Chapter 13

70.1K 1.7K 122
                                    

Raven's POV

Nandito kami ngayon sa isang bar na sakop parin sa Underground Society.

Bukod sa nagantihan na ni Haru-chan yung mga bruhang yun, nanalo rin kami ng limpak limpak na pera at nandito kami ngayon sa bar para lustayin ang napanalunin namin kaya eto ako ngayon nagpapakasasa sa alak at pagkain.

Kung tatanungin niyo kung asan sina Brianna, matapos ang laban agad silang isinugod sa ospital. I bet they're not getting out of there anytime soon. Sinigurado talaga ni Haru-chan na may mababaling buto.

Mula nung magkakilala kami, may nalaman akong isang napaka-importanteng aral; never mess with Haruka. Magkamatayan lang ang lahat wag lang magalit ang babaeng yun.

Nakaupo kami ngayon sa bar counter tinitigigan ang gwapong bartender.  I ordered tequila while Haru-chan ordered margarita. Underage pa kami pero umiinom na ng alak but who cares as if may pake kami.

Habang abala akong naghuhunting ng gwapo, tahimik lang na naka-upo si Haruka sa tabi ko habang minamasdan ang paligid, ewan ko lang anong iniisip nang babaeng ito.

Nakasuot parin kami ng maskara kaya mahirap talaga uminom ng alak ng nakamask. Di pwede ibulgar ang mukha namin lalo na't halos lahat ng atensiyon ay natuon sa amin matapos manalo kami laban sa Armageddon.

Others can't still believe na natalo namin sila.

Hanggang ngayon di pa rin kami milulubayan ng tingin ng iba, parang di makapaniwalang natalo ng isang baguha ang high and almighty Armageddon gang.

Napatawa nalang ako. Its really fun to watch their pathetic reactions. Though its getting kind of annoying already.

Anyways I was enjoying myself of the view around here. ANDAMING WAFUU! *O*. Yung bartender ang da best, hunk na hunk! hihi.

Grabe muntik na akong malaway sa bartender, nakatopless pa habang nagfaflairing, oh my abs haha.

I was really adoring the view when something or rather someone deprived me of the view.

"Hey!" sabi nito in a cheery voice.

Di ko ito pinansin at lumipat ng upuan para pagmasdan parin iyong bartender. Mamaya hihingin ko yung number niya.

"Di mo ba ako naririnig? Helloooo!" muling sabi nito tsaka kinakaway ang kamay sa mukha ko.

Grrrr how dare this guy blocked my view.

Hinarap ko siya para pagsalitaan but I my tongue didn't function to my command.

Si Venz Aston Yukumi,the one I was tasked to protect on the first place.

Sheesh nakalimutan ko palang may tao pa akong binebabysit.

I was staring at him for too long I hadn't realize he was smirking.

"Liking the view? Take a picture, I lasts longer." bigla akong natauhan at ibinaling ang atensiyon sa ibang direksyon.

Tss kahit kailan ang yabang talaga neto, pasalamat siya ipinagmamalaki ang mukha  niya kundi kanina ko pa to inambahan ng suntok.

"Get lost." malamig kong usal habang nakatingin parin sa ibang direksyon.

Ineexpect ko talagang aalis siya pero ni di man lang natunag ang mokong.

"Grabe ka naman Miss, sungit mo, by the way you were really great back. You're really sexy and beautiful."

"Is this your tactic to get in between a woman's legs? Because ngayon palang sinasabi ko sa iyo, its not gonna work! Get lost" I said in a cold tone pero mukhang hindi talaga papatinag itong isang to.

"Judgemental mo naman! By the way, Im Venz, you are?"

Sasabihin ko sanang di ako interesado pero sumabat siya.

"Oh wait alam ko na, it's Wifi, because I can feel the connection" sabi niya sabay taas baba ng kilay niya.

Corny din pala ang taong to. Naaaliw ako sa kanya kaya sinakyan ko nalang at di na siya tinaboy.

" Just call me Rae" sabi ko.

Tumango siya at bumalik kami sa pag-inom ng alak,I sipped from a straw on my drink.

"Hindi ka ba nabobored?" sabi niya

"Medyo, bakit?"

"Wala lang, pwede tayong maglaro ng kahit ano basta wag lang taguan, because someone like you is hard to find" sabi niya. Akala ko pa naman matino yun pala kalokohan. -_-

I just maintained a straight face pero nakangiti ako, buti nalang natatabunan ng mask ko.

"Luma na yang pick up lines mo dude"

Natahimik siya at mukhang nag-iisip ng malalim.

"Ang lalim ng iniisip mo ah, ano yan another pick up?" biro ko.

"Wala naman, iniisip ko lang kung pagod ka na" sabi niya

Sensing that it would lead to another mushy pick up line, sinakyan ko na lang.

"Bakit naman?"

"Kanina ka pa kasi takbo ng takbo sa utak ko"

"Hindi naman, maliit lang kasi yung utak mo eh" bara ko sa kanya.

"Grabe Rae nakakasakit ka na ng feelings. Yung puso ko oh ang lalim na ng sugat" sabi niya sabay turo ng dibdib niya.

I just rolled my eyes.

Nagpatuloy kami sa pag-uusap, marami rami na nga kaming napag-usapan, may mga matino naman pero talagang majority talaga ang mga nonsense.I must say nakakaaliw talaga siya, no wonder girls are drooling over him, but clearly I am not one of them.

Ibinaling ko ang atensiyon ko sa kabilang upuan at napansin kong nawawala na si Haru-chan, napakunot ako ng noo asan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon.

I fished out my phone in my pocket para sa tawagan siya ng may nakita akong message galing sa kanya.

From: Haru-chan

'Went home, I can see you still busy flirting with someone. Don't forget condoms'

Bigla akong namula sa pinakahuli niyang sinabi. Anong akala niya sa akin,  easy to get.

Grabe nakakatampo talaga, iniwan ba naman ako and FYI hindi ako yung flirt noh ito kayang katabi ko.

Tumayo na ako at nag-inat para umalis. It's no fun when Haru-chan's not with me kahit tahimik lang siya. Besides, pagod na rin ako at gusto ko nang matulog.

"Wait sa ka pupunta?" sabi ni Venz.

Tinignan ko siya, naisip ko bigla iyong suppose to be mission ko. Hindi naman siguro ito mapapahamak dito tsaka nandito rin naman ang barkada niya maproprotektahan siya nun.

"Uuwi na. Ang boring mong kausap." sabi ko para inisin siya pero tumawa lang siya.

"Miss Rae, kung boring akong kausap,  dapat kanina ka pa umalis. Pero sabagay, kung boring man ako, nagpapatunay lang yun na ang gwapo gwapo ko talaga para manatili ka." sabi niya sabay kindat sa akin.

Napaikot lang ako ng mata.

Di na ako nagsalita pa at tumalikod lang para umalis.

"Sabihin mo lang kung gusto mo makita muli ang nakakasilaw kong kagwapuhan, pagbibigyan kita.  Hanggang sa muli, Rae"

Huli kong rinig sa kanya bago lumabas na sa bar.

Naglakad ako patungong parking lot and sumakay na sa motor bike ko at pinasibad palayo.

----

Credit sa google sa mga pick-up lines :)

The Legendary Dark DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon