Scenario no.78: BTS on Quarantine

662 42 8
                                    

BTS on Quarantine

Umupo na si Namjoon dala ang pinaka-mahalagang piraso ng papel na kailangan nila, nakatingin sa kanya ang anim na itlog na naghi-hintay kanina pa.

Namjoon: So..

Jin: Una sa lahat, bawal mag-english.

Namjoon: Sige. Panahon na, panahon na para mamili tayo ng bago.

Jimin: Hyung, kailangan ba talaga? Mas sanay na kami sa'yo.

Hoseok: Pero kung kinakailangan, sige. Ako na!

Yoongi: Tumahimik ka nga! Pa'no? Marunong ka mag-english? Sa math magaling ka?

Hoseok: Kailangan ba 'yon?

Jungkook: Para maiba naman. Kung ako naman kaya? Wala naman kasi sa edad 'yan, alam ko si Namjoon hyung sanay siya pero ipapakita ko sa inyo. Kaya ko din.

Jin: Hoy! Magtigil ka. Ako ang pinaka matanda dito, nagtitimpi lang talaga ako nung si Namjoon pinili niyo pero ako dapat. Wala kayong galang!

Yoongi: Ang ingay.

Jin: Ay sorry.

Hoseok: Ako na nga lang kasi, mabilis ako. Gwapo!

V: Anong kinalaman ng pagiging gwapo? Tsaka....gwapo ka?

Namjoon: Guys, guys we need to focus. We're running out of time.

Yoongi: Eh para naman kasi kayong mga timang, MAMIMILI LANG NG LALABAS PARA BUMILI NG PAGKAIN AT KUMUHA NG RELIEF GOODS MAY QUALIFICATIONS PA KAYO. AKIN NA NGA YANG QUARANTINE PASS NA 'YAN.

-

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon