chapter 3

505 34 3
                                    

Angela POV

"Sige, kita na lang tayo mamaya after class," sabi ko kay Alex nandito kasi kami ngayon sa field nakaupo sa ilalim ng isang puno. Simula no'ng araw na inatake ako ng hika ay lagi na kaming magkasama at magkasabay kumain, umuwi at minsan pa nga ay ihahatid niya pa ako samin.

Naglalakad na kami ngayon papuntang sa classroom ko kasi naman sa dalawang subject ko lang siya kaklase.

"Thank you, Alex bye at ingat," sabi ko

Pumasok at naupo na ko sa upuan at s'yempre katabi si dev. Sa hindi ko malamang dahilan kung bakit ito tumatabi sa'kin?

Si AJ ang tinutukoy ko. Nakakainis kasi siya lagi. Nakinig na lang ako sa Prof namin na kasalukuyang nagtuturo ng lesson sa harapan. Nang matapos ang klase namin ay agad kong niligpit ang mga gamit ko at naglakad na palabas ng classrroom.

Ngunit bago pa man ako makalabas ng classroom ay sabay-sabay na nag-tawanan ang mga kaklase ko. Na ipinagtaka ko naman at ng lingonin ko sila ay nagsalita ang isa sa mga classmate ko na 'may tagos daw ako' qgad naman akong napatingin sa bandang puwetan ko at may kulay pula nga ang palda ko. Sa pagkakatabda ay kakatapos pa lamang ng monthly's period ko. Dumako ang tingin ko sa akin upuan may kulay pula din katunayan na may tagos nga talaga ako pero napagtanto na hindi iyon regla kun'di ay isang pulang pintura at alam ko kung sino may pakana nito. tumingin kay AJ na tawang-tawa ngayin dahil tagumpay s'ya na maipahiya ako sa buong klase.

"Hindi pa tayo tapos!" Galit na wika ko pero nginisian lang nito.

Tumayo ito at nagsalita "Guys tignan  niyo o. Sa'kin s  pa ata siya hihingi ng pambili ng napkin. Kawawa naman," pagkatapos ay tumawa siya.

Sa sobrang galit ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko ay sinampal ko ito. Hindi lang isa kun'di dalawang beses pa. Napapaluha na ko sa sorbang galit ko.

"Mag saya ka ngayon." Sambit ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.

"OO TALAGA!" may diin na sabi nito.

Naglakad na ko palabas at may naririnig akong bulungan.

"Kawawa naman si ate girl o.."

"Buti nga sa kanya masyadong kasi nagmamatapang e."

at ang iba naman ay tuwang-tuwa pa. kainis!

Nang makalabas ako ng room nakita ko Alex na kadarating lang.

"Anong nangyari sayo, Angela? Nag- aalalang tanong niya sa'kin.

"Wala." Sagot ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Wala, Bakit ka umiyak?" Muling tanong nito.

"Wala nga." Pasigaw kong sabi sa kanya.

Hinubad nito ang suot nitong coat at itinali sa bewang ko kaya ngayon ay puting polo na hanggang pulsuhab na lang ang suot niya. Kasi uniform dito pang mayaman talaga.

"Tara," aniya sa'kin. Sumunod na lang ako sa kanya, binitbit niya na rin pati abg bag ko. Dumuretso kami sa locker ko para makapagpalit na ako ng damit.

Pagkatapos kong magpalit ng damit. Umalis na kami ng school at pumunta sa Star city para mag relax-relax muna. Ito kasi usapan namin dalawa kanina.

Sumakay kami ng ibat-ibang rides, hiyaw ako ng hiyaw na tila parang isang bata lalo do'n sa loob ng wanted monster house sobra kasing naka-katakot do'n halos mapunit ko na nga ang damit ni Alex. Siya naman kasi nagyaya sa'kin do'n kaya 'yon inabot niya sa'kin nang makaramdam na kami ng gutom kumain na lang kami sa Jolibee nilibre niya ko. Ayaw ko sana kaso ang kulit niya.

Stay With Me (Complete But Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon