ENTRY 4~

104 24 6
                                    

Entry 4~

Dear Diary

Linggo na naman ngayon ang bilis ng panahon parang kailan lang, first day of school tapos ngayon magkakatapusan na.

Sa tuwing papasok ako paulit-ulit lang ang nangyayari na sa tuwing titingin ako nahuhuli nya ako, at ganun din sakanya nahuhuli ko rin siya na madalas na nakatingin sakin. Syempre si ako naman halos maihi na sa kilig. Nandito ako ngayon sa kwarto naglalaptop wala magawa kaya nagbabasa na lang ng wattpad. Biglang na lang may kumatok at alam ko na kung sino yun.

"Bukas yan"sabi ko

Nakita ko sa gilid ng mata ko si kumag tsk alam ko yang mga ngiti na yan.

"Ano kailangan mo?"tanong ko ng nakatingin pa rin sa binabasa ko..

"Hehehe bili mo ko oh"sabi nya sabay abot ng papel at pera.

"Ok pakidelete lang po muna yung pic" sabi ko ng nagbabasa pa rin.

Alam nyang di ako kikilos hanggang di nya pinapakita na nabura niya epic na piktyur ko.

"Aish"inis niyang pinakita sakin yung binura niyang pic ko na nakabusangot..

Nako kung di lang talaga sa mga pictures ko na epic sa phone nya hinding hindi ko susundin tong kumag na toh! Abugh ano siya sinuswerte may dalawa siyang paa na nakakapaglakad kaya kering keri niya bumili.

Nang matapos nya ipakita sakin pinatay ko muna yung laptop ko mahirap na. Atsaka sabay hinila siya palabas..

"A-aray napaka amazona mo talaga"reklamo niya.

"Hoy Ken sinasabi ko sayo pagmay kopya ka ng mga pic ko, ipapakita ko talaga kay chichay yung mga pic mo nung bata ka na nakahubad hahahaha"pang aasar ko. Sabay kuha ng vans jacket ko!

"Tsk"

"Che"sabi ko sabay dabog palabas kaasar.

Umuulan pala? Bat di ako nainform?

Buti talaga nag jacket ako, lamig kasi kaya pala malamig ksi umuulan akala ko bermonth na kaya malamig Lol. Maglalakad na lang ako tutal malapit lang naman yung convenience store dito.

Naglalakad ako habang nakaearphone tas nakayuko pa nyahahaha pa misteryosa.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tinitignan nila ko ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa?

Dali dali akong pumasok ng convenience store, at pumunta sa mga chocolate. Tinignan ko yung papel na binigay ng kumag mga listahan ng pinabibili nya tsk puro chocolates amp, kumuha ako ng two pieces of dairy milk and toblerone and zesto choco, marshmallow.

Pumunta na ko sa cashier para bayaran yung mga pinamili ko. Pagtapos ko bayaran agad akong lumabas dahil ang lamig sa loob. Biglang may nahagip ang mga mata ko si Shawn ba yun?

Omyghaaad agad ko syang sinundan dahan dahan lang ako sa pagsunod baka makahalata siya shet.

Nakajersey short siya and varsity jacket ang wafu nya. Bigla siyang lumingon kaya nataranta ako at dali dali nagtago. Sobrang bilis din ng pintig ng puso ko sa kaba nagpatuloy na ulit siya sa paglalakad nakahinga naman ako ng maluwag shit muntik na ko dun ah!

Di ko na siya sinundan pa baka mahuli na niya talaga ako, tinitignan ko na lang siya lumakad palayo. Naglakad na rin ako pauwi ng bahay lumalakas na rin yung ulan.

Nang makauwi ako tuloy tuloy ako sa kwarto ni kumag at binato sakanya yung mga pinabili niya at lumabas ng kwarto niya. Pumasok naman sa kwarto ko at dumapa ulit at nagonline boom online pa din siya chat ko ba?

Arggggh ginulo ko yung buhok ko "nakakapagisip ka pa ba Shana?pagchinat mo sya iseseen ka lang niya at masasaktan ka lang ok"sabi ko sa sarili ko at tinatampal tampal ko ang noo ko.

nag offline na lang ulit ako ayoko na nga, wala naman akong kachat. Buti pa magligo na lang ako at baka makurot ako ni mama sa singit pagna-abutan nya ko na hindi pa naglilinis ng katawan, hinanda ko ang aking susuotin at dumeretso na ng c.r para magshower.

Sa wakas natapos rin nagbihis ako ng pantulog at umupo sa kama habang nagsusuklay ng buhok.

Bigla na lang sumagi sa isip ko ang mukha ni Shawn kanina habang nakatingin samin dalawa ng kapatid ko, di ko maiwasan mag-assume pero yun talaga nararamdaman ko. Kinilig ako bigla sa naisip na nagseselos siya.

A/n:si ken po yung nasa multimedia:)

Short Story (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now