Takutan with Bangtan
Third person's POV
Reflection
Bighit's new studio is already finished, they were all so happy na may bago na naman silang lugar na gagawan ng mga videos.
Nagpa party si Bang PD nim sa bago nilang building kaya naman inabot na sila ng gabi.
"Hyung san punta?"Tanong ni Jungkook ng mapansin nitong palabas si Namjoon ng conference room.
"Uh lilibutin ko lang yung buong building.."
Sabi ni Namjoon at lumabas na ng conference room, busog na din siya masyado dahil bumabaha ang pagkain don. Kaya naisipan niyang maglakad lakad muna.
Una niyang pinuntahan yung recording studio, nasunod yung gusto nilang design ni Suga kaya napangiti siya. Mas gaganahan silang magtrabaho ngayon, napatingin siya sa isang salamin na nakapatong sa lamesa kung nasaan nandun yung desktop. Nagtaka siya kung bat may salamin dun pero hinayaan na lang niya at sinara yung pinto.
Katabi ng kwartong yun ay isang kwarto na paglalagyan ng mga damit at sapatos nila, halos kalahati na ng mga damit ay nandun kaya tumingin tingin siya ng konti sa loob, habang iniisa isa niya yung pagtingin sa mga damit na naka hang sa isang bakal, nakita na naman niya yung salamin na kapareho nung nakita niya sa recording studio.
"Weird.."
Sabi niya, inisip na niya baka bumili ng makakaparehong salamin yung mga stylist nila at kung saan saan na lang iniwan.
Lumabas na siya sa walk in closet at pumunta sa dulong bahagi ng building kung san nandun yung dance studio nila, malayo pa lang eh may naaaninag na siyang kumikinang sa ibabang bahagi ng pinto nung dance studio.
Walang tao sa paligid at madilim din, hindi niya alam kung nasan yung mga switch. Gagamitin niya sana yung flashlight sa phone niya pero naalala niyang iniwan niya yung phone niya kay V kanina nung mag CR siya.
Nang makarating na si Namjoon sa pintuan nung dance studio, medyo kinabahan na siya ng makita niya na yung umaaninag na bagay pala ay yung salamin na kapareha nung nakita niya sa dalawang kwarto.
Naguluhan na siya kaya dinampot na niya yung salamin tsaka pumasok sa loob ng dance studio.
Hawak niya yung salamin na pumasok ng dance studio, sobrang laki ng bago nilang dance studio pa na din ang salamin nito.
Namjoon is in the middle of admiring the whole room ng may mapansin siya sa maliit na salamin na hawak niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita sa maliit na salamin na yun.
"I wish you killed yourself.."
"I wish you killed yourself.."
"I wish you killed yourself.."
"I wish you killed yourself.."
Naitapon ni Namjoon yung salamin sa isang bahagi ng dance studio ng makita niya yung mga katagang yun na nakasulat pa ata gamit ang dugo.
Pinasya niyang lumabas na practice room ng..
"There's no escape.. Namjoon.."
Paglingon niya ay nakita niya ang isang itim na anino sa malaking salamin ng dance studio, takot na takot na siya sa mga hindi pangkaraniwang nangyayari.
Mas lalo siyang nagulantang nang para may pumipilit magbukas ng pintuan ng dance studio mula sa labas noon, napaatras siya at napalunok.
Huminga ng malalim at unti unting lumapit sa pintuan para buksan yun, bubuksan na niya na sana pero nagbukas yun mag isa at inuluwa nun si...
Jin.
"Hoy, anong nangyari? Bat ganyan ang itsura mo?"
Alalang alala na tanong ni Jin, napaupo pa si Namjoon sa sahig sa gulat ng magbukas yung pinto. Pero nakahinga siya ng maluwag ng makitang si Jin yon.
"Uh nothing, let's just go back.."
Sabay silang bumalik kung nasan pa yung iba, naisip ni Namjoon na wag nang sabihin pa sa iba kung ano yung nangyari.
Pumasok na sila sa kwarto kung nasan ang lahat.
Pagkapasok ng pinto ay parang napako si Namjoon sa kinatatayuan niya ng makita niya si Jungkook.
Hawak yung salamin na kanina lang ay hawak niya..
♡♡
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios II
RastgeleBook 2 of BTS SCENARIOS :) Let's continue Bangtan's craziness through this book :) Date created: Oct.7, 2016 -Xoxo