Ang Tulang Tatapos sa "Tayo"
Ni: Christine E. BaelHirap ako sa araling pangsiyensya.
Yung tipong binibigyan ng makaagham na kahulugan ang lahat ng bagay na nakikita nila.
Ayoko nang pag-aralan ang matematika
Dahil sumasakit ang ulo ko sa tuwing nagsasama ang mga numero at letra sa Abakada.
At, mas lalong hindi ko na gugustuhin na balikan pa ang mga nangyari sa nakaraan.
Mga pangyayaring isa na lamang sa maituturing na kasaysayan.
Kasaysayan nating dal'wa, na hinding hindi ko malilimutan.
Balikan natin sa masining na pamamaraan ang mga nangyari sa pagitan natin.
Natin, na dati ay mayroon ding "Sa atin" na naging "Kayo" nang iniwan mo yung "Tayo"
Ipaaalala ko sayo yung mga kagaguhan mo.
Yung kung paano mo sinayang ang salitang "Ako" na kahit kailan hindi na ulit magiging "Sayo"
Simulan natin sa ALAMAT. Sa tuwing nababanggit ang salitang ito, pumapasok ka sa isip ko.
Naiisip ko kasi yung unang araw na nagtagpo ikaw at ako.
Yung panahong pinagmulan ng salitang 'tayo'.
Yung 'tayong' nauwi sa isang MAIKLING KWENTO.
Yung 'tayong' minsan na ring naging PABULA dahil sa mga kahayupang ginawa mo.
Yung 'tayo' na nauwi sa kwentong nakapaninindig balahibo dahil sa kuta-kutakot mong panloloko.
Alalahanin mo yung unang araw na nagpakilala ka.
Yung putanginang araw na sinabi mo sa 'king "Gusto kita".
Yung araw na naniwala ako sayo.
Yung araw kung saan nagsimula ang larong "ma-inlove talo"
Yung araw na dati akala ko siyang pinakamasaya, 'yon pala, isang bangungot sa dati kong pantasya.
Alalahanin mo yung araw kung saan meron nang 'tayo'.
Yung araw na makailang ulit kang nanggago.
Yung mga araw na puro ka ganyan ganito.
Yung araw kung saan bigla kang nagloko.
At sinasabi ko sayo, alalahanin mo yung araw kung saan sa'kin sobrang halaga mo
Kasi kahit ano pang gawin mo, hindi na 'ko magpapakasuper hero sa patitiis ng sakit kasi love story ang ginagawa natin at hindi putanginang tragic!
At ngayon, isaksak mo sa kokote mo yung araw na nagkahiwalay tayo.
Yung sinabi mong ako lang talaga ang mahal mo at hindi yung hampaslupang engkantong nakilala mo sa kung saan mang punso.
Yung araw na umiyak ka, lumuhod, nagmakaawa, para lang bumalik ako sayo.
Alalahanin mo yung araw na humindi ako sayo.
Yung unang araw na hindi ako nagsabi ng "oo" sa gusto mo.
Yung araw na naging bato ako.
Yung araw na natiis kita.
Yung araw na hinayaan kitang kainin ang putanginang pride mo.
Yung araw na hindi kita tinanggap.
Alalahanin mo lahat.
Alalahanin mo!
At ngayon, sabihin mo sa'king masama ako.
Sabihin mo sakin na hindi ako kawalan.
Sabihin mo sakin na madali akong palitan.
Sabihin mo sakin na madali akong kalimutan.
Tapos, patunayan mo.
Humanap kana ng iba.
Landiin mo lahat ng sa tingin mo maganda.
Maging malaya ka.
Tapos ako, magiging masaya.
Masaya sa piling niya.
Magiging masaya kasama siya.
Hayaan mo 'kong maging importante sa kanya.
Hayaan mo 'ko nang hindi ka nakikita at nakakasama.
At hayaan mo 'kong makalimutan ka.
Hayaan mong itong tulang 'to ang tumapos sa'ting dalawa.
Hayaan mong palayain natin ang sarili natin sa sakit na tayo din ang may gawa.
Tapusin natin yung "satin" para magkaron ng "Kayo" at "kami"
Tapusin na natin dito.
Tapusin na natin.
Tapos na tayo.
BINABASA MO ANG
Quotes Compilation
RandomQuotes compiled by me from different social medias. Hope you'll like it. *hearts*