Takutan with Bangtan
Third person's POV
"Umuwi ka na din pagkatapos mo jan hyung.."
Sabi ni Jimin sa kabilang linya na ngayon ay kausap ni Suga, nagpaiwan si Suga sa studio dahil may mga kailangan siyang i check bago tuluyang i release ang album nila para sa comeback nila.
"Oo na, tiran nyo ko ng pagkain.."
Sagot ni Suga tsaka binaba yung phone.
Mag isa lang siyang tao ngayon sa buong building, alas dose na rin kasi kaya nag uwian na lahat ng mga staffs pati yung mga dancer.
Pinaiwan niya din sa guard yung susi dahil nga magpapaiwan siya.
Habang inaayos ni Suga yung nasa desktop niya, bigla siyang nakaramdam ng lamig. Tinignan niya yung aircon, hindi naman nagbago yung temperature pero bat lumamig ng ganun?
Hindi na lang niya to pinansin, sinuot niya yung headphone na nakakonekta sa desktop para i sound check yung mga bago nilang kanta.
Pinatugtog niya yung 'Intro: Boy Meets Evil' saka sumandal sa swivel chair niya at pinikit ang mata niya.
He's already immersed with Jhope's rap nang may iba siyang narinig, wala yung sound na yun sa kantang yun kaya napadilat siya.
Nagtataka siya kung san nanggagaling yung kakaibang tunog kaya agad niyang hinubad yung headphone mula sa tenga niya.
"Caught in a lie~"
Nagulat siya nang malakas na magplay yung kantang 'Lie' sa album nila, pero imbis na yung mala anghel na boses ni Jimin ang marinig niya ay parang boses na nanggagaling sa ilalim ng lupa ang kumakanta.
Naguguluhan siya sa mga nangyayari, sinubukan niyang i pause yung kanta mula sa monitor pero ayaw nung gumana. Tinanggal niya na sa saksak pero nagpplay pa din yung kanta.
Natatakot na siya sa nagaganap ngayon, akma na siyang lalabas ng recording studio ng may marinig siyang yabag mula sa labas ng pintuan.
Hindi niya muna yun binuksan, lakas loob siyang lumapit ng unti unti sa door hole para tignan kung sinong nandun.
"Caught in a lie~"
Kumanta na naman yung boses na nakakatakot bago pa niya tuluyang masilip kung anong nasa labas nung pinto kaya sinubukan nya ulit.
At nang tuluyan niyang masilip kung anong nasa labas ng pinto..
Napalunok siya at nanlaki ang mata sa nakita niya..
Nakita niya ang sarili niya na nakatingin ng masama sa door hole at may hawak na kutsilyo.
NA PAPALAPIT SA KANYA HABANG SINUSUBUKANG BUKSAN YUNG PINTO..
♡♡
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios II
DiversosBook 2 of BTS SCENARIOS :) Let's continue Bangtan's craziness through this book :) Date created: Oct.7, 2016 -Xoxo