Chapter 26

7.4K 278 12
                                    

Plan





Tipid ang ngiti ko sa mga reporter na nasa labas ng opisina ko.Nagkakagulo na naman ang buong Korea sa bagong isyu.Kanina pang umaga ako kinukulit ng mga ka-opisina ko kung ano ang masasabi ko sa isyu.Ang tanging magagawa ko ay wag nalang pansinin.
Hindi ko pa nakakausap si Daniel tungkol dito at nasa Jeju Island sya at may shooting.


Sa apartment ako umuwi at nagulat si Mylene ng makita ako.


"Naglayas ka? Iniwan mo sya?"

"Hindi no.Wala sya sa bahay nya ngayon,may shooting."

Ngumuso ito at nakapamewang sa harap ko.
"Naapektuhan ka sa bagong isyu? Naku...magkaka wrinkles ka pag nagpadala sa stress.Ikaw ang lugi! Sa mga ganyan,dapat hindi pinapansin! Idaan sa pagpaganda lalo at ngitian lahat ng mga atribida sa buhay natin,ewan ko lang kung hindi sila maunang makipag kamay kay San Pedro dahil sa konsimisyon."


Napangiti ako sa sinabi ni Mylene.Minsan naiisip ko kung pinuproblema ba ni Mylene ang problema nya dahil lagi itong positibo sa lahat ng sitwasyon,dinadaan sa inom minsan,madalas sa tawa o kung hindi tumambay sa salon at magwaldas ng pera.Yun yung mga sekreto nya.


"Dito muna ako ngayong gabi.Bukas pa yun uuwi eh."


Tumango ito at masusi akong tiningnan.

Dala marahil ng pagod ay nakatulog ako agad ng hindi na inisip ang mga isyu.Pilit kong dinidilat ang mata ko ng marinig ang katok sa pintuan ng kwarto ko.Madaling araw na at nambubulabog si Mylene? Nagtalukbong ako sa comforter at sinubukan na bumalik ng tulog.


Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at ang bulungan ng mga taong pumasok ang narinig ko.I'm too sleepy to get up and find out who.Bahala sila.Aalis din naman siguro sila kung hindi ko papansinin ang mga pang iistorbo nila.Mylene had a duplicate key in my room at ganun din ako sa kanya at magagamit lamang yun pag emergency.At walang emergency kaya di ko alam bakit nya binuksan ang kwarto ko.Someone's inside my bathroom? Ang lagaslas ng tubig ang naririnig ko,ang lemon and mint na shower gel ko ang naamoy ko pagbukas ng pinto.She's taking a shower here? At midnight? Sira ba ang shower nya sa banyo nito?



Tinanggal ko ang comforter sa ulo ko para silipin ang pinag gagawa ni Mylene at para sitain sya pero hindi ang kaibigan ko ang nakita kong nagbibihis at naka topless.


Daniel? What he's doing here? Tapos na ba ang taping nito?


"Sorry,did i wake you up?"


"Why are you here?"

Nakita ko ang pag awang ng kanyang bibig sa tanong ko.Lumapit ito sa kama at umupo dun.

"Are you mad?"

"No.I mean...are you done with your taping? I thought you will come back tomorrow."


"I postpone the schedule for tomorrow.They can re-schedule that.Besides,you are not answering any of my messages or call.Don't mind the gossip the media have been made."


Nagkibit balikat ako.Parte na yun ng buhay nya kaya wala akong magagawa dun."I don't care about that.I was too tired and sleepy to check my phone after i arrived here."


Kumunot ang noo nito at nilagay ang kanyang palad sa noo ko.He think i'm sick?

"You okay?"

Tumango ako.Humiga ito sa tabi ko at hinigit para isandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.Napangiti ako.I'm at peace in his arms.Ang mainit nitong yakap ay nagpapaantok lalo sa akin.Hinalikan nito ang buhok ko at nagsalita.


"Tomorrow's weekend.What's your plan?"

"I don't know.It's up to you."


Madalas sa bahay niya lang kami pag weekend.Manonood ng sine,ipagluto at kumain sa mga pagkain na eksperto nitong niluluto at matulog buong hapon.Panay nga reklamo ni Daniel na tataba daw sya pag laging ganun kaya sa gym nya sa bahay nito ito nagbababad minsan,na pinapanood ko lang ang bawat pagpapawis na ginagawa nya.If men are obssess with getting their body become ripped,girls are addicted to shopping and fashion.


Kinabukasan ay ginising nya ako sa maliliit nitong halik sa aking leeg,ang magaan nitong mga haplos pataas-pababa sa bewang ko ay nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa akin.



"We'll go out today.We'll do what we should do like other normal couples do."


"Normal couple?"

He nodded."Hmmm...eat to a restaurant you prefer,watch the movie you will like to watch,shopping,we'll buy some things to our house,our fridge is almost empty too so we need to buy some food,toiletries,what else?"
Nag iisip pa ito sa kung anong bibilhin pa.



Our house.That words caught me.Bahay nya yun at never ko inisip na akin din yun o kung ano man ang kanya ay akin na rin kahit nakatira na ako sa kanyang bubong at natutulog kami sa iisang kwarto.


Ngumisi ako sa kanya."How about you should list down a...condom?"


He is a healthy man,when it comes to that aspect.Ngayon lang sumagi sa isip ko na bumili sya nun.And i don't know why.



Sumabog ang kanyang halakhak sa buong kwarto ko sa aking sinabi.Maiistorbo nya si Mylene sa tawa nya.


"Seriously? I don't think i am going to need that.After how many weeks? After how many times we did it everytime we did that? Seriously Bella? I don't think so.Besides,i have other plan."


"Plan? What plan?"


Tanging malapad nitong ngisi lang ang kanyang sagot.Bumangon ito at kinarga ako patungo sa banyo ko.He's the one who pulled down my pajama and underwear.


"Take a bath.Alone.Or else,we're not gonna leave this room if we shower together.I have some calls to do."



Minsan,malakas magpigil si Daniel.Minsan lang naman.Gaya nito.



Mabilis kong tinapos ang pagligo ko para sya na ang susunod.Naabutan ko itong nakapamewang sa harap ng closet ko.I don't have that much of clothes in my little closet.Hindi ako nagdala ng maraming damit ng pumunta kami ni Mylene dito sa Korea.Hindi rin ako gaanong namimili at kung bibili man ako,kadalasan ay yung ginagamit ko pagpasok sa opisina.Pataas pababa ang kanyang tingin sa akin.I just wrapped my body with a towel.




"They're all for your office work.And why most of them were skirt and it's a short skirt? They're gonna see your legs."


Tinaasan ko ito ng kilay.Hindi umabot sa tuhod ko yung haba ng mga kulay itim ko na skirt.Alangan naman na hanggang talampakan ko yung haba ng palda kung ganun? Kasi ayaw nya? Tsaka may mga damit ako pero nasa maleta yun nakalagay dahil hindi ko naman ginagamit sa pang araw araw.



Kumuha ako ng underwear at sinuot yun ng hindi pinansin ang tingin nya.And i know that look.


"Start taking a bath before i feel lazy and change my mind."



Malalim ang kanyang hininga at nagmartsa papuntang banyo na nagkakamot pa sa batok nya.Hindi ko alam kung anong problema nya sa office attire ko.Showing little skin isn't that bad.




Isang dark blue dress ang sinuot ko at hindi umabot sa tuhod ang haba nun.Alam ko na magrereklamo na naman sya pero yun ang gusto kong suotin.Pinaresan ko yun ng kulay puti na flat sandals.Nagsusuot ako ng hikaw ng natapos ito.That towel in his hips is tempting to stay here all day.


He bite his lower lips while looking at me in the mirror.He know me too well.Pag gusto ko,wala syang magagawa para dun.Ipagdasal nalang nya na sumapit ulit ang winter season para balot na balot ako.Naglagay ako ng konting make up,makapal na mascara,at kulay red pink na lipstick.



Tinaasan ko ito ng kilay ko."What?"



Umiiling ito.Tila may gusto itong sabihin pero pinipigilan nya lang.


"I didn't say anything..."

SeoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon