(9) The Vampire Queen

2.2K 178 46
                                    

Jade's Pov:

"Love?" Tawag ko kay Althea ng magising ako sa hindi ko na kama. Napahawak naman ako sa tyan ko na ang laki na at may kirot akong nararamdaman.

Normal ba talaga toh sa mga bampira? Isang sex lang nabuntis na agad ako. Worst babae pa talaga nakabuntis sakin at ang weird.. kagabi palang kami nag sex ni Althea pero ang tyan ko lumulubo na. 3 days lang hihintayin so the next day after tomorrow manganganak na ako, worst kamatayan ko na rin.. di bali na.. mas kakayanin ko naman kung ako ang mawala at hindi ang anak namin.. hindi ako patatahimikin ng konsensya ko kung papatay kami ng walang malay na nilalang.  Kahit naman na bampira ang dinadala ko, dugo at laman ko parin sya..


"Jade.. inumin mo na muna toh.. namumutla ka.." pagpukaw ni Gabby sa diwa ko at inabot nya ang isang baso sakin pero tinaasan ko naman sya ng kilay ko baka kasi dugo toh ng pusa ko.

Naku! Loko talaga toh si Gabby eh.. pati ba naman pusa ko..

"Hindi yan noh.."😂 natatawa nyang sabi  ng mukhang nababasa nya ang iniisip ko. Tinanggap ko naman para tumigil na ang sakit ng tyan ko.

As if i have a choice.. kelangan ko uminum ng dugo kahit ayaw ko para sa anak ko, para sa anak namin ng dyosa ko.

"Si Althea?" Tanong ko ng di mahanap ng mata ko si Althea.

"Naghanap sya ng lunas sa kalagayan mo at pinuntahan nya si Sally para kausapin." Sagot nya habang hinihimas nya ang tyan ko. Napapagaan naman ni Gabby ang pakiramdam ko sa lamig ng haplos nya.

Teka.. lumabas sya? Pero..

"Pero Gab.. may araw.. diba nasusunog kayo sa sikat ng araw?" Tanong ko sa kanya at sumandal ako sa balikat nya. Ang hina parin kasi ng pakiramdam ko.

"Dahil sa singsing na binalik mo sa kanya mapro-protektahan sya sa sinag ng araw. Jade.. masyado ka ng nanghihina.. may gusto ka bah?" Singit ni Kylie at binuhat nya ako papunta sa bathroom.

May pahintulot narin pala ni Althea si kylie.. si Sanya nalang pala hindi pwede lumapit sakin. Okay na rin yun. Natatakot kaya ako kay Sanya.

"Si Althea.. gusto ko na sya makita.." sagot ko kay Kylie. Hinubaran naman ako ni Gabby bago ako nilagay ni Kylie sa bathtub.

Hindi talaga uso sa kanila ang ilangan na makita nila akong hubad.. hay.. siguro wala namang pagnanasa ang mga bampira sa taong tulad ko.. siguro nga natatakam pwede pa.. pati nga sa pusa ko, natatakam si Gabby..😬

"She'll be home later.. Here.." singit ni Sanya at inabot nya sakin ang isang baso na naman.

"Ano toh? Nakainum na ako." Tanong ko at papalit-palit kong tiningnan si Gabby at kylie na nagpapaligo sakin.

Kelangan ko makasigurado noh.. baka lasonin pa ako ni Sanya. Pakiramdam ko nga pinatay na nya ako sa isip nya..

"Mataas na uri ng dugo ng tao." Napatingin naman kami lahat kay Sanya sa sinabi nya.

"What? Hindi ako pumatay noh.. nakuha ko yan sa hospital kagabi ng madakip ko yung kambing. Palagay ko kasi kelangan na nya ng mataas na kapangyarihan galing sa dugo ng tao para maibsan ang panghihina nya. Baka kasi di na sya abutan ng bukas. Sige na. Inumin mo na." Paliwanag nya ng binigyan namin sya ng nakadudang tingin. Napatingin naman ako kay Gabby kung okay lang bah na inumin ko ang dugo ng tao. Inabot naman ni Gabby ang baso bago nya inilahad sa kin.

"Sige na Jade.. kaysa naman di mo pa nasisilang ang bata patay ka na. Nangako pa naman kami kay Reyna Althea na aalagaan ka namin habang wala pa sya." Tumango naman ako sa sinabi ni Gabby bago ko ininum ang binigay ni Sanya na dugo. Nakatitig lang sila lahat sakin ng pilit ko lunukin ang dugo ng tao.

I'm inlove with The Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon