kanina ay kinailangan niya pang pumunta sa disco bar para kunin ang kotse niya na ginamit ni Holy. Masakit ang ulo niya. Pakiramdam niya'y lasing na lasing siya kagabi. Siguradong ganoon din ang nararamdaman ni Candia. Malinaw pa sa kanya ang sagutan nila ni Holy doon sa disco bar.
"Umalis na tayo rito, Holy! Makinig ka sa'kin, kahit ngayon lang please." nakikiusap ang tinig niya.
Nasa loob sila ng banyo ni Holy. Mistulang nakalayang hayop ang kapatid niya sa suot nito. Minumura rin siya nito ng ilang beses na pinapalagpas niya alang-alang kay Candia.
"Gaga ka ba, Rachel? The fun has just started. Tama ba 'yung Ingles ko?"
Tuluyan na siyang napadabog. Hindi matago ang inis at frustration.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mong pananakit sa'kin noon? Bakit mo kami kailangang ipahamak ni Candia!"
Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Hoy babae! Akala mo kung sino kang magaling. Porke't ikaw lang sa'tin ang may matinong trabaho ganyan ka na magsalita sa'kin? Baka nakakalimutan mo, magkadikit ang bituka natin, girl. Kung ayaw mo akong masakyan sa trip ko bahala ka sa buhay mo!" saka ito lumabas sa banyo.
"Holy! Holy!"
Nanatili siyang nakatayo habang nakatingin kay Holy. May lumapit ditong matangkad na lalaki at niyaya ito sa isang mesa.
Mahihirapan siyang ipaliwanag kay Candia ang mga nangyari kagabi. Alam niyang naguguluhan ito pero hindi pa siya handang aminin dito ang tungkol kay Holy. Baka hindi nito kayanin. Isa pa'y walang balak si Holy na magpakilala kay Candia. Baka makasira lang din iyon sa tahimik na mundo ni Candia kapag nalaman nito ang pangit na ugali ni Holy.
"Uy, Rachel okay ka lang? Bakit ka umalis 'agad sa office kahapon?"
Nilapitan siya ni Kleo sa coffee vending machine na nasa labas lang ng gusaling pinagtatrabahuan nila.
"Sumama 'yung pakiramdam ko." pagsisinungaling niya.
"Ah, okay. Mukhang galit na galit si Ma'am Lilith. Nawawala raw 'yung mamahalin niyang cellphone kapahon."
Dire-diretso niyang nainom ang kape nang marinig ang sinabi ni Kleo.
"S-Sino raw ang kumuha?"
Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ko alam. Hindi pa ako nakakabalik sa office noong mawala ang phone niya saka umalis ka rin kaya malabong isa sa'tin ang kumuha, right?"
Sunod-sunod siyang tumango. "Oo nga, tama ka."
Umalis na si Kleo pabalik ng mesa nito. Napatingin siya sa kotse niyang naka-park. Sa natatandaan niya'y first time na may nawalan ng gamit sa opisina nila. Wala sa mga katrabaho niya ang may malikot na mga kamay. Hindi maganda ang hinala niya pero para makumpirma iyon ay pinuntahan niya ang kotse. Binuksan niya ang driver's seat at umupo roon. Kinapa niya ang ilalim ng mga upuan pagkatapos ay sinilip ang sahig ng kotse. Sunod na binuksan niya ang glove compartment ng kotse.
Natutop niya ang kamay ng makita ang isang mamahaling cellphone sa loob niyon. She's damn sure it's not her phone. Wala siyang pagmamay-aring cellphone.
Holy.....
Ito lang ang naiisip niyang gumawa no'n. Nakita niya ito pagkatapos siyang lumabas sa kwarto kung saan naroon ang menor de edad na nanakot sa kanya.
Dismayado si Edward nang makitang wala ng katao-tao sa pinagtatrabahuan ng kapatid niyang si Kloe. Ang usapan nila ay susunduin niya ito ngayon ayon na rin sa kagustuhan ng mommy niya.
Mukhang alam na niya kung sino ang sumundo kay Kloe. Hindi pa sila nagkikita ni Jorge. Kagabi pagkatapos niyang ihatid si Candia ay dumiretso siya sa bahay nila. Alam niyang magagalit ang mga kaibigan niya dahil hindi siya bumalik pero madadaan niya ang mga 'yon sa bola.
Sumakay siya ulit sa harley at sinuot ang helmet. Aalis na sana siya nang makita ang magandang babaeng pababa sa tatlong baitang na hagdanan. May hawak itong kulay abong shoulder bag na bumagay sa abuhin din nitong uniporme. Napangiti siya nang masigurong kilala niya ang babae. Hindi niya akalaing magkikita na naman silang dalawa.
"Candia...." tawag niya rito.
Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay tumingin sa likuran. Napakunot noo ito pero 'agad din na nawala nang bumaba siya sa motor.
"Kumusta? Okay ka na ba? Pasesnya ka na kung hindi ako nakapagpalam ng pormal kagabi. Tulog na tulog ka kasi."
Tila nguluhan ito sa sinabi niya pero 'agad din na sumagot. "Ah, oo, pasesnya na sa abala. Ah, ano nga uli ang pangalan mo?"
Siya naman ang nagtaka. "Edward..." lumapit siya rito bago nito mapuntahan ang kotse nito. "Ganoon ba kadaling kalimutan ang pangalan ko?"
Napatitig sa kanya si Candia. Sumilay sa labi nito ang isang ngiti dahil sa sinabi niya. Nakagat niya ang labi nang mapagtantong mas lalo itong gumanda kapag nakangiti.
"Of course not."
Mukhang hindi rin ito kinakabahan dahil ito nauutal. Still, she look so beautiful.
"Uuwi ka na?" tumango ito. "Ah, hmmm..."
Binuksan nito ang driver's seat. "Bakit?"
Bigla siyang napakamot sa ulo. "Ah, wala. Sige, it's nice to see you again. Ingat ka."
Tumango ito at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Pinaandar iyon ni Candia. Wala siyang nagawa kung hindi ay sundan ng tingin ang papalayong kotse nito.
Damn it. Gusto niya sana itong imbitahing magkape o 'di kaya'y dinner. Kaya lang ay umurong ang dila niya at naduwag siya. That's the first time. Nakaka-intimidate pala si Candia kapag nakatitig sa kanya ng diretso.
Sumakay siya sa kanyang motor at napailing ng ilang beses. Mukhang alam niya na ang pagtatanungan tungkol kay Candia. Inaamin niyang medyo nagiging interesado siya sa dalaga dahil sa paulit-ulit na 'di inaasahang pagkikita nila. Siguro dahil din sa kaalamang dayo ito sa lugar nila. Gusto niya itong makilala nang husto at maging matalik na kaibigan. Pakiramdam niya kasi ay may pagkakapareha sila ni Candia. Or he should say he already felt a strange connection the first day he saw her.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerTatlong babae na iibig sa iisang lalaki. Whose love will prevail? Ano'ng kayang gawin ng bawat isa para lumigaya? Who among them have the darkest secret? Si Candia. Walang karanasan pagdating sa pag-ibig. Nang makilala ang lalaking nagpatibok ng pu...