Jade's Pov:
"Mom, com'on! Hurry up! What took so long bah ha?" Pag aapura sakin ni Thyia habang nag mi-make up pa lang ako. Ngayon kasi ang uwi namin sa pinas. Kahit ayoko sana sya iuwi sa pinas pero di ko magawang tanggihan ang parents ko. It's been 17 years na ng mag tago kami sa Norway kung saan di masyadong sumisikat ang araw para narin makasama namin ang mga bampirang tita nya.
"Don't rush your mom sweetheart.." sita sa kanya ni Sanya at linapitan sya nito.
"Tita i just can't wait to meet my Mommy J's parents.. com'on mom, let's go na sabi eh.." pag aapura na naman nya kaya napangiti ako.
Excited na nga sya.. ang cute talaga ng batang toh.. ang kulit..
"Sige na.. anjan na kasi.. kaw talaga.." pagsuko ko sa kanya at hinalikan ko sya. Bahagya naman lumayo sakin si Sanya. Nginitian ko lang sya at agad naman sya umiwas.
Hay.. hanggang ngayon talaga di parin kami nagkakasundo pero buti nalang talaga at magkasundong-magkasundo sila ni Thyia. Napaka spoiled na nga ng anak ko sa tita Sanya nya dahil halos lahat binibigay ni Sanya sa kanya..😧
"Wow Jade, ang ganda mo talaga.. pero sigurado ka na ba talaga sa disisyon mong magpakita na sa parents mo ha? At papaano mo ipapaliwanag sa parents mo, sa mga kaibigan mo na may anak ka na at napakabata pa ng itsura mo. 43 ka na pero ang itsura mo 20's parin.." nag aalalang sabi sakin ni Gabby.
"Gab, don't worry too much okay? Look at me.. i may look young but i'm matured than my age naman.. don't worry.. ako na bahala magpaliwanag sa kanila.. hindi ko pwede habang buhay na takasan at pag taguan ang pamilya ko. Baka darating ang panahon na huli na ang lahat para makasama ko pa sila. May hangganan ang buhay ng mga magulang ko kaya gusto ko makasama na nila kami. Gusto ko ipakilala sa kanila si Thyia, anak ko si Thyia kaya marapat lang na hindi ko sya ipagkait sa mga magulang ko. Sana maintindihan nyo. Makakasama naman namin kayo kaya wala kayo dapat ikabahala." Pagpapanatag ko sa loob ni Kylie, Sanya at Gabby. Linapitan naman ako ni Kylie. Tumango naman ako kay Sanya na kausapin na muna nya si Thyia para makapag usap kami ni Kylie.
"Kung buo narin ang loob mo Jade, wala na kaming magagawa kundi ang payagan ka. Alam namin na handa ka narin na harapin ang lahat na posibling pag subok na mahaharap mo sa pagbalik mo ng pinas. Ilang taon narin ang ginugol mo sa pagsasanay para mapag aralan gamitin ang kapangyarihan ni A. Dobling ingat lang. Ngayong malapit na ang tinakdang panahon na pamunuan ni Thyia ang angkan namin, maraming mag tatangka na kunin sya at gamitin sa kasamaan. Papayagan ka namin na makasama at mga magulang mo at ipakilala si Thyia dahil baka--- uhm.. never mind.. so ano? Saan bah ang sa inyo ha?" Bilin sakin ni Kylie at di na nya tinuloy pa ang sasabihin nya ng lumapit samin si Thyia.
Umiling naman ako na hindi nya gamitin ang kapangyarihan nya dahil kasama namin si Thyia. Tinago kasi namin kay Thyia na may mga kapangyarihan kami at pati sya. Buti nalang at naku-control ni Gabby si Thyia na hindi magamit ang kapangyarihan nito. Pinalaki kasi namin si Thyia bilang ordinaryong tao lang.
"Com'on titas, mom... let's catch our flight.. enough with your chitchats.. we can do that later naman eh.." singit na naman ni Thyia at hinila na nya ako.
"Sasakay tayo ng plane? Wow! Bago yun ah! Tara! First time ko toh!"😄 masayang sabi ni Gabby pero agad naman sya hinila ni Sanya.
"Hoy bakit bah ha?"😯 nagtatakang tanong ni gabby ng sinara na ni Kylie ang pintuan ng sasakyan namin ni Thyia nang makapasok kami.
"Tita, aren't you coming with us?" Takang tanong ni Thyia at tiningnan nya ako.
"Mom.."😦
"Honey, your tita's have different flights kaya susunod nalang sila satin. May bahay din kasi sila sa pinas at sa bahay tayo ng parents ko tutuloy but when they get there we will live together again.." pagsisinungaling ko kay Thyia dahil alam kong gagamitin ni Kylie ang kapangyarihan nya na makapag teleport gaya ng ginawa namin nuon na makapunta agad sa Norway ng di sumasakay ng plane.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with The Vampire Queen
Hayran KurguThe moon is her sun, the night is her day, blood is her life and i might be her prey; but the hell i care coz I'M IN LOVE WITH THE VAMPIRE QUEEN.