Happiness
Mahigit limang tao na akong nagtatrabaho sa Across the Miles Travel and Tour dito sa Ortigas,Makati.At hindi rin biro ang mga pinagdaanan ko para lang tumagal sa trabaho na to.Dahil bukod sa trabaho ko sa opisina bilang sekretarya,may pagkakataon kami na makapag bakasyon sa ibang lugar o ibang bansa.
"Bakit daw may meeting? Alam mo kung bakit?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mylene.
"Hindi ko alam yun ah.Sinong nagsabi? Bakit di tayo na inform?"
Umismid ito at sumimangot."Narinig ko kay Kara.Tapos tinanong ko yung iba at may meeting mamayang 4pm.May memo naman pero hindi ko alam kung bakit hindi umabot sa atin ang memo.Pag ako talaga di nakapag pigil kakalbuhin ko yung kilay ni Kara.Feeling maganda! Hindi naman sya maganda!"
Napailing na lang ako.Hindi ko alam kung anong problema ni Kara sa amin sa akin.Matagal ng ganyan ang trato nya sa amin lalo na sa akin.Lagi nya akong tinatarayan na para bang may ginawa akong hindi maganda sa kanya o di kaya may utang akong hindi nabayaran.
"Hayaan mo na.Wag mo nalang pansinin.Ang hirap kayang makipag away sa taong ganyan.Basta ang importante ay wala tayong ginawang masama."
Napabuga ito ng hangin sa inis."Wag kang masyadong mabait Bella para hindi ka abusuhin ng iba."
Umiling ako."Hindi ako masyadong mabait kung yun ang inaalala mo.Ang sa akin lang,chill lang.Relax! Masyado kang hot eh.Ang punto ko kasi ay kung ano ang binigay sayo tanggapin mo.Kung ano yung klase ng pagtrato ang binigay nya sa akin,yun din ang ibibigay ko.Basta walang pisikalan dahil ibang usapan na yun."
"Tama ka na naman.Kaya nga lalong nanggagalaiti yang si Kara pag binigyan mo ng cold treatment sa bawat banat mo.Sabayan mo pa ng poker face ala Vice Ganda! Sabog!"
"Wala naman kasing kwenta kung patulan mo. Wag mo nalang pansinin."
"Tama ka,pero sakit talaga sya sa bangs ng kilay ko pag nakita ko sya.Oh sya,tawagin kita maya pag mag meeting na."
Ngumiti ako at nagpasalamat saka hinarap ang computer.Lunes na lunes tambak ang mga trabaho sa desk ko.Kaya nga wala akong panahon makipag plastikan sa mga kasamahan ko sa trabaho dahil sa dami ng tatapusin ko.Ayaw kong masigawan ng boss ko kung bakit yung mga kailangan nyang papeles ay wala.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga ibang kasama ko kung bakit inis sa akin.Wala naman akong ginawa sa kanila.Halos hindi nga ako lumalabas sa opisina ko maliban nalang kung tinatawag ako ni Boss Veronica.
Mag alas kwatro ng bumalik sa cubicle ko si Mylene para sa meeting.Kinuha ko ang steno pad at ballpen ko saka tumayo papunta sa conference room.Panay irap ni Kara sa akin ng makita ako kaya ipinagkibit balikat ko lang ito.Para syang ibang lenggwahe na hindi ko maintindihan kahit anong intindi ko sa asal nya.
"Everyone's here?"
Bungad ni Boss Veron pagdating nya ng conference room.Halos lahat ng staff ay nandito na dahil siksikan na kami at wala ng bakanteng upuan.Sa gilid ng pintuan namin napiling pumuwesto ni Mylene.Panay naman suklay si Kara gamit ang kanyang mga daliri at ang tamis ng kanyang ngiti sa mga kasama namin sa trabaho lalo na sa mga boys.
"Plastik talaga! Sarap nyang tirisin!"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Mylene.Kung may numero uno man na magkasalungat sa lahat ng bagay dito ay si Mylene at Kara yun.
Nag umpisa ang meeting sa mga pagbabago dito sa opisina,sa mga trabaho o mga empleyado na pinuna,sa mga empleyado na malaki ang ambag kung bakit mas nakilala pa ang Across the Miles,sa mga paalala na pagbutihin ang mga trabaho.Sa tingin ko ay walang dapat e-take note pag ganun ang pag uusapan sa meeting.
"And by the way,i got a call from our branch in Seoul South Korea yesterday and it's a good and bad news for us here.Why? Kasi mawawalan tayo ng dalawang masipag na empleyado dito so,kailangan na natin maghanap ng empleyado para papalit sa pwesto nila.Bakit? Because those two employee will leave here as soon as posible to start working in our office in Seoul."
Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Boss.Nag umpisa ang bulong bulungan kung gaano nila kagusto ang pumunta sa Korea,na dapat sila ang piliin dahil sila ang karapat dapat.
"Wow! Ang swerte ng mapili Bella! Diyos ko,Korea na yun! Mae-experience nya yung winter,fall,autumn,summer doon! Plus may chance na makita ang mga gwapong artista ng Korea! Song Jong-Ki,Jo In-sung,Park Shin-Hye,Song Hye-Kyo! My God!"
Natawa ako sa lahat ng kanyang sinabi.Adik kasi sa Korean drama si Mylene kaya kung ano ano ang bukambibig nya,tsaka isa ang Korea sa gusto nitong puntahan.Gustong gusto ko din na makapunta ng Korea dahil sa ganda ng bansa na yun.
"Ay bakit kayo nakatingin sa amin? Nagandahan kayo kay Bella? Ay ako din! Pang beauty queen kaya ang ganda nito! Pak na pak!"
Napatingin ako sa kanilang lahat na amin nakatingin kay Mylene.Siniko ko pa si Mylene dahil exaggerated madyado ang kanyang bibig.
"You two are not listening to me."
Seryoso ang mukha ni Boss.Dahil sa kadaldalan ni Mylene ay hindi ko na nasundan ang sinasabi ni Boss kanina.Ano nga ba yung pinag usapan kanina?
Napangiwi ako."Sorry Boss."
Huminga ng malalim si Boss Veron saka nagsalita ulit."Inuulit ko,kayong dalawa ni Mylene Bernabe ang napili na pumunta ng Seoul.Cause you're both working really hard.So congratulations!"
Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko.Nung nag sink in sa akin ang sinabi ni Boss ay napasinghap ako ng malakas."Seryoso boss?"
"Sa tingin mo nagbibiro ako?"
"Oh my God! Korea,we're coming!"
Sigaw ni Mylene na ikinatawa ng lahat...well,himdi lahat.Looks like Kara is not happy about the news but who cares."Thank you boss."
Ilang ulit akong nagpasalamat sa oportunidad na ibinigay sa amin."Come to my office later for the rest of the details.Good luck and congratulations again.Wag nyo kaming ipahiya pagdating dun,okay?"
"Okay boss.Maraming salamat po ulit."
Happiness is the other word of appreciation to your hard work that you've done,accomplishment to myself that i did another step to reach different phase of challenges.
I smiled.All those sleepless night,hardwork is all worth it.
BINABASA MO ANG
Seoulmate
FanfictionDaniel Kim is one of the popular celebrity in Korea,one of the in demand actor and endorser who paid by millions in every project or commercials they did and he's one of the man you wish to spend one night in your dreams.But no one knows the real hi...