CHAPTER TWO

34 1 0
                                    

Holy had a smirk in her face. Ang akala niya'y puwede na siyang lumitaw. That stupid witch Rachel was able to stop her. Naiinis talaga siya sa isang 'yon. Palaging kontrabida sa buhay niya. Hindi katulad ni Candia na walang pakialam sa mundo. Buti na lang talaga at walang kaalam-alam si Candia na may isa pa itong kakambal sa katauhan niya. Kung nagkataon, baka lasunin ni Rachel ang utak ng isang 'yon. Madali pa naman 'yung mauto hindi katulad niyang tuso.

Kung akala ni Rachel ay maiisahan siya nito, nagkakamali ang kapatid niya. Naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon para sorpresahin ito. Just like what she did to Rachel's ex boyfriends. Sino nga ang mga 'yon? Jake? Elly? Miguel? Mga walang kuwentang lalaki na katawan lang naman talaga ang habol sa kanya.

Lumaki siya kasama ang tatay niya. Dapat ay close silang mag-ama dahil doon pero ang walanghiya, inabuso siya mula noong pitong gulang pa lamang siya. Pagkatapos ng halos limang taong pang-aabuso mula sa kamay ng tatay niya ay lumipat siya sa kanyang tiyuhin. Ang akala niya'y magbabago na ang lahat pero mas malala ang naghihintay na kapalaran para sa kanya. She was sexually abused and physically abused by him. Walong taon. Walong taon din ang kahayupang ginawa nito sa kanya. Nakatakas siya sa kamay nito sa tulong ng kaibigan niyang si Kelly.

She trusted Kelly. Mabait ito at may pagkakapareho ang kapalaran nila. Pero tinaraidor siya ng babae. Binenta siya sa isang foreigner. Hinalay siya ng paulit-ulit at wala man lang natanggap kahit pisong duling na bayad. Kinuha lahat ni Kelly. At paulit-ulit na ginawa iyon ng babae sa kanya. Kaya nama'y hindi niya pinagsisisihan ang ginawa rito. Gaya rin ng nararamdaman niyang kasiyahan sa ginawa niya sa mga dating nobyo ni Rachel. They deserved it. Kung mayroon man sa kanilang tatlo ni Rachel at Candia ang nakakakita sa tunay na kulay ng tao ay siya 'yon. Pero laging siya ang kontrabida kahit na ang gusto lang naman niya'y imulat ni Candia at Rachel ang mga mata sa mga bagay na nakikita niya.


Ramdam ni Rachel na malapit lang si Holy. Kung akala nito'y magiging parte na naman ito ng buhay nila ni Candia ay nagkakamali ito. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para tabuyin ang bruhang iyon.

Muntik na niyang makalimutan ang lalaking pasahero sa tabi niya. Wala pa rin itong malay. Medyo kadiri ang dugong kumapit sa upuan ng kotse niya mula sa kamay nito. But oh well, for the love of helping lilinisin niya iyon. Tiyak na magtataka si Candia kapag nakitang may dinala siyang lalaki sa bahay nila. Pero hindi rin naman ito magtatagal. Ggamutin niya lang ito pagkatapos ay pauuwiin kung saan man ito nakatira.

Hininto niya ang kotse sa kulay pulang gate. Bumaba siya ng kotse at binuksan iyon bago bumalik uli sa sasakyan. Pagkatapos niyang i-park sa garahe ang kotse ay sinara niya ulit ang gate. Binuksan niya ang passenger seat. May pagdadalawang isip na niyugyog niya ang balikat nito. Hindi man lang ito gumalaw. Wala siyang pagpipilian kung hindi ay alalayan itong makababa sa loob ng kotse niya.

Nilagay niya sa kanyang balikata ang isa nitong braso habang ang isa nama'y sa beywang niya. Nakahawak din ang kamay niya sa beywang ng binata. It felt awkward lalo pa't matagal nang panahon mula noong huli siyang naging ganito kalapit sa isang lalaki. Pagkatapos mawala ni Jake sa buhay niya ay pinangako niyang hindi na iibig pa. Sa ganoong paraan ay wala ng dahilan si Holy na sirain ang buhay niya.

Dahan-dahan lang ang bawat hakbang na ginawa niya patungo sa pintuan ng bahay. Kinuha niya ang susi sa bulsa at pinasok iyon sa keyhole ng doorknob. Pinihit niya iyon at nagmamadaling pinihit ang pintuan.

"Ah!" habol niya ang hininga ng ibaba sa malambot na sofa ang lalaki.

Pakiramdam niya'y naubos ang lahat ng lakas niya sa bigat ng lalaki. Sinara niya ang pinto at pinaandar ang ilaw sa sala. Dumiretso siya sa banyo at kinuha roon ang tinatagong first aid kit. Nang bumalik siya sa sala ay wala pa ring malay ang lalaki.

Mukhang patay na 'ata.

Yumuko siya sa tabi nito at nilapag sa sahig ang first aid kit. Mukhang hindi pa naman ito patay dahil tumataas-baba ang dibdib nito tanda na humihinga pa ito. Tinaas niya ang kamay at hinawi ang buhok ng binata na nakatakip sa mukha nito.

Hindi ito mukhang masamang tao. Gwapo ito huwag lang pansinin ang natuyong dugo sa noo nito. Napangiti siya ng maalala si Candia habang nakatitig sa lalaki. Ganoong hitsura ang sinabi ni Candia na tipo nito sa isang lalaki. Tumikhim siya para ibalik ang kaseryosohan sa hitsura. Pumunta siya sa kusina at pinuno ng tubig ang planggana.

Binalikan niya ang lalaki at nilinis ang mga braso at kamay nitong puno ng namuong dugo. May mga sugat ito sa kamay at hiwa sa noo. Ano kayang nangyari rito? Tiyak siyang anuman ang sagot ay hindi iyon maganda. Sa hitsura nito ay malabong kriminal ang lalaki. Branded pa nga ang sapatos nito at t-shirt. Baka biktima ito ng mga lalaking laging nakikipag-away sa La muerta.

Bumuntung hininga siya. Bukas na bukas ay pauuwiin na niya ito. Hindi maganda para sa kanila ni Candia na mapalapit sa kahit na sinong lalaki. Kung matalino siya ay tuso si Holy. Malalaman at malalaman nito ang mga ginagawa nila.

DARK SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon