Jade's Pov:
"Kyl, please.. sabihin nyo na sakin saan nag punta si Althea bakit biglaan naman ata sya nag paalam?" Umiiyak kong tanong kay Kylie. Nagkatinginan naman sila bago sila yumuko ni Gabby.
Ano naman kasi ang pinag iisip nya. Halos binigay ko naman lahat sa kanya pero sa bandang huli iiwan lang din naman pala nya ako. Wala naman siguro akong ginawang mali sa kanya. Bakit naman nya ako biglang iiwan. Binigyan ko pa sya ng anak.. di ko talaga sya maintindihan bakit bigla syang nagpaalam..
"Nakapagdisisyun na ang mahal na Reyna Althea. Makikipag isang dibdib sya sa namumuno ng Dark Vampire Clans at pamumunuan na uli nya ang lahat ng bampira." Si Sanya na ang sumagot sa tanong ko at napatingin ako kay Thyia ng biglang lumutang ang anak ko papunta sakin mula sa pagkakahawak ni Kylie. Kinarga ko naman si Thyia at pinagmasdan ko ang anak namin ni Althea.
"You mean she'll be the Vampire queen again?" Takang tanong ko sa kanila at panay parin agus ng mga luha ko.
"Oo. Dahil ngayon na nakipagsundo ang mahal na Reyna Althea sa pinuno ng dark vampires mabubuo uli ang samahan ng lahat ng bampira. Ang light at dark. Pinili ni A ang mabuhay kayo ni Thyia Jade kahit na kapalit ay ang panghabang buhay nyang pagkakulong sa kadiliman kapiling si Anne. Kaya sana wag mo syang biguin. Ipagpatuloy mo ang buhay mo kasama si Thyia. Andito lang kami na gagabay sayo. Papalakihin natin si Thyia na may busilak na puso para sa pagdating ng takdang panahon magiging mabuti syang pinuno." Si kylie na naman ang sumagot sa tanong ko.
"So papakasal sya sa Anne na yun?" Tumango naman si Kylie sa tanong ko at niyakap nya kami ni Thyia.
"Masakit man tanggapin pero kelangan Jade. Ang batas ng mga bampira ay dapat lang na isakatuparan dahil kung mapapako ang isang pangako ay mahahatulan ng kamatayan.." malungkot na sabi sakin ni Kylie habang yakap nya kami.
"Pero kabiyak ko na si Althea, hindi pwede na maikasal sya sa iba dahil akin na sya. Nasa sakin na nga puso nya at may anak kami." Nagbabakasakali kong sabi sa kanila baka kasi magawan namin ng paraan na maibalik si Althea.
"Hindi ka pwedeng mangialam Jade. Baka nakalimutan mo.. Tao ka lang.. mahinang nilalang ka lang. Pagkain ng mga bampira, hindi mo kayang labanan ang mga bampirang pwedeng humarang sayo kung ipagpipilitan mo ang gusto mo." Sagot ni kylie at mas niyakap pa nya kami ni Thyia ng panay iyak ko.
Paano ko ba kasi mababawi ang dyosa ko sa Anne na yun.. naiisip ko pa lang na mapupunta sya sa iba para ng dinudurog ang puso ko.
"Nasa sakin ang kalahati ng kapangyarihan at puso ni Althea kaya kakayanin kong labanan sila. Lalaban ako kahit na hanggang kamatayan pa. Mahal ko sya.." Pagmamatigas ko. Lumapit naman si Gabby sakin at nabigla ako ng kinuha nya ang kamay ni Thyia at linagay sa pisngi ko.
Napatingin naman ako kay Thyia ng may pinapakita sya sakin na imahi ko at ni Althea nakikipaglaban sa mga iba't-ibang klasing bampira at sa bandang huli nasawi si Althea.
Makapangyarihan nga ang anak namin. Baby pa sya pero nagagamit na nya ang kapangyarihan nya.
"Paanong---"
"Susi mo si Thyia sa hinaharap Jade at sya rin ang magiging susi mo sa tamang panahon para pwede mo na bawiin ang nararapat sayo. Wag mong ipag pilitan ang gusto mo dahil mapapahamak si Althea. Huling buhay na nya ngayon. Kung masasawi sya tuluyan na syang mawawala. Kaya ang mapapayo ko sayo hintayin mo ang takdang panahon na kaya mo na harapin sila kasama si Thyia." Tinitigan ko naman si Gabby sa sinabi nya.
"You mean i'll wait for 18 years para makita uli si Althea?" Di ko makapaniwalang tanong kay Gabby.
"Wag ka nga OA.. i'm pretty sure that you and A has your own world.. you'll meet her everytime you'll close your eyes.." sabat ni Sanya na tahimik lang nakikinig samin. Napatingin naman kami lahat sa kanya.

BINABASA MO ANG
I'm inlove with The Vampire Queen
FanfictionThe moon is her sun, the night is her day, blood is her life and i might be her prey; but the hell i care coz I'M IN LOVE WITH THE VAMPIRE QUEEN.