Chapter 5

7.3K 276 4
                                    

Perfect for each other



"How's your weekend?"

"Ganun pa rin...may bago pa ba?"
Maaga akong umalis sa apartment kaninang umaga dahil marami akong tatapusin at tulog pa si Mylene ng iwan ko.Hindi ko na namalayan kung anong oras ito dumating dumating kagabi at hindi ko rin alam kung anong oras ako nakatulog.Why do i feel like i'm going to him again? Pakiramdam ko nga ako ang kanyang tinutukoy sa kanyang interview kahapon pero ayokong mag assume ng kahit ano.It's just my instinct told me so.

"Makipag date ka kasi.May mga nanliligaw naman sayo at sa ganda mong yan,sigurado magandang lahi ang resulta pag nagkataon."

"What? Ang advance mo masyado mag isip.I don't know if i'm ready to date with someone again."
Hindi naman ako namimili pero kasi naman,yung mga nanliligaw sa akin ay walang bukambibig kung hindi ang kanilang achievements,kung gaano karami ang kanilang ari-arian.

"Walang masama dun.Sya nga pala...niyaya ako ni Lee na mamasyal sa Gangnam sa darating na weekend...sama ka,okay!?"

Natawa ako.Alam ko naman na lagi nyang inaalala na mag isa na naman ako sa weekend."Ayoko nga.Third wheel ang peg ko,ganun? Okay lang ako at sanay na akong mag isa tuwing weekend.Siguro ay mamasyal ako sa mall o mag grocery.Kaya wag mo akong alalahanin."

Umirap ito at kinuha ang mga folder na nasa kanyang mesa at inumpisahang buklatin."Sumama ka na kasi! May ipakilala si Lee sayo na kaibigan nya.Artista daw yun at nasa Gangnam ngayon hanggang sa weekend."

Walang ginawa si Mylene kundi ang kumbinsihin ako habang ginagawa ang trabaho ko.Alam kong hindi ito titigil hanggang sa pumayag ako.Huminga ako ng malalim at sinamaan ito ng tingin sa kanyang kaingayan.
"Hindi ka titigil?"

Ngising aso ito sa akin."Hindi.At tatanggihan ko na rin ang alok ni Lee na pumunta sa Gangnam kung hindi ka kasama."

"Ano? Ako pa ang magiging dahilan kung hindi matuloy ang plano nyo? Tumigil ka nga."

Umiling ito."Hindi ako titigil hanggang sa pumayag ka."

"Mylene..."

"Bella..."

"Bakit ang kulit mo?"

"Bakit ang tigas ng ulo?"

Maang ko syang tiningnan."Ano?"

"Sumama ka na! Sige ngayon lang naman.Sa susunod di na kita anyayahang sumama!"

Tinigil ko ang pagtaype sa computer at inis itong tiningnan."Fine! Pero ngayon lang ha! Walang next time!"

Tila nabunutan ito ng tinik."Thanks God! Haleluyah! "

"OA ng reaksyon mo."

Nagkibit balikat ito at kinuha ang kanyang phone para siguro ipaalam kay Lee na pumayag akong maging third wheel nila sa weekend.

Nag overtime ako sa biyernes ng gabi dahil may mga trabaho pa akong kailangan tapusin at para hindi tambak sa pagsapit ng lunes.

"Ready ka na?"

Inirapan ko ito.Excited ito masyado sa pagiging third wheel ko.Madaling araw ng linggo ang alis namin dito para maaga kaming darating at para hindi masayang ang buong araw na.

Kung makatanong ito ay parang mag eempake ako ng isang maleta.Tanging packbag lang dala ko na naglalaman ng isang pares ng extrang damit at isang shoulder bag na kulay brown para sa importanteng mga gamit.

Dito matutulog ngayong gabi si Lee para di nito kailangang bumiyahe ng maaga para sunduin kami.Kibit balikat ako sa ginagawa ni Mylene.She's an adult and she know the consequence of what she's doing at ayaw kong mangialam sa personal nyang buhay.Hindi ako ganun ka inosente para hindi malaman kung ano ang pinag gagawa nila sa loob ng kanyang kwarto tuwing dito matutulog si Lee sa kwarto ni Mylene.

SeoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon