Chapter 11

322 28 0
                                        

Angelo POV

Naghahanda na ako para sa gagawin kong panghaharana kay angela mamayang gabi. Pero bago muna ang lahat papasok muna ako sa school para kulitin at arasin si mifey ko

Nagmamaneho ako ng sasakyan patungon school. Pagkadating ko roon

Asually tumpok-tumpok na naman ang mga fan girls na nag-aabang sakin. Dimiretsiyon na agad ako room para simula na ang pang-aasar kay angela

Pagpasok ko ay umupo ako agad sa tabi niya, “Good morning," nakangiting bati ko

“Good morning too,” balik na bati nito

“Angela sabay tayong kumain mamayang lunch time," paanyaya ko

“Hindi pwede sabay na kaming kakain ni cylinne," sagot nito

“Okay, pero sasabay parin ako sayo kumain." Nakangisi kong sambit

“Kung makikita mo ko mamaya." Aniya

Dumating na si prof kaya nakinig nalang kami pareho sa lahat ng itinuro nito. Pagkatapos ng apat na oras na pamamalagi sa loob ng silid at pakikinig ng mga lectures ni prof ay lumabas na kami at si angela ‘yun natakasan ako pero hahanapin ko parin siya

Someone POV

Tinakasan ni angela si AJ dahil nagpupumulit itong  sabay silang kumain. Pagkatapos takasan nitong takasan si AJ ay nakipagtagpo si angela sa kaibigan nitong si cylinne para sabay silang kumain sa park ng JIA

"Cy ang hirap!" Malungkot nitong sambit

"Ang alin?" Takang tanong ni cylinne

"Lumimot," matipid na tugon ni angela

"Alam besh hindi naman kase agad mawawala 'yang sakit nararamdam mo. Pero huwag mo sanang patagalin pa," payo niya

"Bakit pa kase ako." Tanong nito sa kalangitan

"Magiging okay ka rin," sambit ni cylinne

"Ang sakit lang kase!" Malungkot na tugon nito

"Ganito nalang besh kumanta ng isang malungkot na tugtugin, sa gayung paraan mailalabas mo ang iyong nararamdaman," pagpiprisinta ni cylinne

"Sige," pagsang-ayon nito

Pumili na ng musika ang dalawa sa cellphone at ang napili nila ay hanggang kailan by micheal pangilinan, pinatugtog muna nila ito

"Game na ," wika ni cylline

Tumango na lamang si angela at sinimula na ang pagkanta

"Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana
Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag isa
Hindi ko maturuan ang pusong
'Wag mag mahal ng tapat sa'yo

Kahit pa, ako'y bahagi na lamang
Ng nakaraan mo ohhh
Andito lang ako sa'yo

"Sige lang besh ikanta mo lang 'yan," komento pa ni cylinne

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan?

Pasigaw na binigkas ni angela ang mga huling kataga, at kasabay nito ang pag-ulan ng mga luha mula sa kanyang mga mata

Samantalang si AJ naman ay  nakatanaw lang kay angela, at dinig na dinig nito ang pagkanta at maging ang pag-iyak ni angela. Wala na siyang nagawa kundi ang titigan na lamang ang dalawa at ipinangako niya sa kanyang sarili na iyon ang huling beses na iiyak si angela ng dahil kay alex. At umalis na

Stay With Me (Complete But Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon