Chapter 4

447 30 4
                                    


Angela POV

"Angela ang tagal mo nandito na yung sundo mo." Sigaw sakin ni mama

'Nandiyan na po mama," sigaw ko pabalik kay mama

Ang aga naman kase ng sundo ko eh. Oo si alex pumuyag kase si mama na manligaw siya sakin. Pero si kuya andrei ayaw niya pwes wala siyang magagawa kase si mama na 'yung nagdesisyon

"Ang tagal mo naman," naiinip na sabi niya

'Dapat hindi mo na ko hinintay kung aangal ka rin pala," naiinis kong tugon

"Eto naman hindi mabiro," nakangiting sabi nito

"Oo na lang po tara na nga," aniya ko sa kanya.

Sumakay kami ng kotse niya. Isang linggo na rin siyang nanliligaw sakin simula ng pinayagan siya ni mama

Natatawa nalang ako kapag naaala ko iyon. Yung mukha niya na mumula dahil sa hiya at takot kay kuya andrei.

*FLASHBACK*

Hinintay ko si alex dito sa labas gate namin,

"Ang tagal naman ata nung alex na 'yun?" Tanong ni kuya andrei

"Kuya nasa pilipinas tayo ah. Uso traffic dito," sambit ko

Tumahimik na lang ito, pagkapasok ni kuya sa loob ng bahay sakto naman dumating si alex

"Hi angela sorry natraffic lang ako," sabi ni alex,

"Okay lang tara na," aya ko sa kanya at pumasok na kami sa loob siyempre si kuya ang sama agad ng tingin sa kanya

"Hi po tita," bati niya kay mama

"Hi din kuya," bati  niya kay kuya drei

"Hello iho ikaw ba si alex?" Tanong ni mama,

"Opo" sagot nito.

"Ah sige upo kana at kukunin ko lang yung juice at sandwich sa kusina," sabi ni mama sabay alis,'

"Angela akala ko ba wala kang kapatid sino siya?" Takang tanong ni alex

"Oo nga wala---------," Naputol yung sasabin ko ng bigla nag salita si kuya

"Oo wala siyang kapatid na lalaki. Pero pinsan na lalaki marami," seryosyong sabi nito

"Ah ganun po ba," sagot ni alex

Dumating na si mama na may dalang tray kaya tinulungan ko na siya. Umupo na si mama

"Ah iho manliligaw ka daw sa anak ko?" Tanong ni mama

"Opo kaya po ako nandito kase magpapaalam po sana ako na liligawan ko si angela," paliwanag niya.

"Ah sige pumapayag akong ligawan mo siya basta ipangako mo sakin na hindi mo sasaktan ang anak ko," sabi ni mama

"Opo pangako 'yan," sagot nito

Nakita kong sumilay sa mga labi niya ang ngiti at napasin ko na nabawasan 'yung kaba nararamdaman niya .

"Ano? Tita ganun na lang ba 'yun!" Protesta ni kuya

"Andrei sundin mo na lang ako!" Sabi ni mama

Walang nagawa si kuya, kundi ang tumalima na lang kay mama

"Tandaan mo 'to oras malaman kong umiyak at nasaktan ng dahil sayo ang pinsan ko! Ako mismo maglilibing sayo ng buhay sa lupa ha!" Pag babanta ni kuya kay alex.

"At eto pa tandaan mo 'yung pangalan ko."ANDREI KARL ALVAREZ"
sabi ni kuya andrei sabay alis

"Pagpasensyahan muna si kuya ah.,". sabi ko

Stay With Me (Complete But Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon