Chapter 16

232 20 0
                                        

Angela POV

"Angala wait lang," narinig kong sigaw ni AJ, pero hindi ko pinansin sa halip ay binilisan ko pa ang pagtakbo

"Kapag nahuli kita hahalikan kita pangako 'yan!" Muling n'yang sigaw

Hindi maiwasan kiligin pero hindi ko pinahalata sa halip ay gumanti ako ng sigaw "Subukan mo at sasapakin kita!"

"Sapak lang pala eh," mahinang sigaw niya. Nagtakbuhan lang kami ikot doon, at ikot dito ang ginawa namin hanggang sa napagod ako at kusang umupo sa isang bench

"Huli ka!" Sabi ni AJ, sabay dinampian ako ng halik sa pisni agad ko siyang nahampas ng malakas sa dibdib niya

"Aray! Ang sakit!" Angal niya habang hinihimas ang kanyanh dibdib

"Buti nga sayo!" At dinilaan siya

"Sabi ko naman sa sayo diba kapag nahuli kita ay hahalikan kita." Katuwiran niya.

"Diba! Sabi ko rin sayo, subukan mo at sasapakin kita," sambit ko, napaka-kamot ulo na lang siya

"Kain na tayo!" Paanyaya niya

"Sige!" Nakangiting tugon ko

Naglakad kami ng papuntang food court dito sa star city.

"Nasaan kaya sila?" Tanong ko kay AJ

"Ewan ko," matipid niyang sagot

"Subukan mo nga tagawan si charles, at tatawagan ko naman si trisha." Pahayag ko

Kinuha namin ang mga cellphone at nag dial. Pero nagriring lang ng nagriring ang cellphone ni trisaha

"Hindi sinasagot eh," naiinis na sambit ko

"Ganun din di rin sinagot ni charles," sabi niya

"Haysss! Yari sakin 'tong si trisha." Sambit ko, at nagpatuloy sa pagalalakad

"Wag mo na nga silang intindihin. Malalaki na sila," sabi ni AJ

Pagkarating namim sa food court ay agad kami umupo sa bakanteng mesa.

"Ako na ang bibili ng makakain natin anong gusto mo?" Tanong ni AJ

"Sandwhich at mango juice nalang, thank you." Nakangiting tugon ko, umalis na siya. Nagmasid-masid lang ako sa paligid baka sakaling makita ko sila, alam kong hindi matitis ni trisha ang hindi kumain dahil mukhang pagkain 'yon nakita si Charles sa hindi kalayuan kaya naman pinuntahan ko ito

"Hoy!" Gulat ko rito, "nasaan sila at bakit hindi niyo sinasagot 'yung tawag namin ha!" Dugtong ko

"Oh! Ikaw pala," nakangiwing sambit niya

"Ay! Hindi anino ko lang 'to!" Sarkastikong tugon

Nag kamot batok muna siya bago sumagot "Ah bumili lang," matipid n'yang  sagot

"Saan?" Tanong ko, Sakto namang dumating na sila

"Hi besthie," nakangiting bati ni cylinne

Ngumiti ako ng pilit. "Ikaw trisha bakit mo sinasagot 'yung tawag ko?" Naiinis na tanong ko

"Hihi," bungisngis niya "Sorry besthie hindi napansin kase nawili ako eh, sorry talaga!" Pahayag niya

Mukha naman totoo ang mga sinabi niya.

"Angela!" Narinig kong sigaw ni AJ, kumaway lang ako sa kanya

"Oh, kayo pala." Sabi ni AJ, nang makarating siya sa pwesto namin

"Pano ba 'yan angela una na kami," sambiy ni trisha

"Teka saan na naman kayo pupunta?" Tanong

"Edi mamas'yal." Sagot nito

Stay With Me (Complete But Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon