Chapter 12

274 26 0
                                    

Angela POV

Nandito ako ngayon sa park ng school. Nang may narinig akong tumatawag ng pangalan ko mula malayo at dinig na dinig ito,

"Anong bang nangyari?"

"Beshy tignan mo 'to!" Sabay abot niya sakin ng cellphone

Eto ang gabing hinarana ako ni AJ ah! May video pala, at viral pa! Hindi maiwasan mapangiti dahil naging masaya talaga ako nun. Pero naiiyak ako sa mga komento ng mga taong nakapanood nito, ang sakit nila mag salita

"Diba! siya yung babaeng iniwan at naka aksindente, ay akala ko matinong babae pero malandim din pala,"

"Angela is certified MALANDI,"

"Ay si ate kunwari pa! GUSTO RIN naman niya na nilalandi siya,"

"Angela is also know DILAN!"

Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa galit at inis na nararamdam ko ngayon, gusto kong ipagtanggol yung sarili mula sa kanila pero anong magagawa isa lang ako marami sila

"Beshy!" Nag aalalang sambit niya

"Bakit sa tuwing nagiging masaya ako ay laging panandalian lang," habang pinapasid ang mga luha ko

"Hayaan mo beshy, kapag nakita ko ang mga nasipag komento d'yan. Kalbo ang aabutin nila!" Naiinis na sambit niya

Tumayo na ko mula sa pagkakaupo at tumakbo

"Angela saan ka pupunta?" Narinig kong sigaw ni cylinne, sa halip na lingonin siya ay itinuloy ko na lang ang pagtakbo

Huminto ako sa isang lilib ng lugar na malapit dito sa school. Umupo sa gilid at isinubsob ang mukha sa ibabaw ng mga tuhod ko, iyak lang ako ng iyak ng may boses

"Miss tara na," sambit nito. Tumayo ako at naglakad palayo at hindi nag abalang tignan pa kung sino ito. Subalit hinawakan nito ang braso, dahilan upang mapalingin sa kanya,

Isang lalaking matangkad sakin at may tatto sa kanang braso nito pero di ko alam kung anong klaseng tatto iyon, maputi ito at hindi namang mukhang adik. Pero alam kong may masama siyang balak!

"Bitiwan mo nga ako," at pilit akong kumakawala sa hawak niya

"Tara na nga," seryosyong sambit niya

"Umalis ka na at huwag mo na akong isama. Pwede rin ba bitiwan mo na ako!" Sigawa ko at nagpupumiglas

"Tara na nga kase!" Hinigit niya ako at isinandal sa pader

"Anong gagawin mo!" Natatakot na ako

"Sumama ka lang sakin at walang akong gagawing masama sayo," dama at amoy ko na ang hiningal niya dahil sobrang lapit ng mukha nito sakin

"Bakit hindi ka nalang kase umalis, at iwan ako. Bakit kailangan mo pa akong isama at hindi naman kita kilala!" Kumawala ako sa ganoong posisyon pero hindi hawak niya parin ang braso ko

Nginisian niya lang ako!

"Tulong! Tulong! Tulong!" Sigaw na sambit ko

"Sige lang!" Sambit niya

Alam kong merong tutulong sakin, kaya naman hindi ako tumigil sa kakasigaw. At mayroong lumitaw na lalaki kahit hindi ko na gaanong maaninag dahil nanlalabo na rin ang mga mata sa kakaiyak. Alam kong AJ ang lalaki iyon

At bigla na lang ako binitiwan ng lalaking 'to, at dahil nanghihina na ako ay natumba na lang ako sa semento

"Angela!" Dama ko kung gaano siya nag aalala sakin

"Thank you," hinayaan ko na lang ang pag yakap nito sakin, at ang lalaking may tatto ay umalis na. Pero bago ito umalis ay naiwan ito na katagang nag rema sa isip ko "Sothopia is your's"

Stay With Me (Complete But Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon