JUDGES: Gothic | Horror

327 9 4
                                    

asktherisk

i. Personal Background

1. How did you become interested in writing?

Highschool days, lumalaban sa mga school press ganern.

2. Who greatly influences you in your writing style?

Iniidilo ko sina Bob Ong, Eros Atalia, Sir Ricky Lee pero syempre di ba, iniiwasan natin makopya 'yung mismong style nila. Anyway there's no such thing naman as 'ginagaya ko ang style ni ano' because you really can't copy someone's style. Imitate, oo. Pero at the end of the day lalabas na style MO pa rin iyon.

3. What do you do best when you are facing a tough situation in creating your works?

Magbasa. Makakakuha ka ng ideas sa simpleng pagbabasa.

ii. Judging

1. What particular part of a story do you focus on? (Plot, Prose, Characters... etc)

More on plot ako e. As long as makuha mo ako rito pasado ka sa 'kin. Second is the writing style. Minsan kahit cliché ang plot pero maganda ang writing style ayos din sa 'kin 'yun. Third is choice of words (pero under pa rin yata ito sa writing style?). Mas bilib ako sa mga authors na pinaglalaruan ang mga MABABABAW na salita kaysa doon sa mga gumagamit ng malalalim na salita. Play with words. Wala sa lalim ng salita ang ganda ng isang akda. Well hindi ko naman kayo pinagbabawalan gumamit ng malalalim na salita, style n'yo 'yan e, it's just that mas bilib ako sa nauna. Kanyan-kanyang taste.

2. How do you handle your own preferences in criticizing a story?

Mag-normal-an tayo. Normal lang naman akong reader at writer. Don't expect me to critic about the technicalities of the story. Tangina 'di naman ako magaling dyan e so anong karapatan kong matahin ang kakayahan ng isang manunulat pagdating sa ganyang bagay? As I've said, mag-normal-an tayo rito. Walang plus point sa mga english entries. Pantay lang dapat. I believe dapat iba ang contest ng mga english sa filipino writers. Just like press cons. So ayun. Mag-normal-an tayo. I'll comment what a normal reader could notice. That's it. Taste ko lang ang makakalaban n'yo rito.

3. What makes you believe a story has an edge??

Sa totoo lang nafi-feel ko 'ata pag pilit ang isang kwento. Paanong pilit? Ganito. Para bang 'yung Ang Babae Sa Septik Tank. Pinakita doon na ang mga direktor, gugustuhin nilang mas piliin at ipakita 'yung topic na kahirapan sa Pinas kasi mas nananalo ang ganoon sa film festivals. Parang dito lang din 'yan sa wattpad e. Authors will write about poverty para maging makapagbagdamdamin ang kanilang akda. OKAY LANG NAMAN 'YUNG GANOON E, ANG TANONG, NAPANINDIGAN BA? Mga ate at kuya, 'wag kayong susulat ng about sa kahirapan kung hindi n'yo pa naranasan o nakita o wala kayong realiable source. Okay sige, paano kung kaya naman isulat? E di walang problema. Mararamdman ko naman 'yan e. Mararamdaman ko naman kung may puso ang isang gawa. Wala naman akong karapatan pilitin kayo sa kung anong gusto n'yong isulat, 'yung mga suspense/thriller writers nga nagsusulat ng ganoon kahit hindi pa naman sila nakapatay ng tao di ba? Research-research lang din naman kasi yan e. So kung susulat kayo about sa kahirapan tanong-tanong kayo para sa consistency. Pero kung pipiliin n'yo ang topic na kahirapan para lang maipanalo mo ang contest? Hahanapin ko pa rin naman kung may puso ang gawa n'yo.

What makes me believe a story has an edge? Simple. Dapat may ma-feel akong emotion sa ending. Either I'm disgusted, thrilled, inspired, etc. Dami ko pang kuda e 'no iyon lang naman ang tanong. Ha-ha.


cgthreena

i. Personal Background

1. How did you become interested in writing?

Nang simulan kong magbasa ng mga nobela sa Wattpad.

2. Who greatly influences you in your writing style?

Isang kaibigan sa Wattpad na sadyang napakaganda kung magsalaysay ngunit ngayon ay tumigil na muna siya sa pagsusulat at si Gypsy Esguerra, ang sumulat ng Anonymous.

3. What do you do best when you are facing a tough situation in creating your works?

Nagre-relax muna ako. Nagbabasa-basa ng ibang nobela, nakikinig sa musika o kaya'y nanonood ng kung anumang palabas.

ii. Judging

1. What particular part of a story do you focus on? (Plot, Prose, Characters... etc)

Sa kung paano ito isinalaysay, paraan ng pagsusulat, gramatika, ang daloy ng kwento, mga tauhan at kung paano nasolusyunan ang mga dapat masolusyunan. Kung naging kapana-panabik ba ang takbo nito. Kung nagtagumpay ba ang manunulat sa pagbibigay ng hustisya sa kanyang obra.

2. How do you handle your own preferences in criticizing a story?

Maingat kong pinapaalam sa manunulat ang mga bagay na nakaganda sa kanyang gawa at kasunod no'n ay ang mga bagay na maaaring makasira rito at saka ito bibigyan ng suhestiyon na makatutulong upang mas lalo itong mapaganda.

3. What makes you believe a story has an edge?

Kung ang isang istorya ay kawili-wili na may kakaibang twists kung saan ang mambabasa ay matagal bago makalimutan ang istoryang nabasa. Tipong apektadong-apektado ito. Kung paanong ang manunulat ay nakuha ang loob ng mambabasa sa paraan ng kanyang paglalahad ng kwento.


PagOng1991

(Answers to follow)


Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingWhere stories live. Discover now