Scenario no.20: BTS YAJA TIME!

8.5K 406 127
                                    

BTS YAJA TIME!

Pano nga ba?

Kung ang edad ng BTS ay magkabaligtad?

Ganito ang posibleng mangyari..

V: YAH Jin! Magluto ka ng fried egg! Gusto ko yung may shell pa!

Dahil sa si Jungkook na ang hyung at si Tae ang sumunod sa pinaka matanda, madalas niyang inuutusan ang maknae nilang si Jin para magluto.

Jimin: JUNGKOOK HYUUUUNGGGGG~

Uh, bagaman pangatlo siya sa pinaka matanda sa kanila, hindi niya mapigilan ang kabadingan niya sa hyung nilang si Jungkook.

Namjoon: Maknae! Binili kitang cookware!

Si Namjoon ang may kakaibang pagtingin sa maknae nilang si Jin, kakaiba ang closeness ng dalawang ito.

Jhope: Suga!! Tara lang dito! Daleee~

Si Jhope ay madalas din niyang utus utusan ang tamad na si Suga na pangalawa sa maknae.

Suga: Kingina netong mga gurang na to -_-

The savage 2nd to the maknae Suga ay irita sa mga hyung niya na walang ginawa kundi utusan sila ng maknae na si Jin.

Jin: V hyung! Hindi pwedeng kainin yung shell nung egg!

Ang kawawang maknae na nakatira na ata sa kusina dahil sa kabi kabilang pagpapaluto sa kanya ng mga hyung niya.

At makakalimutan ba naman natin..

Jungkook: Jimin lumayo ka nga lang! Suga! Nalaban mo na ba yung brief na hiniram mo? Jin! Yung gatas ko asan na?

Ang evil hyung ng BTS, Jeon Jungkook~

Simulan natin ang araw nila sa umagang maulan.. iritang bumangon si Jin para magluto ng almusal nila dahil alas kwatro pa lang ay niyuyugyog na ng hyung niyang si V ang kama niya.

Jin: Alas kwatro pa lang V hyung eh! Sirang sira ang beauty sleep! Kaloka!

V: Nagugutom na ko! Tsaka gigising ka rin naman mamaya para magluto kaya bat hindi pa ngayon diba? Tsaka meron tayong kasabihan, matulin man ang matsing mas matulin pa rin ang car na pang racing!!!

Jin: Ewan ko sayo hyung..

Suga: Jin..

V: Isa ka pa Suga!

Suga: Ano na naman hyung? -_-

V: Wala! Sabi ko matulog ka! Maaga pa! Para tumangkad ka pa!

Jin: Ano yun Suga hyung?

Suga: Si Jungkook hyung nanghihingi ng gatas, meron pa ba tayo jan?

Jin: Meron pa, nandun sa ref.

Suga: Gusto niya daw yung mainit.

Jin: Ang choosy naman ni Hyung! Kaya lumalaki ilong niya eh!

Jungkook: /Sumigaw mula sa kwarto/ NARIRINIG KO KAYO MGA UGOK~

Suga: Sige ima microwave ko na lang.

Jimin: V hyung!

V: Yez? Welcome to Jollibee sir how may I help you?

Jimin: Ang aga aga hyung nababaliw ka, nasan si Jungkook hyung?

Suga: Nasa kwarto nanonood.

Jimin: HOMAYGHAD ANONG PINAPANOOD NIYAAAA?

Jhope: Hoyy Jimin hyung ang dumi ng utak mo!

Jimin: Wala akong sinasabi Hoseok ah! Mag toothbrush ka nga lang! Amoy imburnal yang bibig mo!

Jin: Si Namjoon hyung?

Jhope: Nandun sa kwarto, may pinapa translate daw si Jungkook hyung eh.

Suga: Tabi dyan..

Jhope: Uyyy ano yan gatas?

Suga: Mukha bang tubig to sa paningin mo? -_-

V: Bakit kahit mas bata satin si Suga ganyan nya tayo pakitunguhan? Anong nagawa natin sa batang pinaglihi sa harina na yon?

Jhope: Oo nga! Hyung niya tayo dapat sinusunod niya tayo dibaaaaa?

Jimin: Suga dadalhin mo yan kay Jungkook hyung?

Suga: Ne hyung~

Jimin: Sama koooooo.

Namjoon: Jin! Why did you woke up so early?

Jin: Eto kasing si V hyung eh, magluto daw ako ng maaga.

V: May angal Namjoon?

Namjoon: Nothing hyung.

Matapos magluto si Jin ay sa kwarto ni Jungkook at Suga sila kumain para makapanood na rin ng movie habang kumakain.

Jungkook: Hoy ayusin nyo ang pagkain nyo ah, ayokong madumihan ang sahig ng kwartong to.

BTS: Ne hyung~ 

Jungkook: Nga pala Jin, bat ang aga ata ng breakfast?

Suga: Hyung maaga talaga ang breakfast, may breakfast ba sa gabi?

Jhope: HOY! Igalang mo si Jungkook hyung!
Namjoon: Hope ah! We all know na ganyan talaga si Suga, just bear with it.

Jimin: Jungkook hyung, anong gusto mo? Kanin? Ulam? Tubig? Gatas? Juice?

V: Jimin! Behave!

Jin: Hyung ginawa mo namang aso si Jimin hyung!

Jungkook: O siya tumahimik na kayo, kumain na tayo.

Jhope: Suga paabot nung patis.

Suga: Wala ka bang braso? -_-

Jin: Eto na Jhope hyung, alam mo namang ganyan lang talaga si Suga hyung eh.

Suga: Ewan -_-

♡♡

BTS Scenarios IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon