Scenario no.62: TAKUTAN WITH BANGTAN

2.9K 149 37
                                    

TAKUTAN WITH BANGTAN

Dala ang supot na puno ng pagkain at kung ano pa, tahimik na binabagtas ni Jungkook ang hallway ng hospital kung nasa'n ang isa sa mga kaibigan niyang naaksidente kailan lang.

Mababakas sa pasilidad ang kalumaan ng hospital at ang mga ilaw na patay sindi ang lalo pang nagpapa misteryoso sa paligid.

May iilang pasyente na nakikita si Jungkook at mga Nurse at Doctor na dumadaan kaya naman kampante siya.

Kinuha niya ang cellphone sa kanang bulsa ng pantalon at nakita ang text na pinadala ng kaibigan.

Gian:
13th floor RM. 1306

He replied "Okay." Through it. Patuloy ang paglalakad niya sa pasilyong tila walang katapusan, nagtaka rin siya't kanina pa siya naglalakad ngunit ang dilim sa dulo ay walang hangganan. Sigurado naman siyang tama ang sinunod niyang direksyon na ibinigay sa kanya sa front desk kanina.

Nagtataka ma'y patuloy siyang naglakad,

Lakad,

Lakad,

Lakad,

Ngunit nasa'n nga ba ang liwanag? Walang katapusang dilim at tila ba hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan.

Maya maya pa'y nakarinig siya ng yabag, mga yabag. Hindi niya ito inantala at patuloy sa paglalakad na kalaunay naging patakbo na.

Habol hininga niyang tinakbo ang pasilyong hindi siya sigurado kung saan patungo,

Hanggang sa mapahinto siya ng may makitang wheelchair sa kanyang harapan, wheelchair sa gitna ng pasilyo.

Naririnig niya pa rin ang mga yabag sa likod niya kaya nama'y dahan dahan niya itong nilingon,

Isang makapaninding tinig ang sumunod niyang narinig..






























RM: Eoseo wa bangtaneun cheoeumiji? (Welcome, first time with BTS?)

At doon niya binato ang wheel chair sa pito niyang hyung na kanina pa siya hinahabol.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! OO NA BALIW NA AKO. HAPPY NEW YEAR GUYS! ♥

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon