MAKATANG BADJAO
Tententententen *tunog 'yan ng MTRCB* ang susunod na programa ay rated LPG striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan, maaaring mag prito, maggisa, mag-saing, mag laga, mag steam o kahit isahog ang tsismosang kapitbahay.
Gabi na sa dorm ng pitong itlog, ang anim na sina Jin, Suga, Jhope, Jimin, V at Jungkook ay nakasalampak sa sala maliban kay RM na..
RM: Mga kaibigan, may isa akong maliit na problema.
Jin: Kung nabasag mo na naman yung pinggan sanay na kami,
Suga: Kung nawasak na naman yung toilet bowl, palitan na lang uli.
Jhope: Kung nasira yung spring ng kama, sanay na kami.
Jimin: Kung nabutas mo na naman yung mga kurtina, ipatahi na lang natin.
V: Kung nahati sa gitna yung TV, hala lagot ka kay manager! Pang 69 mo na 'yan!
Jungkook: At kung nasira na naman yung pinto nung fridge, okay lang 'yon hyung.
RM: Hindi iyon ang gusto kong sabihin mga kapatid.
Jhope: Kung wala do'n sa mga 'yon, eh ano?
RM: Aking nawasak ang pugong painitan ng tinapay.Jin: Teka ano? Pugong painitan ng tinapay?
Jimin: Ituro mo nga sa'kin hyung.
Agad na sinamahan ni Jimin si RM sa kusina, itinuro naman nito sa kanya yung 'pugong painitan ng tinapay'. Bumalik sila sa sala at nakabusangot si Jimin ng harapin sila.
V: Ano? Ano yung pugong paintan ng pamaypay?
Jungkook: Ngango mo hyung! Pugong painitan ng tinapay!
V: Sounds like naman ah! Pwede na 'yon!
Jin: Ano na nga 'yon Jimin?
Jimin: OVEN! OVEN YUNG TINUTUKOY NIYANG PUGONG PAINITAN NG TINAPAY!
Jin: *nahimatay*
Suga: Putek! Dalian niyo! I-mouth to mouth resicitation niyo na 'tong baklang 'to!
Jungkook: ......
V: ......
Jimin: .....
Jhope: .....
Suga: ANO?! BA'T NAKATUNGANGA LANG KAYO JAN?!
Jungkook: Ayaw namin ng recitation hyung! Kaya umiiwas kami ng tingin.
Suga: Siraulo! Resicitation hindi recitation! Kasalanan mo 'to Namjoon! Masasakal talaga kita sa lungs makikita mo!
RM: Patawad mga kapatid.
♡
BINABASA MO ANG
BTS Scenarios II
CasualeBook 2 of BTS SCENARIOS :) Let's continue Bangtan's craziness through this book :) Date created: Oct.7, 2016 -Xoxo