Entry 2~
Dear Diary
Mag-iisang linggo na kaming pumapasok at narealized ko na may crush ako kay Shawn. Tuwing titingin ako sakanya nahuhuli niya ko, kaya todo iwas naman ako nakakahiya.
Nandito kami ngayon sa third period subject namin which means History namin ngayon may ilang friends na rin ako kahit papaano. Kaso di kami magkakatabi kasi inarrange na kami, bale Nasa ikatlong pangkat ako babae lalaki babae ang arrangement ng upuan.
Nasa ikalawang pangkat naman siya napagitnaan siya ng dalawang babae si Hannah at Kayla na may gusto sakanya. Di ko maiwasan na tignan siya kaya paglingon ko sakanya nahuli ko siyang nakatingin sakin at maging ako rin sakanya.
Kaya agad akong tumingin sa harapan nagtuturo si Ma'am about sa sinaunang tao wala kong maintindihan sa lesson dahil pre-occupied ang isip ko sakanya.
Nang matapos si Ma'am sa kanyang lesson pinalabas na niya kami next sub. namin is Filipino sa kabilang room since sabi nila wala si Ma'am Flores, kaya umakyat kami sa taas para tumambay.
Ako si Lean at JB lang yung nandito nakaupo lang kami. Napatingin ako bigla sa umakyat siya at yung kaibigan niya, kaya di ako mapakali kasi umupo sila katabi namin hirap na hirap akong huminga.
Tila nakalimutan ko atang Huminga at natuod na lang sa upuan.
"Bili tayo sa canteen"yaya ni Lean.
Nakahinga ako ng maluwag ng biglang nagyaya si Lean na bumaba!
"Gora lang"Sabi ni bakla.
"Tara"sabi ko dahil di ko na kaya baka himatayin ako sa kilig.
Nagpauna ako sa paglalakad ng malapit na kami sa hagdan tumingin ako dun sa dalawang lalake ng biglang.
Tengene! nadulas bigla ako sa sahig una pwet, aray bes ang sakit!
"Ouch"daing ko letche naalala ko na di pa pala kami nakakababa.
Holyshit! lamunin na sana ako ng lupa ngayon din!
"Hahahahaha anyare sayo"tumatawang sabi ni Lean.
"Hahahaha bat ka nagswiswimming ng walang tubig"sabi ni JB bakla.
Dali dali akong tumayo na parang walang nangyari.
Nakakahiya yung mga gaga tawa ng tawa letche ang sa sarap bigwasan! bumalik sila dahil naisipan namin na dalhin na lang yung bag namin baka kasi mawala pinakuha ko yung bag ko dahil hiyang-hiya ako kay Shawn wala na kong mukhang ihaharap sakanya. Naisipan namin na sa canteen na lang tumambay nawala na rin ako sa mood buong klase nasa dulo ako nagtatago ng mukha.
Psh, nakapokerface lang ako hanggang sa maguwian.
Nang makauwi na ko dun ako nagsisigaw sa sobrang tanga ko.
A/n:pfft paalala lang base true to life to mga teh!mwuahaha lahat ng experience ko kay krass katulad nito ay hinugot ko talaga sa kaloob-looban ko kaya don't me haha😂anyway past is past nakalimutan ko na yang nakakahiyang pangyayare, abangan marami pang nakakahiyang pangayayare ang masasaksihan niyo haha kahiya!
YOU ARE READING
Short Story (UNDER REVISION)
Teen FictionShana allysa Lee ang babaeng walang ginawa kundi ang magpakatanga este umasa. Xoxo❤ By:MaeOh0401 ©All Rights Reserved 2015