ENTRY 9~

59 21 4
                                    


Entry 9~

"Hoy bakla"biglang sulpot niya na ikinagulat ko.

"Ano ba yun bakla"irita kong sabi.

"Hahahahaha"tawa niya habang nakahawak sa tiyan.

Inirapan ko siya at bumuntong hininga.

"Kung nakikita mo lang itsura mo bakla matatawa ka rin hahaha"natatawa niyang sabi.

Nagmake face ako sa sobrang asar kung di ko lang to best friend nakatikim to sakin.

"Hahaha sorry na bebe bat ang sungit mo ngayon may dalaw ka no"sabi niya.

"Kakatapos ko lang po"sabi ko nang biglang may naalala ako gusto ko lang ng opinion at advice.

"May kailangan ka?"tanong niya.

Tumango ako siya naman ang umirap.

"Bakla need ko lang ng opinion mo at advice sa kay B1"sabi ko.

"Ano namang B1 anong klaseng opinion at advice duh dapat si Cheska tinawagan mo"sabi sabay irap ulit.

"Busy sya eii ganito kasi yun si B1 may crush Kay L"panimula ko.

"T-teka nga anong B1 and L pinagsasabi mo?"naguguluhan niyang tanong.

"Hayyss yung B1 babaeng una yung L si lalake si B2 babaeng pangalawa, ano gets mo na"nakataas kilay kong sabi.

"Oo na oo na"mataray niyang sabi.

"So yun si B1 may lihim na pagtingin kay L tapos umaasa sya na may crush rin si L sakanya. Kasi syempre si L walang ginawa kundi magbigay ng motibo edi syempre si B1 umasa tapos. May biglang pumasok sa eksena si B2 na bulgaran ang pagkakacrush kay L syempre walang laban si B1 kasi sakanya sarili niya lang ang nakakaalam ng feelings niya kay L tapos si B2 at L getting to know each other kuno"sabi ko.

"Hahaha dami mong alam tapos"sabi niya na ikinatawa ko rin.

"Edi syempre si B1 nasasaktan siya, di nya alam na dahilan. Sa tuwing si B2 at L na nakikita niya na close na close. Ayun sobrang gulong gulo na si B1 sa feelings nya ano opinion mo at advice mo?"sabi ko.

"Imfairness ang galing ni B1 magtago ng feelings ha ahahah"sabi niya.

"Ang masasabi ko is di na paghanga ang pagtingin niya kay Lalake kasi diba sabi mo nahuhurt siya di na crush yun, love na yun"sabi niya na ikinagulat ko.

"Oh gulat na gulat ka ata"natatawa niyang sabi.

"Pakyu love agad kaloka"stress kong sinabi.

Ay shet! Oo nga pala nakalimutan ko na di niya dapat malaman na ako talaga yun!

"Gaga yun ang opinion ko bat ba nangingielam ka kontra ka ng kontra may problema ka ba sa opinion ko!"nakataas kilay niyang sabi.

"Juskoh for god's sake ang bata niya pa para sa lablab na yan"nanlalaking matang sabi ko.

"Hahaha ganun talaga pagtinamaan ka talaga ni kupido wala ka nang kawala kahit pilit mo mang itanggi na di ganun yung feelings ni B1 wala naman pinipiling oras/panahon ang love"makahulugang sabi niya.

Pinagkunuotan ko siya ng noo para kasing may diin at kahulugan yung sinasabi niya.

"Ang advice ko lang is magconfess na siya ng feelings niya for him bago mahuli ang lahat, pero di ko naman sinasabi na ganun kadali haha. Atsaka wag siyang umasa baka sa huli masaktan lang siya"sabi niya pa.

"Ah imfairness bakla san ka kumukuha ng hugot"sabi ko.

"Loka ka"sabi niya at sabay kami natawa.

Short Story (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now