Scenario no.58: KABAYONG YAYO

5.3K 201 89
                                    

KABAYONG YAYO

[A/N: Namiss ko 'tong kabayong 'to HAHAHAHA]

Umagang umaga, inutusan agad ng mag-asawang Kim ang masipag pero reklamador nilang yayo. May darating silang mga bisita kaya naman kailangang mamalengke ni Hoseok.

Jhope: Kasi naman! Mayaman naman sila! Ayaw magdagdag ng yaya! Ako lahat! Ano ko si Superman? Alam ko may deadly weapon ako pero di ibig sabihin no'n kaya ko lahat! Gahd! Ano ba 'tong pinapabili ni madam? /le buklat ng papel/

Dear Hoseok,

Utang na loob wag kang kukupit! Mauubos na ang pera namin kakakupit mo! Okay lang sana kung pabente bente, kaso ang kupit sa'yo isang libo! Jusko naman!

Five thousand ang bigay ko sa'yo at ito ang mga dapat mong bilhin:

Dalawang sakong bigas (Wag mong ipabuhat sa kargador, ikaw ang magbuhat! Wag kang tamad!)

Isang long neck na mantika (Gusto ko yung long neck talaga! Yung galing sa giraffe!)

Dalawang kilong patatas (Yung patatas na si Sarah ang nagbalat ha!)

Dalawang pack na tomato sauce (Yung tomato sauce na kakapiga lang na kamatis! Gusto ko fresh!)

Yung magiging sukli, ibili mo ng tinapay at snacks!

Ang maganda mong amo,
Jin.

Jhope: Ang demanding naman ng balikat na 'to! At ano? Ako magbubuhat? Kaka manicure ko lang duh!!

Pagkadating ng palengke, inuna ni Hoseok ang pagbili sa patatas.

Jhope: Magkano ho sa patatas?

Manangnananggal: 80 isang kilo.

Jhope: Ang mahal naman! Pwede bang 8 na lang?

Manangnananggal: Nako hindi ho pwede, luging lugi naman kami do'n.

Jhope: Ah ganun? /lumapit sa tindera/ Hawak ko ang pamilya mo, isang pitik ko lang mawawala na sila sa mundong ito!

Manangnananggal: Oh sige kumuha ka na! Libre na lang, ikaw pa! Malakas ka sa'king hayop ka!

Jhope: Yan! Beri gud!

Parehas ang ginawa niya sa iba pa niyang pinagbilhan kaya naman wala siyang nagastos, bukod sa pinang taxi niya. Sosyal hindi ba? Pumunta lang ng palengke naka taxi pa.

Jhope: Ma'am! I'm here!!!

Jin: Magkano ang naggastos mo?

Jhope: Nako ma'am! Simot! Walang natira!

Jin: Ganun ba? Nasa'n ang resibo?

Jhope: Oh, ma'am what's resibo?

Jin: WAG MO KONG INI ENGLISH HOSEOK! NASA'N ANG RESIBO?

Jhope: /naluha/ MA'AM! ANG TOTOO PO NIYAN, NANAKAW YUNG RESIBO! MUNTIK NGA PO AKONG GAHASIN NUNG HOLDAPER EH!

Jin: RESIBO NINAKAW?

Jhope: Grabe ho 'no? Grabe na ang panahon ngayon. Kaya mag iingat kayo ma'am ha? Marami nang masasamang loob ngayon!

-

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon