The End

455 16 0
                                        

Angela POV

Dalawang linggo na rin ang nakararan ng muli kaming magkita ni AJ at nang araw din na 'yon ay hindi na ako pinakawalan pa ni AJ ni-hindi n'ya na nga ko pinabalik sa trabaho ko. Agad din n'yang binalita sa mga kaibigan nito na nakita n'ya ko. Nag resign na rin ako sa trabaho dahil ayaw na ni AJ na magtrabaho pa ako.

Sa ngayon ay nandito kami ni AJ sa pampangga sa rest house nila na dati na din naming napuntahan. Gusto kasi ni AJ na makapagbonding ng kaming dalawang lang at wala eepal na barkada o kung sino pa man.

"Mifey ko, tara na," Tawag sa'kin ni AJ

"Eto na Mibby ko," sambit ko at naglakad na patungo sa kanya mamasyal kasi kami.

---

"Mibby ko, ang ganda talaga dito." Masayang sambit ko.

"Pero may pinakamaganda ang nakikita ang mga mata ngayon," namamangha sambit ni AJ na naging sanhi para tumingin ako sa kanya upang makita ko rin kung saan siya nakatingin. Ngunit gan'on na lamang ang gulat ko ng mapagtanto ko kung saan siya nakatingin. Hindi sa mga tanawin sa paligig kun'di sa aking mukha na para bang ito na ang pinakamagandang tanawin na namasadan nito.

"Ano ba huwag mo nga kong pakatitigan ng ganyan," puna ko rito dahil sa uri ng pagkatitig niya sa'kin ay para akong matutunaw anumang oras.

"Angela," Seryosong tawag niya sa pangalan ko na 'di pa rin inaalis ang nanatunaw tingin niya na nagdudulot ng kakaiabang pakiramdam sa'kin.

"Alam mo bang ikaw ang tanawin na hinding-hindi ko pagsasawang pagmasdan at ang kabisaduhin ang bawat detalye na iyong kagandahan ay isang napakagandang tanawin na nais kong makita sa bawat sandali aking buhay." Puno ng sinseridad na wika ni AJ habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Isang matamis na ngiti lang ang tugon ko sa madamdaming pahayag niya.

"Tara na nga, 'di ba sabi mo mamasyal tayo at hindi tayo makakapagliliwaliw kung matitigan lang tayo dito." Sambit ko at hinila siya.

Huminto kami sa isang kalye kung saan nakahilera ang iba't-ibang uri ng kainan. Humanap agad ako ng bakanteng mesa upang doon kami maupo at hindi naman ako nabigo dahil nakakita agad ako 'yon nga lang sa gitna. Para kasing food court ito.

Nakabalik na si AJ na may dalang food tray siya kasi ang bumili ng pagkain namin. Masaya kaming kumain minsan naman ay nagsusubuan pa kami at pinagkukrus namin ang braso namin habang umiinon. Hindi ko mapigilan ang pagngiti dahil sa kilig na nararamdam ko.

"Bakat ka nakangiti d'yan?" Tanong niya habang sumisipsip pa rin.

"Kinikilig kasi ako sa'yo," kinikilig na sagot ko.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa mall para lang maglaro sa arcade dahil gusto manalo ng piggy stuff toy.

"Ang daya naman ng makinang 'to," nangusong sambit ko.

"Hmm.. huwag ka ng malungkot Mifey ko, hindi ako titigil hanggat 'di ko nakukuha ang piggy mo," sabi niya at naglaro ulit.

Sa wakas nakakuha na din siya. Tuwang-tuwa ako ng mahawakan ko na ang piggy ko na kanina ko pa inaasam- asam.

"AJ the baboy ang ipapangalan ko rito," sambit ko at niyakap ito.

"Bakit naman kapangalan ko 'yan? Hindi naman ako baboy ah." nakangusong angal niya.

"Dahil mahal kita," pabulong na sagot ko at niyakap ulit si AJ the baboy.

"Naku kinikilig tuloy ako," Kinikilig na sambit niya at niyakap din ako. Sumunod na nilaro namin ay bumb car at ako ang driver hindi naman kami mamatay kapag bumunggo kami kaya okay lang tulad ng inaasahan ay nabunggo nga kami ng maraming beses.

Stay With Me (Complete But Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon