Angela's POV
Dinadama kong maigi ang malamig na ihip ng hangin habang naglalakad ako sa kung saan ako dadalhin ng aking mga paa ng may nakita akong... isang lalaki na walang malay sa may tabi ng kalsada. Mukha siyang bugbog sarado dahil puro sugat ang kanyang buong katawan kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa at dinala ko siya sa aming bahay upang mabigyan ng paunang lunas ang kanyang sugatang katawan.
Pagpasok ko palang sa bahay ay tinawag ko si mama para tulungan ako sa pagbubuhat sa lalaking 'to at nang madala namin 'to sa isang bakanteng silid dito sa bahay ay agad ko namang ginamot 'yong mga sugat niya. Pagkatapos ko siyang gamutin ay nagpaalam muna 'ko kay mama para mag-pahinga.
Tinawag ako ni mama dahil gising na daw 'yong lalaking napulot ko sa tabi ng kalsada, agad naman akong pumunta doon. Para kamustahin ang kalagayan nito.
"Hi, kumusta na ang pakiramdam mo?" Magiliw na tanong ko sa kanya.
"Sino ka? Nasaan ako? At anong ginagawa ko dito?" Tanong din niya sakin. Imbis na sagutin ang tinatanong ko sa kanya.
"Ah. Nandito ka sa bahay namin," Sagot ko.
"Bahay niyo na 'to? Mukhang bodega." Nang -iinsulto tugon niya.
Tumaas agad ang kilay ko sa sinabi niya "Ang kapal din ng mukha mo 'no? Tinulungan na ka na nga!" pataray kong sagot sa kanya.
"Sinabi ko bang tulungan mo 'ko?" sagot niya.
Aba! Talagang iniinis ako neto ah! Sabi ko pero sa isip ko lang.
"Bahala ka nga d'yan sobrang kapal ng mukha mo!" Naiinis na sambit ko sabay alis ang kapal talaga n'ya nakakainis.
Angelo's POV
I'm Angelo Jameson Jasmin, 19 years old.
Call me AJ.
Ang tanging naaalala ko lang bago ako mawalan ng malay ay nakipag-away kami ng mga bakarda ko. Tapos isinakay ako ng mga kaaway namin sa kotse at buti na lang ay nakatalon ako palabas bago mahulog sa bangin ang sinasakyan namin. Sa sobrang sakit ng katawan ko dala ng nahihilo na rin ako kaya 'yon nawalan na ko ng malay at kapag minamalas ka nga naman sa bodegang 'to pa ako napunta.
*Knock! Knock! Knock!*
"Pasok," sabi ko at bumukas 'yung pinto at isang batang babae ang iniluwal nito.
"Kuya pogi kumusta na po kayo?" Tanong niya sa akin.
"Ah. Okay lang ako," sagot ko.
"Kuya pogi, sabi ni ate ang yabang at sungit mo daw," usisa niya.
"Ate mo pala 'yung pangit na 'yon." sambit ko
"Ano 'ng sabi mo sa ate ko?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa 'kin.
"Alam mo ang cute mo sana kaso lang kasing taray ka ng ate mong pangit," natatawang sabi ko.
"Bahala ka nga d'yan," sabi niya sabay talikod aalis na sana kaso tinawag ko lang.
"Ano?" Mataray niyang tanong.
"May cellphone ba kayo? Tatawagan ko lang sana sina Mommy at Daddy. Para makauwi na 'ko sa amin,"
"Oh. Ayan na po mahal na prinsipe," abot niya akin ng cellphone sabay talikod.
Mana talaga siya sa ate niyang pikunin, napailing na lang ako.
Tinawagan ko na sila Mommy at Daddy.
Upang ipaalam sa kanila na okay lang ako at ibigay ko na rin ang address ng lugar na 'to kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Complete But Editing)
Historia CortaUnder Editing But Completed "You need the right person in your life. Not the best person," -Angela "But sometimes the right person you need is leave your side. It won't be just for a meantime but probably for a lifetime. And you'll question yourself...
