Angela POV"Totoo po ba ang lahat ng iyon?" Naluluhang tanong ko kay mama at papa na nagkatitigan pa bago ako sagutin
"Anak huwag kang umiyak makakasama iyan sayo!" Nag-aalalang sambit ni mama
"Ma, pakiusap sagutin n'yo ko please!" Nagmamakaawang sambit ko
"Sasagutin namin lahat ng tanong mo pero bago iyon pakiusap huwag kang umikyak," wika ni mama habang si papa naman ay nakatingin lang sakin.
Tumigil na ako sa pag-iyak habang sila mama at papa ay muling nagkatitigan sabay tango nila sa isa't isa
"Ganito kase iyon anak" pasimulang wika ni mama at tinignan si papa para s'ya ang magkwento
"Noong mga panahon iyon anak wala talaga kaming kapera-pera ng mama mo at kailangan mong operahan para matagal ang bara sa puso dahul kapag hindi ka naoperahan ay maari mong ikamatay at iyon ang hindi namin kayang tanggapin ng mama mo lalo na ako anak mahal na mahal kita. Nang araw na yun ay inutusan ako ng boss na dalhin sa asawa niya ang perang pampaopera ng anak nila na may sakit na kagaya mo hindi na ako nag-dalawang isip pa at pinuntahan ko kayo kaagad ng mama sa hostipal at ibinayad ang perang iyon para maoperahan kaagad kahit na ang kapalit nun ay ang isang buhay ng batang katulad mo, hindi ako nagsisi na ginawa ko ang bagay na yun dahil dun nandito ka ngayon sa harap ko at kasama ka namin ng mama mo ngayon anak," mahabang kwento ni papa
"Paano pa, kung ako yung batang tapos yung tatay niya ginawa rin lung ang ginawa n'yo. Anong mararamdaman mo papa?" Naluluhang tanong ko
"Sobrang masasaktan o baka nga hindi ko kayanin at sumunod ako agad sayo dahil nag-iisa ka lang anak," naluluhang sagot ni papa
"Kung ganoon dapat hinayaan n'yo nalang ako namanatay alam kung hindi lang kayo basta nagnakaw dahil pumatay kqyo ng batang dapat nabubuhay ngayon kasama ang pamilya niya," umiyak na pahayag ko
"Hinayaan n'yo na lang sana na mamatay ako," humahagulgol na wika ko
"Sino siya?" Umiyak na tanong ko kay papa
Pero imbus nasagutin niya ko umiiling siya palatandaan na ayaw niyang sabihin.
"Sino siya? At sino pamilya niya? Pa, sumagot ka!" Pasigaw na tanong ko
"Angela anak tumahan ka pakiusap!" Nag-aalalang wika ni mama at sa kanya naman ako nagtanong
"Ma, pleasa sagutin mo ko please!" Pagmamakaawa ko pero umiling lang din ito na ikinaiyak ng todo
"Ryan pakiusap sagutin mo na ang mga tanong ng anak natin" naluluhang wika ni mama
"Basta anak ipangako mo sakin napipili mong maging masaya" umiyak na wika ni papa at tumango na lamang ako.
"Jana jasmin ang buo niyang pangalan halos kasing edad mo lang siya angela" sagot ni papa na ikinatigil ko na para bang ang hirap iproseso sa utak ang pangalan iyon. Dahil yun din ang pangalan ng kapataid ni AJ na namatay
"Kapatid siya ng nobyo mo anak" sabi ni papa
"Ikaw pala yun pa?" Tanong ko habang umiyak pa rin at tumango lang si papa bilang sagot
Doon na rin na tapos ang usapan namin nila mama't papa dahil sabi ko sa kanila ay gusto ko ng magpahinga
Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumasok sa school hindi ko kinibo sila mama nung kumakain kami dahil sa hindi ko pa kaya at hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin
Hindi na ako sinundo ni AJ dahil may practice sila ng basketball team niya para sa nalalapit nilang laban, pag-dating ko sa school dumiretso na lang agad ako sa room at doon ko isipin lahat ng problema hindi ko mapigilan na hindi umiyak kapag naiisip ko na meron isang tao ang nasakripisyon para lang mabuhay ako at ang malala mahal na mahal iyon ng lalaking nagmahal sakin ng buong-buo at sobra hindi ko na talaga alam ang gagawin o iisipin ko.
"Angela" Agad akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko at si AJ lang pala
"Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sabay lapit sakin
"Hindi ah" sagot ko sabay punas sa ligid ng mata para hindi na tumulo paang luhang nagbabadyang pumatak
"Uy, alam ko nagtatampo ka dahil hindi kita nasundo kaninang umaga sorry na mifey ko!" Puno ng sinseredad na paghingi niya ng tawad sakin na ikinatawa ko naman
"May nakakatawa ba sa sinabi ko" kamot ulo niyang tanong
"Wala, pero ikaw oo" nakangiting sagot ko
"Etong poging mukhang 'to nakakatawa" reklamo niya habang turo-turo ang mukha niya
"Sobrang lamig nararamdaman mo rin ba?" Kunwaring nagtatakang tanong ko
"Hindi naman" agarang sagot ni AJ
"Oo nga hindi mo mararamdaman 'yun dahil ikaw yung mahangin" natatawang wika ko
"Atleast napapatawa kita" sambit nito habang nakatingin sakin
"Oo na lang, mibby dalawin natin si jana mamaya" wika ko
"Bakit? Takang tanong niya
"Gusto ko lang" sagot ko at tumango na lang si AJ sakto naman na nag-sidatingan ang mga kaklase namin
Ang totoo talaga dahilan kung bakit gusto dalawin si jana upang humingi mg tawad sa kanya kase ng dahil sakin ay hindi manlang niya nakasama ang pamilyang mahal na mahal siya at mahal na mahal niya rin lalo ang kuya niya.
Hindi ko alam kung kailan ko mqsasabi kay AJ ang mga nalaman ko hindi dahil sa hindi ko kayang sabihin kundi sa kung ano ang magiging reaction o mararamdaman niya, paano kung iwan niya ko? Paano kung kamuhian niya ko? Hindi ko na alam ang nais ko lang ngayon ay ang makapaghanda kung sakaling malaman niya sa oras o pahanong hindi ko inaasahan
"Mifey yuhoo mifey" tawag sakin ni AJ habang ang dalawang kamay niya ay kumakaway sa harap ng mukha ko
Hindi namalay natapos na pala ang klase at breaktime na sa sobrang pag iisip ko ng kung mga problema ko
"Bakit?" Medyo gulat na tanong ko
"Mifey alam ko may problema ka pwedeng pwede kang magsabi sakin," seryosong wika ni AJ
"Wag muna ngayon hindi ko pa kayang magkwento sa ngayon" tangi naisagot at niyaya na lamang siyang kumain buti na lang at hindi niya na ko kinulit pa dahil wala talaga akong baka sabihin sa kanya ang lahat ngayon
Nandito na kami ngayon sa sementeryo nakaupo ako ngayon sa harap ng puntod ni jana at pinaalis ko muna si AJ dinahilan ko na lang girls talk 'to kaya hindi pwede marinig ng mga lalaki at buti na lang hindi na siya nagrelakmo pa sinigurado mo munang nasa kotse siya bago magaimulang magsalita
"Hi Jana," bati ko sa puntod niya habang hinahaplos ko iyon
"Alam ko ang lahat jana ang sakit at ang hirap tanggapin na ako eahilan lung bakit ka namatay sa murang sa edad na tatay ko ang nagnakaw ng perang pqmbayad sa operasyon mo na minahal ako ng kuya mo ng sobra ang hirap at ang sakit ng katotohanang ito jan" umiyak na pahayag ko
"Siguro alam mo na rin ang lahat alam kong magagalit ang pamilya mo sakit oras na malaman nila na ako ang kapalit ng buhay mo, ang bigat sa pakiramdam na may itinatago ka pero hindi ko naman kayang sabihin ang lahat sa kanila alam mo ba sabi ng papa piliin kong maging masaya pero paano ko gagawin iyon kung alam ko ng dahil sakin namatay ka" umiiyak pa rin na pahayag ko
"Sorry sorry" paulit-ulit na paghingi ko ng tawad sa pumtod ni jana
"Totoo ba ang lahat ng narinig ko?" Bahagya akong nagulat ng marinig ko ang tinig na iyon pero dahan dahan parin ako lumingon sa kanya
"Sumagot ka!" Pasigaw na wika ni AJ at wala akong nagawa kundi ang tumango bilang sagot
"Sorry! Sorry! Sorry!" Paulit-ulit na hingi ko ng tawad habang umiyak
"Kailan mo pa 'to nalaman?" Tanong niya
"Kahapon lang" sagot ko, nakita ang galit sa kanyang mga mata at kuyon niyang mga kamao
-
-
-
-
Itutuloy....
-
-
-
-A/N: the next chapter is ending guys
Salamat sa lahat ng sumuporta at sumubabay sa story nila AJ at Angela
Thank you and i love you guys by the way guys just vomment kung gusto niyong magpabati at mapagdedecateThank you ulit
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Complete But Editing)
Short StoryUnder Editing But Completed "You need the right person in your life. Not the best person," -Angela "But sometimes the right person you need is leave your side. It won't be just for a meantime but probably for a lifetime. And you'll question yourself...