Chapter 13

6.1K 275 8
                                    

Friends




Sa pagsapit ng Lunes ay maaga akong umalis ng apartment,nag iwan ako ng note kay Mylene na may mga kailangan akong tapusin na mga paper works.Bumili nalang ako ng instant noodles sa canteen para sa agahan ko. Iniiwasan ko muna ang mga tanong ni Mylene tungkol sa date namin ni Daniel.Ni-log out ko muna ang IG account ko para wala akong matanggap na notification at matukso akong tingnan ang mga yun.

Pero ang lukaret kinukulit nya ako pagsapit ng break time.

"Tapos anong nangyari sa date nyo pagkatapos? Nung tinulugan ka nya?"

Pa simple ko itong tiningnan na parang wala lang.I should act like nothing happen."Wala.Nag usap lang kami pagkatapos nun.Nagkwentuhan.Kayo saan kayo napadpad ni Lee?"

Kinuwento nya ang lugar na kanilang pinuntahan at kung gaano kalamig sa parteng yun.Pero sulit naman daw dahil mainit naman daw si Lee.Napapailing ako sa kaprangkahan ni Mylene.Pati sex life nya kinukwento nya minsan.Liberated kasi si Mylene pagdating sa ganung bagay.

Ganun ang routine ko araw araw.Aalis ng umaga sa bahay,uuwi ng late.Madalas akong nag o-overtime.

Naisip ko na mabilis ang ikot ng panahon.Mahigit isang taon na kami ni Mylene dito sa Seoul at marami ng lugar na napuntahan,kahit papano ay natuto na kaming magsalita ng lenggwahe nila,may love life si Mylene at naunsyami ang sa akin.I was thinking about what will happen after here.Pagbalik ng Pilipinas ay ano ang susunod na hakbang? Should i shift to another work? Naisip ko din ang mag iba ng trabaho since may experience na ako sa ganitong trabaho.Titingnan ko pag nakauwi na kami ng Pinas.

"Hoy babae! Ano tong mga post ng jowa mo? Anong ibig nito? Paki explain?"
Halos isalpak nya ang phone sa mukha ko ng hindi ko ito pinansin.Mahinahon kong binaba ang papel na hawak ko at hinarap ito.

"Ano bang pinost nya? Di ko pa nakita."

"He posted a photo of you two.At kita na ang mukha mo dito.At inulan sya ng mga comments kung sino ka.Pati medya naghaharumentado na."

Pakiramdam ko ay nanlaki ang tenga ko sa kanyang sinabi.Kinuha ko ang phone ni Mylene para ikompirma ang kanyang sinabi.Akala ko ginu-good time nya ako.At totoo nga.Kitang kita ko ang mukha ko doon sa kanyang IG account.Agad akong napatayo at kinuha ang phone ko.I promised myself not to bother him anymore but it looks like i'm going to break it.Wala akong pakialam kung saang lupalop sya ngayon at kung sino ang kasama nya.

He answered after a few rings."Yup?"

Yup?

"What have you done?"

Naririnig ko ang maingay na background nito.Maaga pa naman para nasa isang bar sya.May taping?

"I didn't do anything."

"You didn't do anything? Did you know that your fans are on your IG account asking if who i am? Why did you post a photo of me?"

"Oh...that? Well,i like that picture and if you ask me to delete that,i won't.I'm at work honey,call you later."

At pinatayan nga ako ng tawag.Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang phone ko.Anong klaseng rason yun? Gusto nya ang picture na yun at hindi nya buburahin? Muli akong nag log in sa IG account ko para lang tingnan ang picture na yun.Umabot na ng mahigit isang milyon na likes,hundreds of comments,at nagtatanong kung sino at kaano ano ako.In short,they ask him who i am.

"Ansabe?"

"Gusto daw nya ang picture na yun at hindi nya buburahin."

"Paano ang media?"

Yun ang inaalala ko.Hindi ko alam ang kasunod na eksena pagkatapos nito.At hindi magandang eksena ang mangyayari kung sakali.

Panay ang lingon ko sa paligid kung may kakaiba ba,at nakahinga ng maluwag ng wala. Pauwi pa lang ako mula sa overtime ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natanggap na tawag mula kay Daniel at ikinakainis ko yun.Bakit hindi? Kasi sinabi ko na na ayaw ko ng magkaroon ng kaugnayan sa kanya hangga't maari,para sa ikakabuti nya pero nilunok ko yung pinangako sa sarili ko at natawagan sya ng wala oras dahil lang sa pinost nya sa kanyang IG account.Now,he wants me to call him again? Manigas sya.Hindi ko gagawin yun.

Naiirita akong bumuga ng hangin.Bahala sya sa buhay nya!

Naka-pajama na si Mylene ng datnan ko sa unit at nakatunganga sa tv.Naghilamos at nagbihis muna ako saka lumabas ng sala ulit.May inaabangan na naman ba syang palabas.


"Guess what,your face is all over in Korea,on tv,and internet.Pinagtagpi tagpi nila ang mga picture na pinost nya nung nakaraang weekend at ang mga pinost mo sa IG account mo.Kumbaga,malapit na nilang mabuo yung puzzle kung sino ka at ano ka nya."

Napangiwi ako sa kanyang sinabi.Sinipat ko ang maliit naming tv at tama sya.Nandun lahat ang mga picture na pinost ni Daniel sa account nya at nandun din ang mga larawan na pinost ko sa account ko.I made a mental note na wag na munang magpost sa IG ko.

Instant noodles ang hinanda ko na hinaluan ng pipino,kamatis,cabbage at puting sibuyas para mabusog.Tinatamad na akong magluto ng kung ano dyan.

"Tumawag na ba sya ulit?"

"Hindi tumawag at wala akong balak tumawag ulit.Hahayaan ko sya sa gusto nyang gawin.Ayokong ma-stress."

On that night till the next day,in-off ko ang phone ko at iniwan sa kwarto ko.Hindi ko muna gagamitin yun.

Nagtatrabaho ako na hindi pinapansin ang nasa paligid ko,hindi rin ako nakipag kwentuhan kay Mylene na mukhang may sasabihin sa akin.Itinuro ko lang ang mga papeles sa desk ko na kailangan tapusin.Wala akong gana na makipag kwentuhan ngayon.


Natigilan ako ng siniko ako ni Mylene pagsapit ng hapon."Overtime ka na naman?"

"Oo.Mauna kang umuwi."

"Tumawag pala si Daniel,bakit daw off ang phone mo?"

"I don't want to talk to him."
Period.Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya.Naiirita ako sa kanya.

Inilagay ni Mylene ang phone nya sa tenga nya at nagsalita."Did you hear that? She don't want to talk to you.She's busy flirting with other guy.Bye."

Maang ko syang tiningnan."Bukas yung phone mo nung lumapit ka kanina? Sira ka ba Mylene? At anong nakikipag flirt ako?"

Nagkibit balikat ito."No big deal.Hayaan mo sya ng matigil sya sa pinag gagawa nya.Syempre kami ako sayo dahil magkaibigan tayo at kilala kita.Kung ano man ang gagawin nya,na masasaktan ka - babayagan ko sya ng hindi sya magkalat ng lahi nya."

Natawa ako kahit papano.Alam ko naman na maasahan ko si Mylene sa kahit anong oras at anong sitwasyon.Kung may tao man na hindi ako iiwan at tatalikuran sa huli,si Mylene yun.What are friends are for?

SeoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon