Angela POV
"Kamusta na angela?" Nakangising tanong sakin ni charles
"Okay lang." Walang gana kong tugon
"Friend." Sambit ni hendrick sabay akbay sakin
"Kailan tayo naging mag kaibigan!" Sarcastic kong sabi
"At pwede ba paki-tanggal 'yang kamay mo, baka mabali ko yan." Dugtong ko, habang naka-tingin sa kamay niya na nakaakbay sa balikat ko. Agad niya naman iyong tinanggal sabay sambit "Eto naman di mabiro," nag piece sign pa siya
"Tara na nga cylinne baka malate pa tayo." Naiinis na sambit ko
At naglakad na kami papunta sa kanya-kanya namin klase kase naman si cylinne hrm ang kurso niya. Pagdating ko sa room umupo agad ako sa pwesto ko siyempre katabi ko AJ
Hindi niya ko pinansin, tumahimik na lang ako at nakinig sa prof namin na kasalukuyang nag tuturo sa harap hanggang sa natapos ang prof namin sa pagtuturo hindi niya ko pinapansin
Ni-hindi niya nga ako tinignan kahit isang segundo lang, Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito siguro dahil nasanay lang ako na lagi siyang mabait at sweet sakin
Naglalakad ako sa corridor ng biglang may bumunggo sakin
"Aray!" Sambit ko habang tumayo dahil natumba ako sa lakas ng bunggo niya sakin. Ang sakit tuloy na pwetan ko
"Hoy miss! Bulag ka ba?" Bulyaw ng lalaking nakabunggoan ko
"Sorry!" Pahingi ko ng tawad
"Kase ang katangahan iniwan sa bahay!" Sabi nung lalaki, na kinainis ko
"Nag sorry na nga di ba!" Naiinis kong tugon
"Sa uulitin gamitin mo 'yang mata mo," sarkastikong tugon niya
"Ang panget mo na nga, ang paget pa ng ugali mo," sambit ko
"Anong sabi mo?" Nawala ang mga ngisi niya sa labi
"Bingi!" Sambit ko, na dahilan upang tuluyan itong sumabog sa galit
"Ang tamang mo rin noh," nang gagalaiting sambit niya sabay hawak sa punsulan ko
"Bitiwan mo nga ko," nagpupumiglas na sambit ko
"Ang tama mo di ba! Tignan lang natin kung hanggang saan ka dadahil ng katapangan mo." Maangas ng sabi nito sabay hila sakin
Walang sinumang nagtakang tulungan ako.
"Bitawan mo siya!" Malakas at otoritadong sambit ni AJ
"At ano naman ang pakialam mo dito," sambit ng lalaki
"Hawakan niyo na 'yan!" Otoritadong utos niya sa tatlong kaibigan niya. At tinanggal ni charles ang pagkakahawak ng lalaki sa punsulan ko at hinawakan nga nila ito
Si AJ naman ay pinaulanan ito ng suntok sa mukha at sinitmuraan niya pa ang lalaki
"AJ tama na!" Sigaw ko at pumagitna
"Kulang pa nga 'yan." Sambit nito
"Bitiwan niyo na siya!" Otoritadong utos ko, at tumingin pa sila kay AJ at tumango na si Aj sa kanila
Binitawan nila ang lalaki na walang malay at basag na ang mukha, puno din ng dugo ang kamao ni aj
"Okay ka lang ba!" Halata sa mga mata nito ang pag-aalala sakin
"Okay lang ako," tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya, aakmang aalis na ako ng bigla niya hawakan ang kamay
"Angela," sambit nito
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Complete But Editing)
Short StoryUnder Editing But Completed "You need the right person in your life. Not the best person," -Angela "But sometimes the right person you need is leave your side. It won't be just for a meantime but probably for a lifetime. And you'll question yourself...