Haruka
Huminga ako ng malalim bago lumundag papasok sa bintana ng gusali. Buti nalang at bukas.
Hindi pa masyado kalat ang sunog sa parteng pinasok ko kaya hindi pa ako nahihirapang kumilos.
Naglakad na ako sa pinto palabas ng silid pero nakarinig ako ng ingay mula sa bintanang pinasukan ko kaya napalingon ako at nagulat ng makita si Angelo.
"Anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong.
Napakamot naman siya ng batok
"...Yung...bag ko naiwan ko dito.." sabi niya habang nag iiwas ng tingin.
Napaas ang kilay ko pero isinawalang bahala ko na, hahanapin ko pa si Cassiopeia. Kakalimutan ko muna ang inis sa taong to.
Di ko na siya pinansin at agad tumakbo para hanapin si Cass.
Sa bawat minutong sinasayang ko maaaring lumaganap ang apoy.
Kumakapal na din ang usok at lumalaki na ang apoy. I can even feel the burning hot sensation on my skin. Napalibot ako nang tingin, almost all the things are already engulfed in the fire and the heat is frying my skin. Now I got a glimpse of what hell feels like.
Agad akong napaatras nang magcollapse yung isang cabinet na nilalamon na ng apoy.
Mabilis kong tinakbo yung mga classrooms na pwede pang pasukan at sinisigaw ang pangalan niya.
I started coughing my lungs out hanggang sa may humawak sa balikat ko.
"Let's go." simpleng sabi nito while handing me a handkerchief.
Tumalon na kami mula sa bintanang pinasukan namin kanina.
Napatingin nalang ako sa gusali habang unti unti nang nilalamon ng apoy.
Hindi ko masasabing nandoon nga si Cassiopeia o wala, she may be weak but she's not dumb. Pero ano nga ba ang pake ko, I'm an Otokawa, kaya kong pumatay nang hindi pumipikit, bakit ko ipapahamak ang buhay ko sa isang mahinang nerd?
Sa kabilang banda, a new unfamiliar feeling had started to grow on me these past few days. Guilt started to sprout on my system. Hindi ako mapakali pero pinipigilan ang sarili ko.
Umiling nalang ako at para mawala ang mga iniisip ko sa utak.
"Asan ang bag mo?" baling ko kay Angelo habang nakatanaw parin sa gusali.
"Anong bag?"
Napatingin ako sa kanya.
"You said you left it on that building. Nakuha mo ba?"
Nag iwas siya nang tingin at hindi nagsalita.
Nakatingin parin ako sa kanya at hinihintay yung sagot niya ng may biglang humawak sa balikat ko mula sa likod kaya agad kong pinilipit ito.
"Aaah! A-aaray Haru-chan! " agad akong napabitaw ng malaman ko kung sino iyon.
Hinihingal siya habang hinawakan ang kamay niyang pinilipit ko.
"Ano?" simple kong sabi.
"Ha...huh...H-haru..huh...chan.." usal niya habang nakakapit sa akin.
"What? "
"Si Cass...found her...mini forest." sabi niya habang naghahabol ng hininga.
I can't help but be pissed. So I just went in the building for nothing?
Magsasalita pa sana ako nang magsalita ulit siya. Huminga muna siya ng malalim.
"Nasaksak siya tsaka duguan yung ulo niya. "
BINABASA MO ANG
The Legendary Dark Demon
ActionIsa ang Otokawa mafia sa kinatatakutang organisasyon sa mundo ng sindikato lalo na sa Japan. Bukod sa marahas nitong pamamaraan ay may nakatago itong alas, isang taong maikukumpara sa isang demonyo. She kills with no remorse, no mercy and no emotion...