Angela POV
Nandito ako ngayon sa canteen. Kumain ng lanch ng biglang naghiyawan ang mga babae dito sa canteen, nandito na naman kasi ang grupo nila AJ. Nakinababaliwan ng lahat ng babae dito sa campus maliban nga lang sa'kin.
Pagkakataon nga naman o. "Ngayon na ang panahon ng paniningil," bulong ko
Tumayo ako habang bitbit ang juice na iniinom ko. Sinalubong ko siya at nagkunwari hindi sinasadyang maitapon sa kanya ang juice kahit sinadya ko talaga.
"IKAW!" Naiinis n'yang sigaw.
"Opps! Sorry!" nakangisi kong pahingi ng tawad habang naka-picesign.
"Ikaw na babae ka." sigaw niya.
"O.. bakit?" Pang-aasar ko pang sambit. Wala na kong pakilam kung maraming ang nakatingin samin basta magawa ko lang ang paghihiganti ko sa kanya.
"Humanda ka sa'kin!" Galit at may pagbabatang sambit nito.
"Lagi kaya kong handa," Nakangisi at nang-aasar na sambit sabay talikod sa kanila. Hindi pa man ako nakakalayo hinatak niya ang kanang kamay ko at sobra akong nasasaktan sa pakakadiin ng pagkakahawak nito.
"Bitiwan mo ko!" Sigaw ko sa kanya. Pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak.
May humarang na lalaki sa kanya. Kaya napatigil ito sa paghila sa'kin at si alex 'yon.
"Pre, sabi niya bitawan mo siya," Komento ni alex.
"Paano kung ayoko?" Nanghahamong sabi ni AJ kay alex.
"Okay." Sambit ni alex sabay suntok kay AJ at doon ko lang nabawi na ang kamay na kanina ko pa kinukuha sa kanya.
"Buti nga sayo." Pang- aasar ko kay AJ habang tumatayo ito. Alam kong gaganti siya kay Alex kaya naman hinatak ko na si Alex papalayo sa kanya bago pa niya magawa iyon.
Huminto kami sa lugar na walang masyadong tao. Hingal na hingal kaming dalawa.
"Pwede bang pahinge ako ng tubig," sambit ko sa kanya kasi baka mamaya ay atakihin naman ako ng hika. Agad naman siyang kumuha ng tubig at agad ko rin naman 'tong ininom.
"Thank you Alex sa kaninang pagtulong mo sa'kin," pasasalamat ko.
"Wala 'yon basta ikaw," tugon nito sabay kindat.
"Lakad-lakad muna tayo mamaya pa naman ang next class natin," aya ko
"Sige," pagsang-ayin niya. Sabay kaming naglakad at nasa field na kami ngayon sa may bandang dulo kung saan may lilim.
"Teka Alex hindi ako makahinga ng maayos. Inaatake ako ng hika," hinihingal na wika ko kay Alex.
Agad niya namang kinuha ang bag pati ang inhaler ko nasa loob nito.
"Eto na." nagmamadaling niyang inabot iyon sa'kin.
Agad ko naman kinuha ang inhaler at itinapat ko ito sa bibig at ilong ko, habang naka-inhaler ako nakita si AJ sa malayo at napakaseryosyo ng mukha niya habang nakatingin samin. Bakit kaya? Hindi ko na lang ito pinansin pa. Nang maramdaman ko na nakakahinga na ako ng maayos.
"Okay ka na ba?" Nag-aalala niyang tanong sa'kin.
"Oo okay na ko," tugon ko sa kanya.
"Tara na punta na tayo sa classroom" aya ko sa kanya. Maglalakad na sana kami ng bigla nanghina ang tuhod ko na para bang nawala ito ng lakas kaya naman muntik na akong matumba pero nasalo ako ni alex. Nagkatitigan pa nga kami pero saglit lang kasi nagsalita na siya.
"Alam mo Angela, hindi ka pa okay." Aniya sabay tumalikod ito sa'kin para ipinasan ako.
"Ano bang ginagawa mo? ibaba mo nga ko." Pag-angal ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stay With Me (Complete But Editing)
Short StoryUnder Editing But Completed "You need the right person in your life. Not the best person," -Angela "But sometimes the right person you need is leave your side. It won't be just for a meantime but probably for a lifetime. And you'll question yourself...
