Genre: Thriller
Archetypes: The Vigilante | The Corrupted Hero
Theme: Transformation* * *
ITINAPON mo ang marijuana na hawak mo at tinapakan ito, nang naramdaman na tila may mga matang nagmamasid sa 'yo. Muli mong hinahangod ng tingin ang buong paligid. Tanging ang malalakas na hampas ng hangin lang ang nagsisilbing ingay sa paligid.
Bigla kang napahawak sa baril na nasa iyong tagiliran, nang bumilis ang naririnig mong mga yabag. Mabilis kang pumihit patalikod at isang pamilyar na lalake ang bumungad sa 'yo.
"Oy, Elizar! Naiinip na si Boss," ani Bogart bago humithit sa hawak nitong sigarilyo. Sinundan ka pala nito.
"Wala pa ang target ko," saad mo bago mo binalingan ang isang puti at magarang bahay 'di kalayuan.
Ilang sandali pa'y maingat ang bawat hakbang na ginawa mo, dahil mamataan mo na ang iyong hinihintay. Nang makita kaniya'y bumakas ang matinding takot at pagkabigla sa kaniyang mukha. Sa isang mabilis na kilos, dinukot mo ang baril at ikinasa iyon, bago mo itutok sa 'yong harapan.
"E-elizar..." nanginginig na sambit nito.
Ipuputok mo na ang baril na hawak mo, nang biglang tumakbo ang isang batang lalake at isang matandang babae patungo sa lalakeng kaharap mo. Hindi mo alam kung bakit pamilyar sa 'yo ang kanilang mga mukha. Marahil lumulutang ang isip mo at nawawala ka na naman sa iyong sarili, dahil sa labis na paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
"H'wag mo siyang papatayin," pakiusap ng matandang babae habang umiiyak. Napatigil siya sa pag-iyak nang makita ka niya. "Elizar... ikaw ba 'yan?" Mas lalo itong naiyak. "Elizar!"
"H'wag mong papatayin ang Papa ko!" umiiyak na usal ng batang lalake, ngunit tila hindi mo na naririnig ang kaniyang pagsusumamo.
Walang pag-aalinlangan mong hinila mo ang gatilyo. Naramdaman mo pa ang pagkawala ng p'wersa mula rito. Nakita mo na lang na napahinto ang matandang lalake at nanghina, nang bumaon ang bala sa sintido nito. Kaagad itong bumulagta. Binaril mo rin sa dibdib ang batang lalake at matandang babae. Parehong humandusay sa sahig ang mga ito.
Hindi na bago sa 'yo ang pumatay, dahil 'yon ang trabaho mo. Ang pumaslang ng mga tao na wala naman kasalanan sa 'yo. Lahat iyon ay dahil sa pera na ginagawang Diyos ng mga taong katulad mo.
Napangisi si Bogart, bago kayo bumalik sa sasakyan at umalis. Dumiretso kayo sa inyong hide out.
"Boss, patay na si Delgado," nakangising bungad ni Bogart sa inyong Boss na si Mr. Aguirre.
Isang itong tiwaling pulitiko. Tumakbo itong Mayor sa isang lungsod para tulungan ang mahihirap. Lahat ng pagpapabango sa pangalan ay ginawa nito. Ngunit ang totoo'y palihim nitong kinakamkam ang pera na para sa mga taong bayan.
Unti-unti itong napangisi. "Magaling ka talaga, Elizar. Hindi ko inaasahan na maniniwala ka talaga pusher na ang Tatay mo," anito at humalakhak. "Hindi ko akalain nang dahil sa pera, kaya mong patayin ang sarili mong pamilya."
"Pamilya?" Napahinto ka at pakiwari mo'y biglang bumalik ang ulirat mo dahil sa kaniyang sinabi. "Pinatay ko ang sarili kong pamilya..." mahinang sambit mo.
"H'wag mong papatayin ang Papa ko!" Naalala mong sambit ng batang lalake. Iyon ang nakababata mong kapatid na si Eugene.
"Pinatay ko sila..." paulit-ulit mo iyon sinasambit sa iyong sarili, habang lumalandas ang mainit na likido galing sa iyong mata.
Pinaniwala ka ni Mr. Aguirre na tulak ng droga ang iyong Ama, kaya ka nagrebelde at naglayas noon. Ngayon, nagsisisi kung kailan huli na ang lahat at wala na sila.
Isang kutsilyo ang nakapa mo sa iyong tagiliran. Nag-igting ang panga mo at nanlisik ang iyong mga mata, nang maalala mo kung sino ang nag-utos sa 'yong paslangin ang pamilya mo.
Bigla mo nilapitan si Mr. Aguirre at inilagay ang talim ng hawak mong kutsilyo sa leeg niya.
"Hayop ka! Ikaw ang may kasalanan nito!" Mas lalong dumiin sa leeg niya ang kutsilyo na hawak mo.
"A---aack!"
Sa isang iglap, hinawakan ni Bogart ang braso mo at pinilipit. Sa sobrang sakit ay hindi mo napigilang mapahiyaw.
Nang magkabawi, siniko mo siya sa mukha. Buwelo ka rin at pinalipad ang kanan mong paa sa dibdib niya. Mabilis mong dinampot ang isang baril at walang tigil na pinaputukan si Bogart at si Mr. Aguirre sa dibdib, na naging sanhi para bawian ito ng buhay ang mga ito.
Tumakbo ka nang mabilis, nang marinig mo ang sasakyan ng mga pulis. Hindi ka tumigil sa pagtakbo nang makita mong hinahabol ka nila. Nang mailigaw mo sila'y binagtas mo ang makipot na eskinita patungo sa iyong bahay.
Humarap ka sa salamin hawak ang isang gunting. Kaagad mong pinutol ang buhok mo na abot hanggang sa balikat. Kinuha mo ang isang blade at inahit ang balbas at bigote mo. Nagpalit ka rin nang isang puting damit, bago ka umalis at pumunta sa simbahan.
Sinalubong ka nang isang Pari. Siya si Father Geronimo at matagal ka na niyang kinukumbinsi para magbago.
"Father, handa na po akong magbagong buhay. Susuko na ako."