Scenario no.40: BTS kapag nasugatan si Jin Eomma.

4.9K 275 282
                                    

BTS kapag nasugatan si Jin Eomma

Hapon na sa Bangtan City,

Kadarating lang ng B.T.S mula sa isang live broadcast kaya mga pagod na pagod ang mga ito,

Kaya naman na-pag-desisyunan ni Jin na ipagluto sila.

V: Tutu--

Jhope: TUTURUNTUNTUN! TUTURUNTUNTUN!! Okay lang si Jin hyung, he don't needed you helped!

Suga: You full! You english spokening not good! No not today, I feel so nice mom I feel so nice.

RM: Hayyy nako, Jeongguk?! Nasa'n yung mangkok? Hinahanap ni Jin hyung!

Jungkook: Mangkook? Hanuba! Book 1 pa lang sinabi ko nang layuan niyo ang kamag-anak ko! Ngayon pa't nahanap na namin ang isa pa naming kamag-anak!

Jimin: Kamag-anak?

Jin: Sino naman 'yun?

Jungkook: Ang mga TUNGKOOK, yung nag-iingay sa bubong tuwing gabi. TUNGKOOK! TUNGKOOK!

Jimin: Kahit tuko 'yun?

Suga: Ayan na naman, kaya lumalaki ilong mo! Magjo-joke ka na lang waley pa! Putek!

Jin: AHHHHHHHHHHH!!!! BLOOD! BLOOD! HOLY FATHER OF HANDSOMENESS AND MANLINESS! AHHHHH!!!

Jimin: Jin hyung! Ano 'yan?! Ba't ka may dugo?! Dinu-dugo ka?! Hala?! Nakunan ka!! Hospital! Tumawag kayo sa hospital!

Suga: Hospital talaga tatawagin hindi ambulansya?

Jhope: Ano ba kayo? Ngayon pa ba kayo magaa-away-away?! Jin hyung ano bang nangyari?

Jin: Binu-buksan ko lang kasi 'tong lata ng pork & beans eh, nahiwa ako s-sa lata!! AHHHH!!! AYAW TUMIGIL NUNG DUGO!!!

RM: Calm down hyung, calm yourself down. Okay, breath in breath out. Kalma lang,

Jungkook: Nam--

RM: WHAT?! WHY ARE YOU CALLING ME! I'M CALM RIGHT HERE!

Jungkook: Oh ba't ka nagagalit? Akala ko kalmado ka hyung?

Jimin: ANONG NUMBER NG HOSPITAL? TATAWAG AKO!

Jhope: 911! 911! DALIAN MO!

V: Teka di'ba number ng police station 'yon? 8-7000 ang alam ko eh!

Jhope: UGOK! JOLLIBEE DELIVERY 'YON!

Suga: Kung nagta-taxi na lang tayo, papunta hospital. Mauubusan si Jin hyung ng dugo sa ginagawa nyong 'yan.

Jin: Homayghad, homayghad, homayghad

RM: Hyung, hinga! Ang buhay ng tao ay mapaglaro, minsan may pagsubok minsan wala. Kagaya ngayon, nararanasan mo ang isang pagsubok. Pero hyu--

Suga: Utang na loob Namjoon, tama na 'yan. Kunin nyo nga yung first aid kit natin do'n!

Jungkook: Aye aye! /Pumasok sa kwarto ni Jin/

Suga: Jhope! Kumuha ka ng pwedeng ipamunas dun!

Jhope: YES SIRE!

Suga: Jimin! Tubig! Kumuha ka ng tubig!

Jimin: Tubig? Pang hugas sa sugat ni Jin hyung?

Suga: Hindi, nauuhaw ako ikuha mo ko ng tubig.

V: Hyung? Ako? Anong gagawin ko?

Suga: Kumuha ka ng electricfan! Naiinitan ako! Dalian mo!

Jin: Bakit parang ikaw yung nasugatan? ARAAAYYYYYY!!!!

Namjoon: HYUNG KALMA! KUMALMA KA!

Jungkook: Suga hyung eto na yung first aid kit na pinapakuha mo!

Suga: Kailan pa naging pink ang first aid kit natin?

Jin: /Nakita yung kit/ AYYY!! MAKE UP KIT KO 'YAN GAGA!!

Suga: Puto! Hoseok! Yung pamunas walanghiyang kabayo 'to!

Jhope: Eto na nga!

Suga: Bakit eto! Ang dumi dumi neto!

Jhope: Yan yung pinamumunas natin ng lamesa! Sabi mo pamunas! Pwede na 'yan!

Jimin: Hyung hyung hyung tubig oh!

Suga: /hinarang, ininom/ Kuha ka pa isa, kulang!

V: Hyung eto na yung electricfan!

Suga: Itapat mo sa'kin naiinitan ako!

Jungkook: Oh Jin hyung, ba't ka tumayo? Nagdudugo pa sugat mo!

Jin: Ako na lang pupunta ng hospital mag-isa! Mamamatay muna ko bago niyo ko madala! Diyan na kayo! Pinakeelaman niyo pa make up kit ko! Hmp!

ClariceJK88's Note

Guys! About the GC, gagawa ako para sa nga teambahay. Bonding us ♡

Comment your FB name here at ako nang bahalang mag add sa inyo.

Xiao ♥

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon