CHAPTER ONE

35 1 0
                                    

Habang inaayos ni Rachel ang laman ng kanyang bag ay bigla siyang natigilan. Pakiramdam niya'y may nagmamasid sa kanya. Kinuha niya ang maliit na gunting sa ibabaw ng mesa at lumingon sa kanyang likuran. Siya na lang ang naiwan sa opisina dahil nagsi-uwian na ang mga kasama niya.

Nakarinig siya ng ingay mula sa banyo. Kinakabahang sinara niya ang bag at sinukbit iyon sa kanyang tagiliran habang hawak pa rin ang gunting. Bawat paghakbang niya'y lumilikha ng tunog ang tatlong pulgada niyang sapatos.

Wala siyang inaksaya na oras. Binuksan siya ng walang pagdadalawang-isip ang pinto ng banyo. She was ready to attack nang lumundag ang isang pusa mula roon.

"Shit!" napaatras siya at nabitawan ang gunting.

She took a deep breath. Hindi dapat siya nagmura. Pinangako niyang hindi na siya magmumura. Muli niyang sinara ang pintuan. Pinulot niya ang gunting at binalik iyon sa kanyang mesa. Pasado alas syete na. Kailangan na niyang umuwi sa inuupahang bahay.

Mabibilis ang kanyang mga kilos nang isara ang main door ng pinagtatrabahuan. Isa siyang social worker sa probinsya ng La Muerta. Limang buwan na siyang nakatira roon. Mula siya sa Maynila or she should mula sila sa Maynila. Kasama niya ang mga kakambal niyang si Candia at Holy. Kaaway niya ang huli. Hindi niya ito gusto kaya't laking pasalamat niya na nawala na lang ito bigla pagkatapos nilang dumating sa La Muerte.

Maingat na nilagay niya sa passenger's seat ng kanyang kotse ang mamahalin niyang bag. Regalo pa 'yun sa kanya ng dati niyang nobyo na si Jake. Sa tuwing naiisip niya si Jake ay bumabangon ang masidhing galit niya kay Holy. That bitch who seduced her boyfriend! Hindi lang iyon ang kasalanan ng higad na iyon, marami pang iba.

She is twenty six years old. Hindi sila magkasamang pinalaki na magkakapatid. Sa kanilang tatlo ay siya lang ang nakapag-aral. She was raised in the orphanage at dahil doon, naging tama ang direksyon ng buhay niya. She's well mannered, smart, friendly with high self-esteem. Lahat ng nakakakilala sa kanya'y nagugustuhan ang personalinad niya. Unlike Candia, poor Candia.

Hindi sementado ang daang tinatahak niya. Ang probinsya ng La Muerta ang isa sa mga lugar sa Pilipinas na tila pinabayaan ng gobyerno. Iilan lang doon ang maayos na estbalisyemento. Kung hindi sira, ang iba nama'y halos hindi na magamit. Pero wala siyang choice kung hindi ay tumira rito. Holy thinks this is the perfect place for them. Pati nga kulay ng kotseng binili nila ay ito ang namili. Sino pa ba? Alangan namang si Candia. Eh, halos hindi nga nagsasalita ang isang 'yon. Ilang taon pa lang nang na-diskubre niya na may isa pa silang kapatid, si Candia.

Lumiko siya sa daan kung saan mayroong malaking puno ng akasya at halos masirang karatula ng purok na tinitirhan niya. Ang ilan sa kabahayan doon ay walang kuryente kaya minsan ay pahirapan kapag ganitong oras na siya umuuwi. Binagalan niya ang pagmamaneho. Nag-aalala siyang baka makasagasa ng bata o 'di kaya nama'y hayop. Tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng bag. Hindi niya iyon pinagkaabalahang kunin. Tinuon niya ang mga mata sa daan pero muli na naman iyong tumunog.

Sa pag-aalalang baka isa sa mga katrabaho niya ang tumatawag ay binuksan niya gamit ng isang kamay ang kanyang bag. Pilit na hinahanap ng kamay niya ang cellphone pero bigo siyang makuha iyon. Hininto niya ang kotse pero eksakto namang huminto ang pag-iingay ng cellphone niya. Muli niyang pinaandar ang kotse pero biglang may sumulpot na bulto ng lalaki mula sa kung saan. Napasinghap siya kasabay ng pag-atras papalayo sa driver's seat. Kitang-kita niya ang dugo sa mga kamay nito habang nakahawak sa bintana ng kotse niya.

"Tulong....Tulungan mo ako...."

Doon lang tumigil si Rachel sa pagtitig sa dugong halos bumalot sa kamay ng lalaki. Palinga-linga siya sa paligid kahit na alam niyang maliit ang posibilidad na mayroon pang tao sa labas. Kapag ganitong oras kasi ay kadalasang tulog na ang mga tao roon. Iilan lang din ang mga kabahayan doon. Ang umuukopa sa malawak na lupain ay halos mga palay at mais.

May kahabaan ang buhok ng lalaki kaya't hindi malinaw ang hitsura nito. Gustuhin man niyang paandarin ang kotse pero tila may pumupigil sa kanya. Umungol ang lalaki na parang may iniinda itong masakit sa katawan nito. Kinakabahang napalunok siya ng laway. Hindi lingid sa kaalaman niya ang kuwento ng La Muerte. Halos araw-araw roon ay may namamatay, aksidente man o sinadya. Sa katunayan ay naging kilala ang lugar sa dami ng masasamang krimen na nangyari roon. Marahil iyon din ang dahilan kung bakit sumuko ang gobyerno na pansinin ang probinsya.

"Tulong...." muling daing ng lalaki. This time mahina na ang boses nito.

Kinakabahan man ay pinili niyang bumaba ng sasakyan. It is her job to help people. Kung masamang tao ito ay masaya siyang mamatay sa kadahilanang tinulungan niya ito. She's not afraid of death.

Nang lapitan niya ang binata ay napaluhod ito.

"Okay ka lang? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" aniya na nakatayo sa harapan nito.

Marahang umiling ang lalaki at nanghihinang humawak sa binti niya. Ramdam niya ang panlalamig ng kamay nito. Bago pa niya ito maalalayang tumayo ay humandusay ito sa daan.

"No...No..."

Habang pinapasok niya sa passenger's seat ang lalaki ay nakarinig siya ng mga papalapit na boses patungo sa kanila.

"Doon! Baka tumakbo siya roon! Dalian niyo!"

Sa nanginginig na kalamnan ay mabilis na sinara niya ang pinto ng kotse at sumakay roon. Pinaandar niya iyon at mabilis na pinaharurot patungo sa pinakadulo ng daan kung saan siya nakatira.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon