Liwanag at Dilim

151 6 2
                                    

Genre: Gothic
Archetypes: The Repentant Traitor | The Monstrous Adolescent
Theme: Forbidden Love

* * *

Natagpuan ko ang sarili ko sa gitna ng kawalan—ang lugar kung saan nagtatagpo ang kadiliman at liwanag. No'ng una'y hindi ko mawari kung ba't ako naririto ngunit nang maalala ko ang aking hari ay naalala ko ang lahat.

Dumiretso ako sa bahagi kung saan nagsusumigaw ang dilim, nakakailang hakbang pa lamang ako sa teritoryo nila'y nangatog na ang aking binti, para bang may nakamasid sa akin at naghihintay ng panahon upang ako'y paslangin.

Tinuloy ko ang paghakbang nang bigla na lamang may sumulpot sa aking gilid. "Sino ka?" tanong niya na siyang nagpahinto sa akin. Ramdam ko ang talim ng bakal sa aking beywang, na sa isang maling salita ko lamang ay tiyak ibabaon niya iyon.

"Maari mo ba akong tulungan? Ako'y naliligaw at 'di ko matagpuan ang aking tirahan."

"Lahat ng mga itim ay hindi naliligaw sa dilim. Puwera na lang kung ikaw ay isang puti." Nagduda niyang puna sa akin.

Agad kong hinarap ang lalaking ito. Bakas ang gulat sa kanyang mukha. Alam ko, dahil wala ni isang bahid nang pagkaputi ang makikita sa akin.

Inilayo ko ang kanyang espada. Napakunot ang noo ko nang bigla na lamang nanlambot ang kanyang mga matang nakadirekta sa akin. Sinamantala ko iyon at agad na kumaripas ng takbo.

Ilang gabi akong namalagi sa isang abandonadong bahay. Hinihintay ko lamang ang araw ng pag-aalay o ang piyesta ng dugo. Nagaganap ito sa tuwing bilog ang buwan, at noon lamang inilalabas ng hari ang itim na dyamanteng kumokontrol sa lugar na ito.

Suot ang itim na damit ay tumungo ako sa pamilihan, ngunit magulo at sirang mga kagamitan lang ang naabutan ko. Napayuko ako nang may sibat na sumulpot sa direksyon ko. Sa 'di kalayuan ay may nagaganap na duwelo.

Agad akong lumapit doon upang pagmasdan ang nagaganap na duwelo. Biglang nabaling ang kanyang paningin sa akin na siyang ikinagulat namin pareho, tila ba biglang lumakas ang kabog ng aking dibdib.

Napansin iyon ng kalaban kung kaya't ako ang pinuntirya nya. Mabilis akong inasinta't pinana ng lapastangan na iyon. Iika-ika akong tumakbo palayo ngunit agad din akong naabutan. Aatake na sana ako nang napatigil ako nang mapagtanto ang taong umaalalay sa akin ay ang lalaking nakita ko noon.

"Mag-ingat ka, malapit na ang piyesta kung kaya't marami nang pumapatay ngayon."

Dinala nya ako sa isa abandonadong gusali at ginamot ang tama sa aking binti. Pakiramdam ko'y isa akong prinsesa na nailigtas. Nasampal ko ang sarili sa naisip. Nahihibang na yata ako.

Nanlamig ako nang maalalang kita sa aking dugo ang pagkakaiba ko sa mga naririto. Inangat niya ang kanyang tingin at niyakap ako na siyang kinagulat ko.

"Ikaw! Ikaw ang babaeng hinahanap ko," nagagalak niyang turan sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ikaw, ikaw ang itinakda sa akin."

"Nahihibang ka na ba?" Walang pwedeng magmahal sa akin dahil kakaiba ako. Hindi niyo ako kauri.

Buhat noo'y hindi na niya ako iniwan na siyang pinagtaka ko. Kaya naman ay hinayaan ko na lamang siya. Di ko lubos maisip na sa ganitong kaiksing panahon ay mahuhulog ang loob ko sa kanya.

Araw na ng pista kaya nama'y naghanda na ako. Isa-isa kaming pumasok sa loob ng palasyo. Ngunit bago ako makalapit sa malaking pinto ay pinigil ko siya.

"Kailangan mo akong tulungan," bulong ko sa kanya. "Kailangan kong makuha ang itim na dyamante."

"Itim na dyamante? Ngunit wala namang ganoon sa ating mundo."

"Makukuha ko lamang iyon kapag napaslang ko ang hari, kung kaya't tulungan mo ako," pagmamakaawa ko sa kanya.

"Mahal kita ngunit 'di ko kayang gawin mo iyon sa kanya." Nag-aalala ngunit may diin niyang sagot sa akin. Natahimik naman ako sa kanyang tabi. Mahal? Tila isang malaking kasinungalingan.

Tunay nga ang kanyang sinabi, nagawa kong paslangin ang hari ngunit wala ang itim na dyamante.

Natatakot ma'y bumalik ako sa aking mundo, kung saan nakakabulag ang linawag. Lugmok ko na hinarap ang aking hari.

"Patawad, ako'y nabigo." Tila isang bulkang papasabog ang taong kaharap ko ngayon. Ang liwanag na kanina'y sapat lang ay biglang mas nagliwanag na siyang ikinabulag ng mga nilalang sa loob ng palasyo.

"Hangal! Inutil! Kung hindi mo inamin sa kapwa mo ang iyong misyon ay hindi sana aabot sa ganito! Tila yata nakalimutan mo, wala sa kahit aling lugar ang tatanggap sa pagkatao mo. Nararapat kang mamatay!" Galit niyang turan. Unti-unting nasunog ang aking balat, ramdam ko ang hapdi at ang kanyang galit. Tanggap ko na, eto na ang aking katapusan.

Ngunit bago pa man mahuli ang lahat ay may biglang may yumakap sa akin, napaluha ako nang makilala siya.

"Hindi kita iiwan, kung hindi tayo puwede rito, sa ibang mundo tayo. " tila lumipad ako sa langit. Kasabay nito ay ang ihip ng hangin na siyang bumura sa aming dalawa.

Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingWhere stories live. Discover now