Angela POV
Maaga akong gumising dahil ito na ang unang araw ng pasok ko sa Jasmin International Academy at sobrang excited na ako makapasok sa school na 'yon. Nang makatapos ko kumain nag-paalam na ko kay mama kasi baka ma-traffic pa kami ni manong tonio e.
"Bye bye na mama," paalam ko kay mama.
"Sige anak mag iingat ka at mag enjoy ka sa first day mo sa school na 'yon," sabi sa'kin ni mama sabay halik pisngi ko.
"Mang tonio tara na po," sabi ko kay mang tonio.
Habang nasa biyahe kami. Hindi ko maiwasan na ang hindi mapangiti sa kadahilanang natupad na ang mithiin ko na makapag-aral sa Jasmin International Academy. Hindi naman sa hindi namin kayang bayaran ang tuition sa school na 'yon, ayoko lang masyado kasing mahal saka gusto kasama ko ang mga kaibigan ko para mas masaya.
Pagdating namin sa Jasmin International Academy bumaba ako agad. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko ng masilayan ko ang school.
"Salamat mang tonio," sambit ko sa driver namin at tuluyang ng pumasok sa loob ng school. Pagpasok ko palang ang daming tao. Ewan ko anong meron hindi ko na pinansin iyon. Hindi na ako nagtagal sa puwesto kong iyon ng may tumawag sa'kin at nang nilingon ko kung sino ang tumawag sa'kin.
Natanaw ko si Mr. Jasmin kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Hello po, Sir." bati ko sa kanya.
"Hi, sumama ka sakin sa office do'n natin pag-uusapan kung anong kurso ang kukunin mo," malumanay nitong sabi sabay lakad.
Tumalima na lang ako sa kanya. Pagdating namin sa office ni sir pumasok at umupo kami.
"Angela. Ano bang kukunin mong kurso?" Tanong niya sa'kin.
"Sir. ABM po ang kukunin ko," sagot ko sa kanya.
"SSandali lang at titignan ko lang kung saan ang magiging room mo," tugon niya tapos nagpipindot na siya loptop na nasa harap nito pagkatapos ay muli itong tumingin sa'kin.
"Sure ka na bang iyan ang kursong kukunin mo?" Pag-uusisa nito.
"Opo, Sir." Sagot ko sa kanya.
"Sa section A ka at kaklase mo ang anak ko," sambit niya.
Pagtapos niyang sambitin iyon nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit Angela may problema ba?" nagtataka niyang tanong sa'kin.
"Wala po, Sir" sambit ko sabay iling.
Ang malas ko naman o. Kaklase ko pa ang Mr. Yabang na 'yon.
"Sige na Angela mauuna na ko sayo," sabi niya sa'kin sabay alis nito. Ako naman naglakad na papuntang room, nagtanong-tanong na rin ako kasi nakalimutan kong itanong kung saan banda ang room ng sectoin A.
Nang nandoon na ko sa tapat ng mismong silid kinakabahan akong pumasok sa loob kaya nanatili lang akong natayo sa harap ng pinto. Nang may biglang nagsalita mula sa likuran ko.
"Papasok ka ba? O tatambay ka lang d'yan? Nakaharang ka kasi sa dadaan namin," tanong nito sakin.
Agad namang nasitaasan ang dalawa kilay ko at kasabay nito ang pag-akyat ng dugo sa'king ulo nang naririnig ko ang boses na 'yon. Di ko makakalimutan ang nakakairitang boses na 'yon na sobrang kinaiinisan ko.
Umalis agad ako sa pintuan sabay sabi ng "Sorry naman," in sarcastic way.
Sinadya ko pang itaas ang kanang kilay ko habang dumaan sila sa harapan ko.Nang nakapasok na sila. Pumasok na rin ako umupo ako sa pinakadulo 'yong ako lang at wala akong katabi badtrip lang kasi.
Dumating na ang Prof namin. "Good morning class," paunang bati nito samin.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Complete But Editing)
Short StoryUnder Editing But Completed "You need the right person in your life. Not the best person," -Angela "But sometimes the right person you need is leave your side. It won't be just for a meantime but probably for a lifetime. And you'll question yourself...