Takutan with Bangtan
Jin's POV
Aish! Nasaan na ba yung mga yun? Paghintayin daw ba ko ng isang oras? Lagot talaga sakin yung mga yun pagdating nila!
Nandito ako ngayon sa Han River, 11:56 na pero nandito pa din ako. Pagkatapos kasi ng practice namin kanina dumiretso ako dito kasi napagusapan namin na kumain sa malapit na restaurant dito. Pero tokwa! Anong oras na wala pa rin yung mga ugok!
Tinatawagan ko silang lahat pero hindi nila sinasagot yung tawag ko, makauwi na lang kaya? Oo tama Kim Seokjin baka may makakita pa sayo dito!
Naglakad na ko papunta sa bus stop, magba bus na lang ako papuntang Big hit ent. Baka nandun pa kasi sila at pinagtripan lang ako.
Agad akong sumakay sa bus pagkadating non at umupo sa pinakadulong upuan para hindi mapansin ng mga tao.
Sinuot ko yung puting cap na nasa bag ko at yumuko, may iilan kasing mga babaeng high school student na nandito. Baka mapansin nila ko.
Sinusubukan kong itext sila pero may sinabi yung isang babaeng high school student na nakaagaw ng atensyon ko.
"Pano na yung BTS? Okay lang kaya sila ngayong wala na si Jin?"
Napapitlag ako sa sinabing yun nung babae at agad nakinig sa pinag uusapan nila. Teka nga, bat ako mawawala sa BTS?
"Ewan, nakakalungkot lang na sa murang edad namatay na si Jin oppa.."
"Ewan, nakakalungkot lang na sa murang edad namatay na si Jin oppa.."
"Ewan, nakakalungkot lang na sa murang edad namatay na si Jin oppa.."
"Ewan, nakakalungkot lang na sa murang edad namatay na si Jin oppa.."
Paulit ulit na nag play yung sinabing yun ng babae sa utak ko na parang sirang plaka, nagbibiro ba sila? Bat naman ako mamamatay? Panibagong issue na naman ba to ng Koreaboo?
Gusto ko silang sawayin pero nandito na pala ko sa bus stop kung saan malapit yung big hit ent, kaya agad na kong bumaba para sabihin kela Namjoon yung kumakalat na issue na patay na ko.
Talaga naman oh oh!
Pagkadating ko sa tapat ng bighit bldg, ang daming fangirls sa labas kaya agad akong nagtago. Anong meron?
Mga nagiiyakan sila at may dalang bulaklak, jusko pati ba naman sila naniwalang patay ako? Hind pwede yun no!
Sa likod ako ng bldg pumasok papunta sa practice room, bubuksan ko na sana yung pinto ng marinig kong nagsisigawan sila V mula sa loob."KASALANAN MO TO V! KUNG DI MO PINAPUNTA SI JIN HYUNG SA HAN RIVER PARA PAG TRIPAN! HINDI SIYA MAWAWALA SATIN!!"
Sigaw ni Jhope habang umiiyak pa. Aba mga loko lokong to! Hindi ko pa naman birthday ah! Gumagawa na sila ng prank? Nagawa na namin to sa birthday ni Jungkook dati kaya hindi na nila ko maloloko.
"Mianhe hyung, h-hindi ko sinasadya.."
Umiiyak na sagot ni V. Tsss! Cast ka ng Hwarang Kim Taehyung kaya hindi mo ko madadaan sa drama mong yan.
"Wag na kayong magsisihan, hindi nyo mabubuhay si Jin hyung pag nag away pa kayo.."
Malamig na sabi ni Suga, gagaling umarte ah! Pero hindi nyo ko maloloko! Mga ugok!
"ITIG--"
Napaupo ako sa sahig pagkabukas ko ng pinto..
Hindi to totoo..
Hindi..
Buhay ako..
PERO SINO YANG LALAKING BALOT NG DUGO NA NAKAHIGA SA STRETCHER NA KAMUKHANG KAMUKHA KO.
Galit kong nilapitan si Namjoon.
"Yah! Itigil nyo na to alam ko na lahat! Hindi kayo nakaka--"
Naputol ang pagsasalita ko ng tumagos si Namjoon sa katawan ko at nilagpasan ako para lapitan yung lalaking nakahiga ngayon sa sahig.
Anong nangyayari?
"Wala kayong kasalanan, the bus driver was drunk kaya bumangga yung sinasakyan niyang bus sa poste.."
Naluluhang sabi ni Namjoon at tinakpan ng kumot yung mukha.. ko..
Talaga bang patay na ko?
Umiiyak na binuhat ni Jungkook yung katawan ko at lumabas ng practice room, sumunod din sila at naiwan akong mag isa.
Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko..
"Nagluluksa ang nga fans mula sa iba't ibang panig ng mundo sa pagkamatay ng miyembro ng isa sa pinaka sikat ngayon na banda na BTS na si Kim Seokjin.."
Rinig kong sabi ng newscaster sa TV dito sa practice room habang pine play ang footage ng bus na bumangga sa poste.
Yun yung bus na sinakyan ko kanina!
Pero hindi ako makapaniwala sa sunod kong nakita, nakita ko ang sarili ko na nakahandusay sa kalsada at nababalot ng dugo habang sinusubukang sagipin ng mga rescuer.
"Hindi..hindi ako yan.. hindi to totoo.. HINDEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!"
--
"HINDEEEEEEEE--ARAYYYYYY!!!!"
Nagising ako sa sampal ni Suga sakin.
"Kanina ka pa at umiiyak at sumisigaw, bangon na may practice pa tayo.."
Sabi niya sakin, hinila ko ang braso ni Suga at kinagat yun.
"ARAY! YOU NO FUN! WHY YOU BITE ME?"
Angal niya pagkakagat ko sa kanya, buhay ako. BUHAY AKO!
"Buhay ako?"
Tanong ko sa kanya.
"Oo buhay ka pa, pero dahil kinagat mo ko baka yan na maging dahilan ng kamatayan mo hyung! Bangon na jan!"
Sigaw niya sakin tsaka lumabas ng kwarto.
Panaginip lang pala.. Phew! Akala ko totoo na.
♡♡
Sorry na Jin oppa pinatay pa kita sa panaginip mo.. huhuhu TOK TOK TOK para hindi magkatotoo.
So ayun, malapit na ulit mag November kaya gumagawa na naman ako ng Takutan with Bangtan :)
NGA PALA!!! WELCOME TO OUR NEW BOOK!! HALOS 200+ NA YUNG SA KABILA KAYA LIPAT NA TAYO DITO HA? :)
SANA MAG ENJOY KAYO GAYA NUNG SA UNANG LIBRO :)
LABYUUU GUYS :)
♡♡
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios II
RandomBook 2 of BTS SCENARIOS :) Let's continue Bangtan's craziness through this book :) Date created: Oct.7, 2016 -Xoxo