Balabal

265 11 6
                                    

Genre: Horror
Archetypes: The Dandy | The Lovable Rogue
Theme: Revenge

* * *

Nganingani mong kinatok ng dalawang beses ang bubungan ng dyip para matawag ang pansin ng drayber na parang tinatanggalan ng tainga tuwing may magsasabi ng para sa mga pasahero.

Tumigil ang dyip sa tapat mismo ng bababaan mo.

Sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taong pagsakay sa dyip na ito, ay nakinig sa iyo ang drayber.

Tumingin ka sa mga pasahero, tulog ang iba at ang iba nama'y mulagat ang mata pero walang ekspresyon ang mga namumutlang mukha. Dahil na rin siguro sa takot sa paraan ng pagpapatakbo ng kaskaserong tsuper.

Napatingin sa iyo ang drayber, at sa saglit lamang na pagtagpo ng inyong mga mata ay nagkaroon agad ng kakaibang interaksyon na parang nabato-balani kapuwa kayong dalawa.

"Ikaw pala iyan Tol!" Agad na bumaba ang drayber mula sa kaniyang kinauupuan at pumasok sa loob ng dyip.

"Kailan ka pa nakauwi? Hindi ka man lang nagpasabi para naman ay nasundo kita piyer," napailing ka nang umupo ito sa tabi mo, dahilan para halos maupuan nito ang katabi mong babae na walang anumang naging reaksyon.

"Paano mo nalaman ang daan pabalik?" Tila ba kailangan mo talagang ipaliwanag ang lahat sa kaniya.

"Tumirik po tayo. Baba na lang po," sabi ng kuya mo sa mga pasahero kahit na mukha namang kaya pang i-biyahe hanggang bayan ang naturang dyip.

Walang kahit isang kumilos.

Nagsimula nang mangatog ang tuhod mo, kanina mo pa nararamdaman ang lamig ng katawan ng mga katabi mo.

Ang katahimikang nag-uumapaw sa dyip na talaga namang hindi pangkaraniwan.

Pero sa isang banda, naisip mo kung bakit mo siya naging kuya e, Hindi mo naman siya kapatid. Iisa lamang ang kapatid mo at babae ito. Nakakasiguro ka rin na walang anak sa labas ang isa sa mga magulang mo.

Inisip mo ang lahat ng puwedeng maisip. Hindi gumana ng matino ang iyong utak. Napadako ang tingin mo sa mga kapuwa mo pasahero na naiwan sa dyip.

Nandoon pa rin sila, at kagaya nga ng inaasaha, mga walang buhay na ang mga yaon kaya natutop mo ang iyong bibig at nakalimutan mo na kung paano magsalita.

Ngayon, napagtagpi-tagpi mo na ang lahat.

Kilalang mangingikil ng mga negosyanteng hilaw ang tiyuhin mo sa dito sa baryo.

At sa huli mong pagkakatanda ay Ronnie ang ngalan ng tiyuhin mo.

"Maganda naman ang pasilidad ng ospital doon sa may barrio para maalagaan ang Lola, bakit kailangang sa Maynila pa?"

Napailing ka na lamang sa mga itinuran ng (kuya) mo. At tinanguan mo na lamang lahat ng litanya niya bilang paggalang sa kaniya.

Sinipat-sipat mo ang mga gamit na naipundar (mo) sa tatlong taon (mong) pagtatrabaho matapos (mong) makuha ang lisensya (mo) sa pagdo-doktor.

"Nandiyan pa iyang Minami na TV, ayaw papalitan ni Lola. Pinaghirapan mo raw iyan. E, kasing gaan na lang ng papel ang presyo niyan ngayon."

Lumipas nga ang halos labin-limang taon na wala silang nalalaman. O sadyang nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan sila noong mga panahong buhay pa ang taong totoong kausap nila.

Ang iyong ama.

Uminit ang sulok ng iyong mga mata.

Hindi na nakatiis ang mga luhang kanina mo pa pinipigilan pero ngayon ay ayaw na ring huminto sa pagtulo.

Napatingin sa iyo ang iyong tiyuhin. May pagtataka sa mga mata nito, waring nagtatanong kung ano ang letra at bakit mga letra.

Hindi mo ito maipaliwanag.

Nandito ka ngayon sa pawid na dapat ay bakasyunan mo, pero mukhang hindi mo naihanda ang iyong sarili na dito na matatapos ang taunan mong pagsakay ng dyip tuwing sasapit ang ika-dise kuwatro ng Oktubre.

Huminto ang paligid, parang sirang plakang namutawi sa tainga mo ang tinig ng iyong ama, ng iyong amang kamukhang kamukha mo na ngayon.

"Katulad ng mga hayop na nagkakainan kahit kauri nila, ganoon ang tiyo mo, anak. Iwaglit mo na sa iyong isipan ang pakikipaglaro sa apoy."

Ngunit bago pa man dumiretso sa iyong utak ang totoong nilalaman ng sibi ng iyong ama, nailabas mo na ang lahat ng mga kagamitan mo.

Sa isang iglap ay nasa sahig na ang iyong tiyuhin. Itinurok mo sa kaniya ang herenggilyang nakalimutan mong itapon kahapon. Nangunyapit siya sa sakit.

Sumigaw siya nang sumigaw, pero wala kang pakialam.

Ang tanging alam mo lang ay ang galit. Galit ka, at walang makapipigil sa iyo.

Ginupit mo ang balat sa may likuran ng tiyuhin mo dahilan para maihinga na nito ang huli.

_______________

Walang pasintabing nanuot sa iyong litid, laman-loob at buto ang pumailanlang na lamig ng simoy ng bumubulong na hangin sa dinaraanan ng animang dyip na iyong sinasakyan.

  Sandali mong ipinikit ang iyong mga mata, at sa muling paglapat ng talukap mo sa ilalim na balat ng iyong mata ay ang pagtakas ng mga alaala nitong nakaraang dekada. At sa pagmulat muli ng mga ito ay ang pagkatanto na hindi mo dapat ibinabalabal ang balat ng tiyuhin mo.

Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingWhere stories live. Discover now