Si Seth at ang misteryo sa sementeryo

160 5 8
                                    

Genre: Gothic
Archetypes: The Reclusive Genius | The Evil Albino
Theme: Rivalry

* * *

Killer POV


Maiitim na ulap ang tumaklob sa langit kasabay ng malalaking patak ng tubig, na lumalagitik sa nakasarang bintana ng mga silid-aralan dahil sa pag-ihip ng malakas hangin. Kumakabog ang dibdib ko sa tuwing dumadagundong ang kulog at gumuguhit ang kidlat. Naroon ako sa labas, sa sementeryong katabi ng eskwelahan namin. Giniginaw, ngunit nag-iinit. At para sa isang kuting, ang senaryong ginawa ko'y magdadala sa kaniya ng kilabot na sagad hanggang buto, at hindi malilimot.

Hawak ko ang buhok ni Leila at kinakaladkad ko siya sa putikan. Hawak ko naman sa kabila ang combat knife na gagamitin ko para sa kaniya, katulad kung paano ko ginamit iyon sa mga naunang alay. Nagpupumiglas siya sa paghatak ko at ngumawa na parang kinakatay na baboy, nagmamakaawa.

"Maawa ka... pakawalan mo na ako." Sabi niya.

Sa paghinto ko'y binitawan ko siya't napasubsob ang mukha niya sa putikan.

"Huli na Lei, hindi ka na rin naman makakatakbo. Tignan mo mga paa mo... lantang gulay na!" inapakan ko ang ulo niya at idiniin ang mukha niya sa lupa. "Kaya sa ayaw mo man at hindi, sasama ka na a akin."

"Maaw—"

"SINABI NG HINDI!" itinihaya ko siya at sabay tarak ng kutsilyo sa lalamunan niya, ng pauulit-ulit. Tumalsik sa aking mala-gatas na balat , at itim na uniporme, ang mapula at malansang dugo at natikman ko pa nga ang mapakla nitong lasa. Bumubulwak ang dugo sa bibig niya habang tuloy-tuloy ang aking pagsaksak. Hanggang sa maisipan kong kunin na ang talagang aking pakay sa kaniya, ang braso nyia. Matiyaga kong ginamit ang kutsilyo para lang matanggal ang braso, kahit matagal, dahil kakailanganin ko iyon sa ritwal.

"Hintay mo lang, magkakasama na ulit tayo sa mundo, MAHAL KO!" Isa na lang kulang, ang buhay na alay.
...

...

...

Seth POV

"Ano, papayag ka na ba?" sabi niya na may diin, tumayo siya at nagpahabol pa ng ngisi. "Sigurado namang tama ako sa isasagot mo sa akin, hindi ba , Seth?"wala ng tatalas ng mga mata niyang sa aki'y nakatingin, para siyang leon na isang linggo hindi kumakain."Tandaan mo! tatalunin kita bago sumikat ulit ang araw. Hindi kita bibigyan ng awa."

Hindi na bago sa akin ang eksenang ganito. Dahil parati naman siyang naghahamon. Mapa-exam, P.E, Cooking, sa lahat hinahamon niya ako. Palagi naman siyang nananalo. 'Di bale na nga, makikipaglaro na lang ako.

Habang iniisip ang bawat detalyeng nakuha ko mula sa pakikipag-usap ko kay Kite, nakarinig ako ng sigawan mula sa hallway, kung saan nakahelera ang silid namin. Sinulyap ko at nakiusyoso na rin.

"Isang chance pa Kim, hindi ko na talaga uulitin."paki-usap ni Leo sa girlfriend niya. Kaklase ko sila pareho. Ang "muse" at "escort" namin. Parehong maputi, artistain ang mukha, at yayamanin. Matangkad ng kaunti si Leo, at matangkad rin naman si Kim, kung ibabase sa normal height ng mga babae. Great combo , ika-nga.

"Leo!" hiyaw ni Justin na naroon sa pinto ng silid namin. Ang joker ng klase, walang kasiyahan kapag wala siya. Bibo, listo, paborito ng mga guro, at matalino. Isa sa mga hearthrob, minsan tahimik, pero madalas; madaldal.

At bigla na lang may nagharang ng kamay sa mukha ko. "Seth!" tawag niya sa pangalan ko.

Sa pulsuhan niya'y mayroon siyang suot na kulay puting baller at tanda ko kung sino ang may suot noon. Si Kaye, ang scholar.

"Balita ko may face-off kayo ni Kite, ah" sabay dagok niya sa akin. Pero katulad ng dating gawi ,tumayo ako at akmang aalis na sa hagdan, hindi ko hilig ang makipag-usap. Iidilip na lang ako kaysa makipag-usap sa madaldal na ito. "Seth!"

Kumunot ang kilay ko at lumingon sa kaniya. "Ang kulit mo talaga."

Hawak na naman niya ang laylayan ng damit ko. Parati na lang ganito kapag may gusto siyang malaman. Oo na! "Anim ang biktima, magkakaiba ang seksyon. Pare-parehong na sa english club. Tatlo ang 3rd year: May, Leila, Shawn. Tatlong 4th year: Randy, Kristoph, Yana.Magkakapareho ang pagkamatay: tadtad na saksak sa lalamunan. Pero kada isa sa kanila'y magkakaiba ng parte sa katawan ang kinuha. Simula sa una hanggang sa huling biktima: Palad, kaliwang braso, bibig, tainga, kanang binti, at Kanang braso. At may isa akong iniisip na baka karugtong ng pangyayaring ito."

"At ano naman 'yun?"

AY!

Dapat pala 'di ko na sinabi 'yung huli. Naman... kainis!

"Si Pamela."

"Anong meron sa kaklase nating patay na?"

" Nakita kasi kanina ng mga teacher 'yung selpon niya doon sa sementeryo, kung saan pinatay si Leila. Nagtataka ako kung paano 'yun napunta doon. Kaya ngayon may hahanapin akong tao, at sana hindi lang siya imagination."

"E? Sino?"

" 'Yung boyfriend ni Pamela."

"Walang boyfriend si Pamela." sabay tawang-malakas.

Ngumisi ako na akala mo sigurado, "Meron. Nakasuot pa nga 'yun ng baller na may tatak na "KINDNESS"."

At kagugulat-gulat na bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

Catharsis III: Unveiling of the Last Man StandingWhere stories live. Discover now