SARCASTIC SUGA
Katulad ng nakasanayan at normal na araw, si Suga ay nakahilata lang sa kama niya at nagbabasa ng kung ano sa cellphone niya.
Tahimik naman ang mundo niya kasama ang kumamon stuffed toy na nakahiga sa tabi niya ng mag PM sa kanya si Jhope.
Jung Hoseok
● Active NowHYUNGGGGGG!!! HYUNGGGGG!!
Wala, tulog.
TULOG PERO NAKAPAG REPLY?
Alam mo naman palang gising nagtatanong pa.
AYAN KA NA NAMAN! ANO BANG GINAGAWA MO JAN SA KWARTO MO?
Nagsswimming ako dito sa kwarto ko.
SUGA HYUNG! SAMAHAN MO KO!!
Saan?
SA COFFEE SHOP! NAGUGUTOM AKO!
Hawak ko ba paa mo at hindi ka makalakad ng wala ako?
EHHH AYAW NILA KONG SAMAHAN EH! DALI NA!! BIBILI LANG TAYO! SAGLIT LANG TAYO DUN!
Bibili lang hindi babayaran?
Jung Hoseok is typing...
Babayaran lang hindi kukunin?
Jung Hoseok is typing...
Kukunin lang hindi dadalhin?
Jung Hoseok is typing...
Dadalhin lang hindi iuuwi?
Jung Hoseok is typing...
Pa'no mo nalamang saglit lang? Pano pag na traffic?
Jung Hoseok is typing...
Pa'no pag mahaba yung pila?
Jung Hoseok is typing...
Pa'no pag nadapa ka tatanga tanga ka pa naman.
Jung Hoseok is typing...
Pa'no pag nasubsob ka una baba mo?
OO NA! AKO NA MAG-ISA BIBILI! DAMING SINABI! HMP! TANDAAN MO 'YANG GINAGAWA MO SAKIN HYUNG! TANDAAN MO!
Ano? Ano? Sige tuloy mo.
TANDAAN MONG PAGDATING KO MAY PASALUBONG AKO! BYE!
♡
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios II
AléatoireBook 2 of BTS SCENARIOS :) Let's continue Bangtan's craziness through this book :) Date created: Oct.7, 2016 -Xoxo