Raven
Another boring day, another 10 hours of torture just by sitting in a four walled classroom.
Maglalakad ako ngayon papunta sa school. That's pretty much my daily routine every time I went to school since iniiwan ko yung bike ko malapit lapit dito oh di kaya ay makisabay kay Haru-chan.
Speaking of her, pumunta pala ako sa mansyon nila kagabi only to find out Saito pigging out in the living room.Umalis raw si Haru-chan sabi ni Butler Seb. I wonder, saan kaya nanamam yun nagsususuot yung babaeng yun?
Nevermind...
Pagkatapak ko sa entrance palang, I can see many people na gamit gamit ang mga mobile devices nila.
Wait...this scene is all too familiar to me.
Napatigil ako at napa isip...
Hay naku, no doubt scandal na naman ito na isa sa mga kagagawan ng mga bully sa eskwelahang ito.
Wait....hindi kaya si Cass na naman toh? Bigla akong kinabahan. A picture of a tear stained faced Cassiopeia stuck to my mind
Agad akong tumakbo sa room niya para siguraduhing okay lang siya.
Habang papunta ako sa silid niya ay di ko maiwasang mapansin na nakatingin sila sa akin.
But that's the least of my priorities right now, di ko nalang pinansin, mga insecure lang siguro na mga froglets dahil sa kagandahan ko.
Pagpasok ko sa room niya ay siya lang isa doon.
"Okay ka lang ba? " agad kong tanong sa kanya.
"Eh anong sinasabi mo diyan?" sabi niya at parang naguguluhan sa sinasabi ko.
Natigilan ako. How foolish of me to jump into conclusions, OA lang talaga ako.
"Ay sorry, joke lang! Sige labas na ako" sabi ko at lumabas sa room habang kamot kamot ang batok ko.
False alarm lang pala, naisip ko lang naman kasi baka yung mga malalanding mga babaeng kaaway ni Cass ang pasimuno nun at naghihiganti sa kanya.
Pero since hindi naman siya, sorry nalang dun sa biktima, kaawaan sana siya ng Diyos. Wakapels na ako dun.
Palabas na ako sa building nila ng makabunguan ko si Mrs. Fuentes.
"Ayy sorry po ma'am" sabi ko
Napansin kong parang wala ito sa sarili. She isn't in her usual composed self na siyang ipinagtataka ko.
May gasang nakalagay sa noo niya at may konti ring pasa na di masyado halata.
"Okay po lang ba kayo? " tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya bilang sagot at umalis na.
Pinabayaan ko na lang, wala namang big deal yun saakin, maybe she just met an accident and bumped her head or something.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at iniisip ang mga dapat gagawin ngayon.
Bigla akong napaisip kay Haru-chan, MIA parin, as usual late na naman, mukhang napapadalas na ito ah. Pero okay lang medyo maaga parin naman.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway at kitang kita ko ang mga mapanghusgang mga kababaihang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
May iba pang tinitignan ako mula ulo hanggang talampakan tapos iirapan.
Ano naman ba toh?
Narating ko ang locker ko at pabukas na sana para kunin yung librong gagamitin ko para sa first subject ko ng hinarang ito ng isang kamay at pabalibag na isinara ulit.
BINABASA MO ANG
The Legendary Dark Demon
БоевикIsa ang Otokawa mafia sa kinatatakutang organisasyon sa mundo ng sindikato lalo na sa Japan. Bukod sa marahas nitong pamamaraan ay may nakatago itong alas, isang taong maikukumpara sa isang demonyo. She kills with no remorse, no mercy and no emotion...