Althea's Pov:
"I'm the vampire queen.." sabi ko kay Jade ng maalala ko na kung sino ako. Hindi ko man maalala lahat pero isa yun sa naalala ko. Ako ang reyna ng mga bampira. Kinatatakutan at linuluhuran ng lahat ng bampira sa aking kaharian.
"Bakit bah ang tigas ng ulo mo?! Layuan mo ang kapatid namin!!!" Sigaw ni Sanya at agad nyang hinablot ang kumot na tumatakip sa hubad naming katawan bago nya hawakan sana si Jade pero bigla syang tumilapon ng di pa man naglapat ang kamay nya sa balat ng pinaka mamahal ko. Napasmirked naman ako ng mapatunayan kong tumalab ang kagustuhan kong protektahan si Jade. Niyakap ko naman si Jade ng mapansin kong nahihiya syang nakahubad sya harap ng mga kapatid ko.
"Althea na hihibang ka na bah?!" Sigaw ni Kylie ng malaman na siguro nilang na kay Jade na ang puso ko.
"Reyna Althea!!!" Sigaw ko pabalik para balaan sila na bumabalik na ang alaala ko. Nanlaki naman ang mata nila sa sinabi ko.
"Magbigay pugay sa mahal na Reyna ng mga bampira." Sabi ni Gabby at lumuhod na sya sa harapan ko bago yumuko. Sumunod naman si Kylie sa ginawa ni Gabby ng tingnan ko.
"N-nakakaalala ka na?" Na uutal na tanong ni Sanya sakin.
"Sanz, magbigay pugay ka.." sabi ni Gabby kay Sanya ng tiningnan lang nya ako ng masama. Hinapit ko naman ang bewang ni Jade para palapitin pa sya sakin. Halata kasi na natatakot sya sa mga kapatid ko. Sumunod narin si Sanya sa sinabi ni Gabby. Napangiti naman ako sa paraan ng pag respeto nila sakin at di na nila pinapakialaman ang kagustuhan kong makasama si Jade. Pero may gusto pa ako..
"Ngayon na bumalik na ang reyna nyo gusto ko ibalik nyo lahat ang alaala ko at gusto kong malaman nyo na walang pwede manakit sa reyna ng buhay ko, si Jade.. walang pwedeng humawak sa kanya ng walang pahintulot ko. Sya ang babaeng napupusuan ko kaya nasa kanya na ang puso ko. At hangang nasa kanya ang puso ko ibibigay nyo sa kanya ang pag puri at respito na binibigay nyo sakin. Ayoko ng pang himasukan nyo ang buhay ko. Wala ng ibang disisyon na masusunod kundi ang akin lamang. Nagkakaintindihan bah tayo?" Mahaba kong salaysay sa mga tinuring kong kapatid.
Biglang bumalik sakin ang nakasanayan kong kaugalian nuon. Kung naging uto-uto ako ng maging tao ako sa piling ng mga tinuring kong kapatid ngayon hindi na nila ako pwedeng maloko. Si Jade ang susi ko sa nakaraan ko. Ng pumasok sa katauhan nya ang puso ko may mga bumalik na alala sakin na nawala.
"Opoh mahal na reyna.." sabay nilang sagot. Nilingun ko naman si Jade na nakatitig lang sakin na parang hindi parin sya makapaniwala sa nangyayari. Hinalikan ko naman ang noo nya at dumapo ang paningin ko sa suot nyang kwintas. Malabo parin ang memorya ko pero parang naalala kong ako ang may bigay sa kanya.
"You want this?" Tanong nya pero umiling ako.
"You need that more than i do my love.. wag na wag mong tatanggalin ang kwintas na yan.." bilin ko sa kanya.
"I know it! It wasn't a dream!!!" Sigaw nya at niyakap nya ako ng mahigpit kaya napangiti narin ako.
"Yes my love.. it wasn't a dream.." malambing kong sabi sa kanya. Ang saya ng nararamdaman ko ngayon. Wala akong pinag sisihan na binigay ko sa kanya ang sarili at puso ko.
"Wait.. may ibibigay ako sayo.." sabi nya ng bumitaw sya sa yakapan namin at agad sya tumakbo papasok ng room nya kaya binaling ko na uli ang tingin ko sa mga kapatid kong nakaluhod at nakayuko parin sa harapan ko. Parang gusto ko ng matawa sa utak ko na dati-rati para akong tuta nila na agad binabahag ang buntot pag pinapagalitan nila. Samantalang ngayon lahat sila nakaluhod at nakayuko sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with The Vampire Queen
FanfictionThe moon is her sun, the night is her day, blood is her life and i might be her prey; but the hell i care coz I'M IN LOVE WITH THE VAMPIRE QUEEN.