Chapter 1

160K 3.1K 119
                                    

Tokyo, Japan

Tulala lang ang isang gwardiya sa isang 24/7 convenience store nang pumasok ang isang babaeng nababalot ng dugo. She had a katana tied around her waist and it screeched on the floor every time she walks.

Hindi malaman ng gwardiya kung ano ang gagawin. The girl looked like she just came out of a Japanese horror movie. Long black hair covers half of her face while half of it is covered in blood. Pati ang suot nito ay may dugo rin.

Alas-onse na ng gabi kaya ang nandoon lang sa pamilihang iyon ay ang kahera, ang gwardiya at ang misteryosong babaeng kasalukuyang naglalakad sa section nang mga tsitsirya at tsokolate.

Nanginginig ang dalawang trabahante sa takot habang pinagmamasdan ang bawat galaw nang babae. Mistulang naitulos sila sa kinatatayuan dahil sa takot dulot nito. Ang tanging tunog lang na maririnig ay ang pagkalampag ng katana niya sa sahig.

Pinagmasdan lang ng dalawa ang babae habang binuksan nito ang isang chocolate bar at kinagatan. Tila naging pipi at imbalido ang gwardiyang nakatunganga lang sa halip na sawayin ito.

Dahan-dahan namang kumilos ang kahera at sinubukang pindutin ang numerong 911 sa telepono ng palihim.

"Moshi watashi ga anatadattara watashi wa sore o shimasen, misu (I wouldn't do that if I were you, miss) " malamig na sabi nito na ikinagulat ng kahera. Nakatingin sa kanya ang babae. Nagsimula itong maglakad papunta sa kanya kaya hindi niya mapigilang manginig sapagkat malapit na niyang matamasa ang kanyang katapusan. Ipinikit nalang niya ang kanya mga mata upang tanggapin ang kanyang kapalaran.

Tanging pagkalampag lang ng katana ng misteryosang babae ang naririnig niya at ang kanyang iregular na paghinga. Nakarinig siya ng kung anong ipinatong sa counter. Halos rinig na rinig na niya ang tibok ng puso niya sa kaisipang magtatapos na ang kanyang buhay.

Nakapikit parin ang kahera pero lumipas ang isang minuto ay wala siyang naramdaman.

" Watashi o mata senai, misu. (Don't make me wait miss.) Hurry up and process this, I'd kill for a shower and at this rate, I'm not patient enough to identify if I had said it figuratively or literally." malamig na sabi ng misteryosang babae sabay kagat sa tsokolateng binuksan nito.

Agad napalundag ang kahera sa gulat. Kahit nanginginig ang kamay niya ay agad niyang inasikaso ang pinamili ng babae.

Hindi pa man ito natatapos ay biglang may putok ng baril na narinig mula sa labas at pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaking nakatakip ang buong mukha ng itim na tela. May dala dala rin silang baril bawat isa.

Mula sa loob ay makikita ang gwardya na nakahandusay sa labas.

Pagpasok ng armadong mga lalaki ay bahagya silang nagulat ng makita ang itsura nung babae ngunit agad ding nakahuma.

"Ugokanai de. (Don't move.)" sabi nung isa na tinutukan siya ng baril.

Lumapit naman ang isang armadong lalaki sa kahera at tinutukan din ito ng baril. Habang iyong isa ay naglibot sa buong convinience store at kumuha ng kung ano-ano.

The lady still soaked in blood watched with enthusiasm as the guy slapped the cashier with his gun when she refused to open the cash register.

Sumandal siya sa counter malapit lang din sa kahera at pinagpatuloy ang pagkain sa binuksang tsokolate.

" Ugokanai yō ni itta!(I told you not to move!)" sigaw sa kanya nung lalaking nakatutok ng baril sa kanya.

Wala itong natanggap na reaksyon mula sa misteryosong babae sa halip ay tinitigan lang siya nito ng malalim. It was giving the man creeps.

The Legendary Dark DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon