Scenario no.50: FLIPTOPAN WITH BANGTAN [NAMJIN x VHOPE]

5K 282 491
                                    

FLIPTOPAN WITH BANGTAN
[NAMJIN x VHOPE]

Clarice: Yow yow yow kabayow!

Hoseok: Clarice may problema ba? Hindi ko gusto yung intro mo eh.

Clarice: Pasensya kailangan kasi rhyming daw eh! Nagbabasa lang ako ng script!

Clarice: Atin nang simulan ang modernong palatuntunan na inihahatid ng takas sa mental niyong lingkod ito ang /nag back flip/ FLIPTOPAN WITH BANGTAN!!!!!

Jungkook: WHOOOOO!!!! WHOOOOOO!!! WHOOOOOO!!

Suga: Pasikat ka ilong, porke si Clarice yung announcer!

Clarice: Sa kanan! Ang loveteam na magpapataob sa KathNiel, LizQuen, at AlDub, dinaig pa ang mag-asawa sa ka-sweetan! Bakit kasi ayaw pa nilang mag aminan? Na sila ay nag iibigan? Litsing kabaklaan! NAMJIIIINNNNNNN WHOOOOO!!!!!!

Jimin: Hala bakla sila?

Jungkook: Hala tangina O.O

Suga: Bunganga mo.

Clarice: Sa kaliwa! Ang duo na parehong may sira ang ulo, hindi ko malaman sa dalawang ito kung sila ba ay totoo. Mga taong may tining sa ulo, ang kabaliwan ay purong puro. VHOOOPPPEEEEE!!!! LETSEEEE!!!

Jungkook: Hala siraulo pala sila?

Jimin: Hala gago

Suga: Mas siraulo kayong dalawa

Clarice: Alright simulan na natin, tigalawang segundo, no hitting below the belt, no travelling, ang mambalya foul!

Namjoon: Clarice ba't parang pinagsamang boxing at basketball 'yun?

Jhope: Oo nga! Fliptop 'to.

Clarice: Wag kayong ano ako announcer di'ba? Simulan na natin, dalawang minuto para kay Namjoon! Go!

Namjoon: Yo! Etong si V akala mo kung sinong matino, pero ginagawang nilaga yung prito pag nasa kusina, ano ka abno? Minsan napapaisip ako kung tao ka ba talaga o ano ba, kasi nakita kita nung isang araw naka pang astronaut ka pa habang naglalaba.

Jungkook: EYYYY!!!!

Jimin: Now burn baby burn~

Namjoon: Pare aminin mo na kase, hindi ka namin kauri halata naman eh. Nanonood ka ng my love from the star kasi idol mo si Matteo Do, hindi dahil siya'y gwapo o ano kasi alam kong galing din siya sa planeta mo!

Suga: Matutulog muna ko

Clarice: TIMES UP! Lagpas ka ng 3 seconds Namjoon, pengeng tres!

Namjoon: Tres? Para saan?

Clarice: Negosyo ko, pag lumagpas sa oras bayad piso! Aba malay mo maka isang milyon ako!

Namjoon: /Abot lima/ Keep the change.

Clarice: Yon yon, okay proceed! Sa kabilang panig naman! V! Dalawang minuto! Go!

V: Wow pare talaga nga naman! Ano 'yung naaamoy ko? Ahh! Yung umaalingasaw mong kabadjaohan, sorry leader pero walang personalan, ganun naman kasi di'ba? Masakit ang katotohanan! Kaya kung ako sa inyo kayo'y umamin na, na kayo ni Jin hyung ay nagmamahalan naman talaga di'ba?

Jimin: Galit na si V potek hahaha!

Jungkook: Pikon gaming hahaha!

V: Sabi mo ako yung taga ibang planeta, eto salamin tignan mo kung sinong mas mukhang tao sa ating dalawa!

Suga: Mas gwapo ako sa inyong dalawa

V: Etong si leader lalim laliman palagi, kunwari matalino para di mapansin yung mala salbabida niyang labi. Ilayo mo 'yang kamay mo sa akin, pwede ba? Baka kasi pati ako masira mo, mahirap na.

Clarice: Hep hep! Infairness sakto V! Walang penalty! Okay balik tayo sa Namjin! Jin dalawang minuto! Go!

Jin: Yow! Etong si Jhope hindi ko maintindihan, ang dalas mag aegyo sa madla bigyan mo naman kami ng kahihiyan. Sabi nila ikaw daw ang pinaka magaling sumayaw, ayokong maniwala kasi baka magulat ka kapag sumayaw na ang balikat at ang badjao.

Jimin: AWOO AWOO AWOO!

Jin: O sige na gwapo ka na sa paningin nila, pero tabasin muna natin 'yang baba mo ng maging safe naman sila. Mahirap na kasi kung pati sa airport may deadly weapon kang dala, ay sandali, /hawak sa baba/ NATURAL PALA TANGINA! HAHAHAHA!

Clarice: TIMEEEE!!! 1 second lagpas ni Jin, piso piso!

Jin: /Abot piso/

Clarice: Jung Hoseok you ready?

Jhope: I'm so readdddyyyyyy!

Clarice: Are you sure?

Jhope: I'm so sureeeee!!!

Clarice: Is that your final answer?

Jhope: Oh yes it is! Dalian mo na Clarice!

Clarice: Well the--

Koya: HOYYY DALIAN NIYO NAMAN HINDI LANG KAYO YUNG GAGAMIT NG COURT! MAY PA LIGA PA KAMI DITO OH!

Clarice: Ayy sorry kuya aalis na kami! Salamat ho!

Jhope: Hoy teka! May sasabihin na ko kay Jin hyung eh, oy! Prepared ako! Hoy! Clarice! Jimin! V! Jin hyung! So unfaireu~ May sasabihin pa ko eh!

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon