ENTRY 3~

183 22 10
                                    

A/n:si Shana lang po ang magpo POV wala pong ibang point of view yung ibang characters!

Entry 3~

"Ate bumangon ka na nga dyan sumbong kita kay mama ayaw mong pumasok"sabi ni Ken.

Tamad na tamad akong tumayo sa totoo lang ayaw ko talaga pumasok ngayon. Sa nangyari ba naman kahapon di pa rin ako makamove on sa pangyayareng yun, tamad na tamad akong pumasok sa banyo at pati sa pagligo.

"Shana bilisan mo baka malate ka anong bang nangyayari sayong bata ka"sabi ni Mama sa labas ng banyo.

"ito na nga po Ma, naliligo na ako"sabi ko.

"Bilisan mo pagtapos mo bumama ka na at magalmusal"sabi ulit ni Mama.

Matapos Kong maligo nagbihis na rin ako binagalan ko talaga magbihis para malate ako "Ma binabagalan talaga ni ate kumilos tignan mo" sulsol ni Ken.

Inirapan ko lang siya at umupo na para makapagbreakfast na.

"Meron ka no!"nangaasar na sabi ni Ken.

"Wala"sagot ko at patuloy lang sa pagkain.

"Sungit"sabi nya.

Matapos kong kumain nilagay ko sa lababo yung pinag kainan ko at direderetso akong lumabas.

"Hoy ate hintayin mo ko"nagmamadali niyang sabi.

Ako naman parang walang narinig at patuloy sa paglalakad medyo nakakalayo na ko ng biglang may umakbay sakin, siniko ko siya.

"Aray ate naman"namimilipit sa sakit nyang sabi.

Siya si Kendrick Lee kapatid ko third year high school na siya halos di naman nalayo ang edad namin dahil isang taon lang naman ang agwat namin dalawa.

Chickboy kaya napakafeeling nya!nagulat ako ng bgla may nagflash ng camera ng Cellphone. At nakita ko ang hinayupak na tumatawa. Hinablot ko yung phone niya pero nalayo agad niya. Tawa siya ng tawa nakahawak pa siya sa tiyan nya..

"HAHAHAHA a-anshaket n-ng t-tyan k-ko hahahaha"putol putol nyang sabi.

"Walang hiya ka Ken! Burahin mo  yan isa!"nanggalaiti kong sabi.

"Hahaha ayaw ko nga mukha kang baliw rito nakatawa yung itsura mo"sabi niya at humagalpak ng tawa.

Sabay pakita ng picture, nanlake yung mata ko muka nga kong baliw shet!

"See hahahaha"tawa nya.

"Urggh! Bakit mo ko pinituran?tatamaan ka talaga sakin Ken pag di mo binura yan"mahabang lintayan ko.

"Hahaha A-Y- A-W K-O iyak ka muna"nangaasar niyang sabi.

what the--

nakita ko si Shawn nakatingin dito hala bat nakatingin siya rito???

"Simple lang hahaha muka kang baliw kanina kaya I grab my opportunity"nakasmirk nyang sabi.

"Ah baliw pala, may pa grab grab opportunity ka pang nalalaman bwiset ka!"inis kong sabi.

tumakbo naman sya at ako naman hinabol ko sya baka ipost nya pa yun sa twitter at sa peysbuk makita pa ni Shawn!

"Yari ka sakin pagnahuli kita Kendrick"sigaw ko.

hinihingal ako grabe para syang kabayo kung tumakbo.

"huy bakla ano makikipaghabulan ka na lang dyan tara na malelate na tayo"sulpot ni JB.

"Sa pagkakaalam ko ikaw ang bakla satin dalawa"sabi ko.

"Aray! Bat mo ko binatukan? nagsasabi lang ako ng totoo, di ka lang bakla etchoserang palaka at assumera pa"sabi ko sabay takbo.

Short Story (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now